26

1.5K 57 2
                                    

Chapter 26

Savior

Hazel

"So ano na? Kayo na ba?" Napailing ako sa bungad sa akin ni Louraine.

Nandito kami ngayon sa may breakfast lounge. Pambihira, kakalapat palang ng pwet ko sa upuan ay inatake na nila ako ng mga tanong nila.

"Oo nga? Mukhang may nangyare!" Pang-asar naman sa akin ni Charles at inirapan ko lang siya. "Oh my goodness! Magkakaroon na ba ng little Luke Montesalve?" Dagdag pa niya at di ko na natiis at kinurot ko na ang pisngi niya ng pagkahigpit higpit.

"Pambihira, madadagdagan nanaman ang pamangkin ko?" Mukhang namomroblemang sabi ni Yue. Natawa ako ng mahina. Hindi ko alam na minsan ay nakikisali din pala siya sa biruan nila. Pero medyo nawala ang tawa ko ng makita ang ekspresiyon niya na parang hindi nagbibiro. Hindi ko alam kung ganon ba talaga siya o ano.

"Excited na ako." Ani ni Syc.

"Luh, bading ka ba? Umayos ka nga." Kontra naman ni Hyde at nagsimula nanaman silang magsamaan ng tingin.

"Gago! Palibhasa allergic ka sa bata! Ikaw ang bading!"

"Hindi ako! Ikaw ang bading!"

"Ikaw!"

"Ikaw nga!"

"Looks like you're having a good time here bros." Someone with a firm voice said at napalingon naman kaming lahat doon. I saw a man who's wearing a three piece suit. He looks so handsome with those killer smile and his messy hair.

"Oh my goodness, nainlove ata ako ng three seconds."

"What did you just said angel?!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Luke na mukhang pikon na pikon. Kinapitan niya pa ang bewang ko na ikinatawa ko. Bano talaga.

"Possessive Luke ey? Hi, I'm Luke's oldest brother, Kean Montesalve." He said and shook hands with me. Damn it, his hands are even too precious to shake with. Nakaka intimidate ang datingan niya.

Nakita ko namang napalingon siya kay Louraine at mukhang nagulat pa ito nang makitang nakahawak ito sa suot na polo ni Yue. Lihim akong napangisi sa sitwasiyon niya. Mukha siyang constipated. She's been so confident about others' feelings ngayon siya ang natotorete.

"And you must be?" Tanong pa nito at napatingin muna kay Yue bago sumagot. "U-uh, Louraine po. Louraine Janina Ko po." She introduced herself and she's about to shake hands with Kean nang magsalita si Yue.

"Only I can call her Janina ko brother. You call her Louraine like the others." He said. Napatawa ang lahat at naiinis lang kaming tinitigan ni Yue. Nakita ko naman ang lihim na ngiti ni Louraine.

"Daddy!"

Napalingon kaming lahat doon at nakita ang isang magandang babae kasunod ang isang cute na bata at karga ang isang baby.

"Oh by the way, this is my wife, Yvonne Creigh Montesalve, and my wonderful children, Summer and Kiko." He introduced.

"Aww, taken na pala." Nanghihinayang kong bulong. Napahagikhik ako nang humigpit ang hawak ni Luke sa bewang ko. "Behave angel. You won't like it when I get mad." He said and I just laughed at him.

"Hello! Mukhang hindi na dugyutin si Luke ah. May nililigawan na." Yvonne said and I laughed. Dugyutin? Seryoso? Dumaan din pala siya doon sa stage na iyon.

Own You : Montesalve Brothers 2Where stories live. Discover now