Chapter 16.

9.1K 416 104
                                    

CHAPTER 16.


Day 2 ng sportsfest. Palagi lang akong nasa tabi ni Callixte dahil ayaw niyang maulit yung nangyari kahapon. Sabagay, grades niya naman kasi ang delikado kapag may nangyari na namang masama sa akin.



Katulad ngayon. May meeting sila ng team mates niya at ng coach niya sa may locker room sa gym at ako lang ang babae dito. UGH. Okay.



"Mamaya may laban tayo, 3pm. Montereal, ayaw ko ng ginawa mo kahapon ha? Mabuti nalang ay nanalo tayo. Be there later." Napansin siya ng coach niya.




"Eh coach napahamak si Porsche eh. Mas uunahin ko pa ba yung laro kesa sakanya?" Katwiran niya naman at inasar-asar siya ng team mates niya at tinutulak-tulak pa sa akin.



"Bakit? Girlfriend mo ba siya?" Masungit na tanong ni Coach. Hala! Tama nga si Paolo, laging beastmode ang coach nila.




"Opo." Callixte naman. Syempre kailangan niyang sabihin yun noh para hindi magalit ang coach hila. Zzzzzz.



"YOWN! Pare! Kailan pa?!" Paolo. Inirapan lang siya ni Callixte.



"Ah okay. Basta! At ikaw Porsche, 'wag na 'wag kang mawawala sa paningin nitong boyfriend mo. Alam mo naman siguro kung gaano ka-paranoid diba?" Natawa si coach pati ang team mates niya.



Sarap naman pakinggan nun! Hay, kung sana ay totoo lang. "Opo coach. Sorry po."



Dinismiss na sila ni coach at nagulat ako nang i-interwine ni Callixte ang kamay namin. Hehe. Di na ako papalag. Kunwari di ko rin napansin.



"Porsche." Napatigil ako sa paglakad at tumingin sa likuran ko.



Napalingon naman ako, "Romeo! Bakit?"



"Totoo ba? Kayo na?" Napatingin pa siya sa kamay namin na magkahawak.




Aamin ba ako na hindi? "Uhmm—"



"Oo pare. Kahapon lang. Kaya kung ako sayo tigil-tigilan mo na ang pagpapadala ng boquet sa girlfriend ko. Pwede?" Inirapan siya ni Callixte at hinila niya na ako palayo.




"Gago ka Callixte! Alala ko ba ayaw mo kay Porsche?!" Napatigil ulit kami dahil sa sigaw niya. OMG. Di ko kinakaya 'to!!




"Ano bang pake mo? As long as ako naman talaga yung gusto niya ay enough na reason na para tantanan mo na ang panliligaw sakanya."



Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari. Nagkasagutan sila nang dahil sa akin! Ano bang pinag-gagawa ko? Hay nako Porsche! Don't tell me trouble maker ka na ngayon?



Habang naglalakad kami ni Callixte ay may tumawag na naman sakin. Hindi pamilyar yung boses niya. Nilingon ko iyon at.. Omg. Si Martin! Yung kalaban nila Callixte kahapon!




Napatigil din si Callixte sa paglalakad habang papalapit sa amin si Martin.




"P-pwede magpa-picture? Tama nga sila. Ang ganda mo nga talaga." Ngumiti pa siya sakin. Infairness! Mas gwapo siya sa malapitan!



"Uhmm" napatingin ako kay Callixte pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Okay."



Habang nagpicture kami ni Martin ay naka-interwine ang kamay namin ni Callixte. Baliw talaga siya!



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon