Chapter 26.

10.8K 417 94
                                    

CHAPTER 26.


Nasa bus na kami at kasalukuyang nagaattendance. Uupo na sana ako sa tabi ni Ivy at Aiko pero hinawakan ni Callixte yung kamay 'ko.



"Oh bakit?" Tanong 'ko.




"Tabi tayo." Cold na sabi niya.




"Ayoko." Pilit kong binabawi yung kamay ko pero mas lalo niyang hinihigpitan ang hawak niya.



"Di kita tinatanong kung gusto o ayaw mo. Utos yun. If i say sit beside me, sit beside me." At marahan niya akong tinulak sa may window side.




"Bakit mo ba ako inuutusan.. Tss." Okay I admit gusto ko siyang katabi, kaso baka pati ito malaman ni Dad. Aba hindi ko naman alam kung sino ang kakunchaba niya.




Hindi ko siya pinapansin habang bumabyahe. Ewan ko ba, feeling ko kahit malayo ako kay Dad ay nakokontrol niya padin ang actions ko. Katulad ngayon. Kinukulit ako ni Callixte pero hindi ko siya gaanong ineentertain.



Nagulat ako nangi-interwine ni Callixte ang kamay namin at sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Weird? Sa harap ng blockmates namin? Akala ko ba hate niya ako?




"Callixte what are you doing?" I asked at marahang inaalog ang braso 'ko.




"Porsche wag kang makulit ilaglag kaya kita d'yan sa bintana?" Reklamo naman niya.




I just sighed. Di naman siguro 'to malalaman ni Daddy noh? Hindi naman siguro.. Sana. I promise, after nito, kapag sinagot ko na si Romeo, hindi na ako magiging ganito kay Callixte.



Bukas ko nalang sasabihin kay Romeo na sinasagot ko na siya. Just a night with Callixte bago ko siyang tuluyang iwasan. That's all I ask for. Promise ko 'to.



Nilagay ko yung ulo niya sa kanlungan ko kaya ngumiti siya sa akin. He pouted kaya sinimangutan ko siya. Ano? Kiss dito? Baliw ba siya?



"Ano?" Mahinang tanong 'ko.



"Kiss ko. Dali, wala naman boyfriend mo. Lagi naman tayo nagkikiss diba?" Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig niya. Luminga-linga ako at buti naman ay mukhang walang nakarinig. Lahat ay naka-earphones o kaya naman tulog.



"Manahimik ka. May boyfriend na ako ngayon—" nagulat ako nang iangat niya ang mukha niya and gave me a quick kiss. Sige lang Callixte, sulitin mo na panlalaro mo sakin. Dahil simula bukas? Sisiguraduhin ko talagang kakalimutan na kita.



-



Nakarating kami sa desired forest na pangarap naming mapuntahan. Inakay ko ang maleta ko at ang backpack ko habang binibigay na nila samin yung mga tent na tutulugan namin.



"Ano? Halika na.." Inakbayan ako ni Callixte pero agad ko ding tinanggal iyon.



"Nagpalit kami ni Eunice remember? Di niyoko kagrupo." Sabi ko.



"Uhm.." Biglang sumulpot si Eunice kaya dumilim na naman ang aura ni Callixte.



Nagpaalam na ako kina Aiko at Ivy at sumama na sa mga kagrupo ko.



"Dennis, palit tayo. Dun ka kila Jake." Nagtaka ako nang sabihin iyan ni Callixte kay Dennis habang sine-set up namin yung tent namin.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon