23

1.3K 49 2
                                    

Last update for the week I guess. Enjoy! :)

Chapter 23

Annoyingly Weird

Hazel

Pagkatapos ng walk out ko ay hindi ko namalayan kung saan ako dumiretso.

"What are you doing here?"

Napalingon ako sa boses na iyon at nakita si Kobe. Yeah, nasa gymnasium ako, sa basketball court to be exact. I don't know why I came here. I don't know why I thought of him suddenly. Basta't habang naiyak ako kanina ay siya agad ang pumasok sa isip ko.

"A-ano...wala." Ani ko at tumalikod na. This is wrong. Bakit ba siya ang naisip ko? I could've thought of Louraine. Tsk.

Pero bago pa ako makaalis ay may kamay na humawak sa braso ko. Hinarap niya ako sakaniya at nang makita ko ang mga mata niya ay para akong nahipnotismo. There's something in those eyes that's familiar. Hindi ko alam. I think I saw them before.

Gaya ng una niyang ginawa sa cafeteria at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas lalo pa akong tinitigan. "What happened? What made you cry? Who made you cry?" Aniya. May galit na nababakas sa kaniyang boses at lalo pa akong nagtaka.

Bakit siya nagagalit? Ano ko ba siya? Ano ba kami? Sino siya para magkaron ng karapatang magalit sa mga taong nakakasakit sa akin?

"Hazel... who made you cry?" He asked once again. This time, his voice is more gentle. Malambing. And I don't know why but something about him makes me feel...weird.

"You're annoyingly weird Kobe."

Nagulat ako lalo nang yakapin niya ako. Naradaman ko ang paggalaw ng dibdib niya, sinyales na tinatawanan niya ako. Aba't!

"I'm annoyingly weird? You are the one who's weird." He asnwered back.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It's like...it's like we have this connection that only my heart can understand. Hindi ko alam. Tutol na tutol ang utak ko sa mga nangyayare pero ayaw papigil ng damdamin ko.

Imposible namang gusto ko siya. I know how it feels to like someone.

Because...unfortunately, I liked someone who fooled me on my back. And it feels different.

~

"Mango?" Alok niyang ice cream sa akin. Umaliwalas naman ang mukha ko dahil favorite ko ang mango. But lately nahihiligan ko na din ang chocolate. Palagi kasi akong binibigyan ni-nevermind.

"Thanks." Ani ko at umupo naman siya sa harap ko. He ordered a chocolate ice cream kaya't natakam din ako doon.

"So...what exactly happened?" He asked me. Napatingin naman ako sakaniya ng matagal. Ano? Sasabihin ko ba? He saw me cry before, pati ba naman ngayon?

"Isn't it funny that I only see you whenever I cry?" I asked and he only smiled at me.

It's really...really weird to see him smile because he never did. I mean, sa harap ko maraming beses siyang nangiti pero sa campus, wala, he always have that poker face applied on.

"Yeah. Baka naman may crush ka na sa akin tapos nagpapaawa ka lang." Aniya at nanlaki naman ang mata ko.

"Hah! Asa ka naman! Di naman halatang mas gwapo sayo si L-" Napatigil ako nang maalala ko nanaman siya.

Biglang natahimik ang paligid. Walang nagbalak na magsalita. Tinitignan niya lang ako at iiwas lang ako ng tingin sakaniya. "I heard them talk behind my back." I said.

Hindi naman siya nagsalita. Nanatili lang siyang tahimik. It's like he's telling me to continue. "Uh...Hilary said that she...she likes Luke. That she's only pretending to like Charles in front of me for a show. And that... that.." Hindi ko natuloy ang sasabihin nang mapiyok ako. Ugh.

Own You : Montesalve Brothers 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang