29

1.3K 50 4
                                    

Sorry it took me a very long time. But well, susundan ko kaagad ito. This story will have only 30 chaps. Sana matapos ko siya before Tuesday.

Enjoy!

Chapter 29

The truth II

Hazel

"We have your friend and your brother. Look for us at this address. Come alone or both of them will die. We'll be watching you, Hazel."

We have your friend and your brother

Your brother.

Brother.

What the hell is this piece of stupid paper talking about?! Anong brother? I don't have a freaking brother! Are they joking me or what?!

But I can't take this as a joke. Louraine's missing right now and I have no choice but to follow this stupid paper. Ugh!

Napatingin ako sa cellphone ko at naalala ang huling boses na narinig ko kanina. Hindi ako pwedeng nagkamali, kilala ko ang boses na iyon pero hindi ko mai-point out. Ugh! Nakakainis!

Ibigsabihin ay kilala ko ang may hawak ng cellphone ni papa?

Ugh! Naguguluhan na ako!

Tatawagan ko ba si Luke o hindi? Baka kapag tinawagan ko siya ay sabihin niya pa sa mga kapatid niya, lalo na kay Yue. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Nakakainis naman! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Napatingin ako sa address na iyon, kailangan kong magmadali.

Nakapag desisiyon na ako. Bahala na kung anong pwedeng mangyare.

__

"Miss Villejas, may bumisita sa papa mo kani-kanina lang ah? Sabi niya ay tito mo daw siya. He even showed me a picture of him and your mother, plus your contact number. But we didn't gave him the room number. Hindi ko lang alam kung umalis na siya o hindi." A nurse told me nang papunta na ako sa kwarto ni papa.

Bisita? Wala naman siyang ibang bisita bukod sa akin. Who could it be?

Hindi kaya...si mama?

Agad kong binilisan ang lakad ko hanggang sa marating ko ang kwarto ni papa. Ngunit bago ko iyon mabuksan ay nakarinig ako ng sigawan. 

"You stole her from me you bastard!" Rinig kong sabi ni papa.

"Anong inagaw? Siya ang mismong lumapit sa akin kaya't huwag kang mamintang!"

"Akala ko kaibigan kita. Ang sabi mo walang talo talo, bakit ka biglang nangagago?!" Sigaw pa ni papa at papasok na sana ako nang biglang tumahimik at nang makarinig ako ng iyak.

"Parang awa mo na, ibalik mo na siya sa akin. Mahal na mahal ko siya." Ani ni papa. Naiiyak ako dahil sobrang halata ang pagmamakaawa sa boses niya. Na-imagine ko siyang nakaluhod ngayon sa kung sino man ang taong kausap niya.

"Hindi ko siya ibabalik sayo dahil buntis siya...at ako ang ama." 

Nakarinig ako ng katahimikan. Sobrang tagal. Hanggang sa may nagbagsakan na sa loob. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok doon.

Ngunit saktong pagpasok ko ay nakita kong nakatutok sa ulo ni papa ang isang baril na hawak ng isang napakapamilyar na tao. Hanggang sa nakita ko nalang na may tumutulong dugo sa ulo ni papa.

Hindi...

Hindi maaari.

Tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang napahiga sa sahig.

Own You : Montesalve Brothers 2Where stories live. Discover now