Chapter 54.

5.4K 196 37
                                    

CHAPTER 54.


Manila.


PORSCHE'S POV.



"Porsche, ano ba? 'Yung dress mo." Sinimangutan ako ni Callixte at hinila ang dress ko pababa. Kakalapag lang ng eroplano namin sa NAIA at hindi na ako makapaghintay na makita ang mga kaibigan ko. Finally!


"Epal ka." Ang tanging sinabi ko at naunang maglakad.




"Bakit ka ba nagagalit? Kanina pa kita napapansin." Aniya habang tinatabihan ako. Loko! Tatanong pa tong lalaking 'to eh kung maka-tingin siya kanina sa mga stewardess akala mo nakakita siya ng multo. Sabagay! Ang gaganda naman kasi talaga! Hmp!



"Alam mo Callixte alam kong mas magaganda sakin ang mga flight attendant na yun pero pwede ba? Girlfriend mo ako! Tas kung makatingin ka dyan..." Inirapan ko nga. Asar amp.



"P-porsche... h-hindi naman sa ganon." Nag-iwas siya ng tingin at parang bothered. Neknek niya!



"CALLIXTE!" Parehas kaming napatingin ni Callixte sa likod. Oh? Eto yung flight attendant kanina na tinititigan ni Callixte ha?



"Porsche, tara na—"



"CALLIXTE! Uy!" Nakalapit na ng tuluyan sa amin ang magandang epal na flight attendant.



"Sorry? Do I know you?" Hindi makatingin ng diretso sakanya si Callixte. Aba eh teka.. pano niya nakikala si Callixte?



"Kuya! Grabe ka ha.. Lily to huy! Di mo na ko matandaan?!" Tumawa pa ang lokaret. Teka....



"Lily?" Tanong ko. Siya yung kinekwento ni Callixte na half sister niya na naging girlfriend niya....



"Yup! The one and only!" Ngiti pa niya. Shettttt ang ganda niya..... wala akong laban.



"Lily? Pinagloloko mo naman ako eh. Pano magiging ikaw si Lily eh ang tanda mo na? 17 palang yung Lily na kilala ko miss.. tara na, Porsche." Marahan na tinulak ni Callixte ang likod ko at naglakad na kami pero bigla naman kaming hinarang ng epal na to!!!!!! OONGA! Kwento sakin ni Callixte mas bata sakanya yung Lily eh?




"OJT ko lang to! Remember? Nakapang-asawa si mommy ng pilot diba? After nila ni.... tito Clarence." Maliit ang ngiti niya nang sabihin niya ito.



"Sorry pero di talaga kita kilala Miss." Inirapan siya ni Callixte. Naglakad kami palayo pero nagulat kami nang sumigaw yung Lily.



"Blood stains on your white bed sheet! Remember?"




Napatigil si Callixte sa paglalakad and in that instant, nakaramdam ako ng matinding inis. Does she have to shout it out? Putangina?




Napailing nalang si Callixte at tuluyang kaming naglakad para kunin ang luggage namin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Kaya pala ganon siya tignan ni Callixte kanina sa eroplano... kasi siya si Lily.


Pero bakit niya dinedeny na hindi niya kilala ang Lily na yon? Bakit ni-hindi man lang niya ako ipinakilala bilang girlfriend niya?



"'Wag mo na isipin yun, Porsche." Aniya nang makasakay kami sa kotse.



"Bakit mo siya itinatanggi?" Ang tanging tanong na lumabas sa bibig ko.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon