Chapter 55.

7.2K 180 227
                                    

CHAPTER 55.

PORSCHE'S POV.

On the way kami sa ob ko ngayon kasama si Callixte. Panay ang tingin ko sakanya dahil seryosong seryoso siya sa pagddrive at ang tahimik niya. Is he thinking about Lily?

"Bakit?" He asked when he caught me staring.

Umiling ako, "Wala. Kinakabahan lang ako.."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito ng marahan, "It's going to be fine, love. 'Wag ka na kabahan."

Dahil sa sinabi ni Callixte ay nakahinga ako ng maluwag. His words are soothing, relaxing. It calms the storm inside me.

Nakarating kami sa hospital and directly went to our OB. We waited for our turn and sobrang kabado ko nang tawagin na ng nurse ang pangalan ko.

"Good morning tita Jen." Nag-beso si Callixte at ang young and fresh na si Doc Jen.

"Callixte anak! Nako binatang binata na talaga 'tong inaanak ko oh!" Magalak na bati ni Doc atsaka pinangigilan ang pisngi ni Callixte.

"Oo naman Tita, magiging ama na nga po ako eh hehe." Anang Callixte at hinalikan ang noo ko.

Napahalakhak si Doc, "Very Clarence Motereal! Sharp shooter! Well I guess it runs in the blood huh."

Nagtawanan silang dalawa at bumaling naman na sakin si Doc.

"Ang gandang bata." She said at hinimas ang tiyan ko. "Ilang taon kana?"


"Kaka-19 lang po."



She laughed, "Ang rurupok talaga ng mga bata nowadays. Naku."



Natigil na ang kwentuhan nang simulan na ni Doc. Jen pahiran ng malamig na gel ang tiyan ko at sinimulan ang ultrasound.



Nakatitig  kaming tatlo sa screen but... it's clear. No signs of a fetus. Pero hindi sumuko agad si Doc. Jen. She examined the screen more.


"It's a false alarm, Callixte. She is not pregnant." Anang doc and she sighed heavily.


Part of me ay nadismaya pero masaya ako na hindi ako buntis. We all know that Callixte and I are too young to be parents.



"P-pero nag pregnancy test po si Porsche and it says positive." Halata ang dissapointment sa tono ng pananalita ni Callixte. Nasa-sad din ako kasi... oh well, we were both expecting a baby and ang dami na naming plano.



"You should atleast tried twice or thrice kasi may mga fake na pt nowadays. Minsan magne-negative siya kahit buntis naman talaga ang babae. Minsan naman magp-positive kahit di naman talaga." Anang doc Jen.



Nilinis niya ang tiyan ko at niresetahan nalang ako ng vitamins and we left the hospital. Tahimik at tulala si Callixte habang naglalakad kami palabas ng hospital. Pinipisil pisil ko ang braso niya kaya napatingin siya sakin.




"Babe..." malungkot na saad niya at niyakap ako ng mahigpit.


I patted his back, "Cheer up na, Cal. Atleast diba we have more time to prepare ourselves. Alam mo ang bata pa natin masyado para magka-anak."



He sighed, "Well, yeah. I guess it's not yet time. Tanginang pt 'yon, paasa."



Natawa nalang kami pareho at nagdecide na mag-lunch nalang sa buffet restaurant. Panay ang titig ko kay Callixte na halatang dismayado padin dahil sa false alarm pregnancy ko. I slightly pinched his cheek ngunit ngumiti lang siya ng matipid.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon