21

1.6K 64 1
                                    


First Official Date

Hazel

"What do you think?"

"Ewan, weird pero tingin ko kasi seryoso na talaga sila."

"Oo nga eh. Ewan, pero kinilig ako kahapon. Ugh."

"Di naman talaga sila bagay. Si L babes lang nagdala."

"Oo nga, pang korean drama ang peg eh."

"Wala eh, pogi kasi si L."

"Sana talaga hindi nalang si Hazel ang nagustuhan niya."

"Korak! May mas deserving naman kasi talaga."

Maya maya lang ay narinig ko nang lumabas na sila. Lumabas na din ako sa cubicle na kanina ko pa pinasukan. Napatingin ako sa salamin at napatitig sa sarili kong repleksiyon.

"Sana hindi nalang talaga si hazel ang nagustuhan niya."

"May mas deserving naman kasi talaga."

Ugh! C'mon Hazel Hindi ka ganto! Dapat kanina palang ay um-extra ka na sa tsismisan nila at pinagtanggol ang sarili mo. Pero ano? Tumanga ka lang at hinayaang pagtsismisan sa loob ng cr. Ugh!

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit naaapektuhan ako sa mga sinabi nila? Bakit hinahayaan kong isipin ang mga lumabas sa bibig nila? Bakit?

Duh, tanga ka ba? Siyempre kasi gusto mo si Luke. Gustong gusto mo kasi siya.

Muli, ay napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin.

"Don't listen to them angel. They will always say something against you and me."

Yes Hazel. Don't mind them. Your happiness is in your hands. Huwag mo nang bitawan pa dahil lang sakanila.

~~

"Saan mo ako dadalhin?" Pinilit kong magtunog naiinis kahit sa kaloob-looban ko ay kinikilig ako. Duh! Babae din ako, kinikilig kapag kasama ang taong gusto ko.

"Hmm, tapos na ang exams. Grabe, dinugo utak ko." Pambabalewala niya sa tanong ko. Naalala ko ang dinanas ko kanina sa exam.

Para talaga akong tanga kanina pa. May mga items sa test na Luke o kaya naman ay Montesalve o kaya naman ay L ang sinasagot ko. Yeah, para talaga akong tanga kanina pa.

Paano ay dalawang araw ko siyang hindi nakita. Matapos nung araw ni hinali-I mean nung inamin ko sakaniyang nagseselos ako ay hinatid niya lang ako, tapos ay hindi na siya nagpakita.

Kaya heto ako ngayon ay um-aacting na galit sakaniya kahit ang totoo ay gustong gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nawala ng dalawang araw. Duh! Ibababa ko ba ang pride ko para lang sakaniya? No way!

Own You : Montesalve Brothers 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora