Chapter 10.

8.9K 393 54
                                    

CHAPTER 10.


"Ano nanaman nangyari d'yan?" Tanong niya pagpasok namin sa CR ng boys. Kaming dalawa lang naman ang nandito at nilock niya ang pinto.



"Saan ba?" Tanong ko nang di siya tinitignan.




He cupped my cheeks kaya feeling ko ay tumalbog ng todo ang puso 'ko, "D'yan." And he looked at my lips.


Iniwas ko ang mukha 'ko at hindi siya tinignan. Baka maiyak lang ako, eh. At maamin ko sakanya ang pambubugnog ni Daddy. "Last time pa 'yan. Nilagyan ko lang ng band aid."



"And your eyes are swollen. Have you been crying?" He asked.



Di ko padin siya tinitignan. Somehow, naaappreciate ko yung care niya. Pero kapag naalala ko na ginagawa niya lang 'to para sa grades niya, nanghihina ako.



"Hindi. Bakit naman ako iiyak?"



"Stop being a brat and look at me while I'm talking to you!" Wow straight english. Haha. Napatingin tuloy ako sakanya at ngumiti.



"Okay lang ako. 'Wag ka na magalala."



"Make sure. Grades ko naka-alalay dito. Tss."



Ouch. Sabi ko na nga ba, e..



"Wag ka magalala. Iingatan ko sarili ko para sa grades mo. Sige na, una na ako."



Bumalik na ako sa classroom kahit sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Broken hearted nalang ako sa lahat ng lalaking mahal ko.. Kay papa at kay Callixte. Hay buhay. Sakit talaga magmahal.



Nag-anounce yung prof nami sa PE na after daw ng sports fest ay mayroon kaming team building. Pinapili kami kung saan namin gusto, resort or forest. Syempre madami kaming nag-vote sa forest kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam 'ko.



"Group yourselves into 6, 'yan ang mga kasama niyo sa team building." Anang prof.




Humanap pa kami nina Aiko at Ivy ng tatlo pang kasama.



"Ivy! Ilan kulang niyo?" Tanong ni Paolo.




"Tatlo pa, e. Kayo ba?" Ivy.



"Uy sakto! Tayong anim nalang!" Anang Jake. Nakita kong napairap si Callixte kaya feeling ko ayaw niya akong kasama.



"Ayaw ata ako kasama ni Callixte." I sighed. Napatingin naman si Aiko at Ivy sa akin.



"Huh? Bakit naman? Parang kahapon lang sa mall ang sweet niyo." Ivy.



Kung alam niyo lang.. "Makikipag-palit nalang ako kay Eunice. Tutal, may something naman sila diba?"



Kahit 'di pumayag ang mga kaibigan 'ko ay tumayo na ako at lumapit kay Eunice.



"Uy. Gusto mo dun ka sa group nila Callixte?" Parang nagulat pa si Eunice sa sinabi 'ko.



"Are you sure?" She asked kaya tumango ako. "Wala na kami, e.. Pero okay lang. Malay mo makipagbalikan siya diba?" Naging sila pala?



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon