Chapter 21.

9.9K 407 192
                                    

CHAPTER 21.


Dinagsa ako ng text ng mga kakilala ko sa school. Nasan daw ako, pumasok daw ba ako, bat daw di nila ako makita. Napangiti nalang ako, dahil kahit miserable ang buhay ko, kahit binasura ako ni Callixte, may mga nagpapahalaga padin sakin kahit papano.



Hindi ako makabangon sa kama dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. Nagugutom ako, nauuhaw ako pero wala naman akong magawa. Naka-kadena yung kwarto ko. There's no way na makakalabas ako dito unless tumalon ako sa bintana ko, at lalanding ako sa bakod namin.



Tinawagan ako ni Ivy, kaya agad kong sinagot.



"Hi sissy. Good morning." Bungad ko.



"Porsche? You alright? Bakit ka absent?" Narinig ko si Aiko sa background, "Porsche! Musta!"



"Grounded ako eh.." Mahinang saad ko.



"Don't tell me.. Sinaktan ka na naman ng Dad mo?" Nahulaan agad ni Ivy.



Hindi ako kumibo.. Naiyak nalang ako. Hanggang ngayon, sobrang sikip padin ng dibdib ko. Ito lang yung way ko para mabawasan ito, ang umiyak at kausapin ang bestfriends ko.




"Ivy..." My voice cracked. "H-he tri-tried to kill me.. Again."



IVY'S POV.


"Putangina Porsche! Anong sabi mo?!?" Napamura ako dahil sa sinabi ni Porsche.




My god. Napaka-demonyo ng tatay ni Porsche! Walang awa! ANG SARAP IPAPATAY NG HINAYUPAK NA IYON SOBRANG WALANG AWA! Hindi maka-tao!



"Grounded ako.. I'm hungry, i'm thirsty.. Naka-kadena yung kwarto... Ko.. Hindi ko alam.. Ang gagawin ko.."



Naiiyak na din ako upon hearing Porsche cry. Gustong gusto namin siyang bisitahin kaso alam kong sasaktan na naman siya ng Daddy niya kapag may naka-alam na binubugbog siya.



"Porsche.. Porsche stay strong, okay? Kaya mo 'yan, Porsche. You're strong diba? Nakayanan mo noon, at mas lalong kakayanin mo ngayon." Naiiyak na si Aiko sa gilid ko pero ako, pinigilan kong maiyak while talking to Porsche. Ayaw niyang malungkot kami.



"Thank you.. Sissy. I'll hang up muna? Iinom ako pain killer.."



"Okay, Porsche. We love you.. Okay? Stay strong."



"I love you and Aiko too.. Ang hirap maging strong, Ivy.. Alam mo.. Gusto ko ng..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil napahagulgol siya ulit. I knew it! Naisip na naman niya!




"Tangina, Porsche! Don't do that! I'm telling you! Wag kang mag-suicide Porsce hindi 'yan ang solusyon! Damn it!" Gustong gusto na talaga siya puntahan! Sobrang nasasaktan siya ngayon at alam ko ang kaya niyang gawin to escape the pain.




Nagulat ako nang tumawa pa siya, wow! Nakuha pang tumawa! Baliw na ata! "Deh.. Mahal kabaong eh. Mahal din ang pa-cremate. Mahal magpa-embalsamo. Mamamatay na lang ako gagastos pa si dad. Tapos iiyak pa kayo! Eh ayaw ko ngang malungkot kayo ni Aiko! Hahaha! Sige na, bye bye na!"



And she hang up. Niyakap ko si Aiko na umiiyak. Kung may kaya lang kaming gawin to stop his dad from hurting her.. Sobrang nakaka-awa si Porsche. 10 years old palang siya nang magsimula ang tatay niya na saktan siya. Simula nung maghiwalay ang parents niya.



Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon