28

1.4K 53 0
                                    

Chapter 28

The Truth

Hazel

Tuloy tuloy ang luha sa pagtulo habang pinapanood ko kung paano nila pilit na binubuhay ang aking ama. Paulit ulit kong pinagdadasal na sana ay hindi lamang diretsong linya ang makita ko sa makinang iyon. Halos malagutan na ako ng hininga kakadasal hanggang sa narinig ng panginoon ang mga hiling ko.

"He's in a stable condition for now Ms. Villejas. We'll do our best to monitor him. Please don't lose hope." One of the doctors said as they leave me with a smile.

Nilapitan ko si papa na ngayon ay may mga nakakabit na kung ano ano sa kaniyang bibig. Ugh, I need to be strong. Kailangan kong magbago. He needs me and the present me won't help anything. I'll be strong from now on.

9 months later...

"His chance to live is high Ms. Villejas! Maybe it's a miracle for him to recover in a short span of nine months but I think it's all because of you.You staying up all night and working the whole day is all worth it Hazel. And I hope you can continue your studies. Sayang ka, you're a wise woman. Congratulations." The doctors said as they walked out of the hospital room.

Pagbagsak ng luha ko ay naramdaman ko ang paghawak ni papa sa kamay ko. It's a miracle. My dad's a miracle! Oh my God! Thank you so much for this miracle!

"P-pa...pa, mabubuhay ka pa. Makakasama pa kita pa." Mahinang sambit ko hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa bisig na niya ako. "Hindi mo ko iiwan pa...hindi ako maiiwan mag-isa." Wala pa rin sa sariling sambit ko.

Unti-unting namuo ang ngiti sa labi ko at niyakap ko din siya pabalik. "Hindi kita iiwan anak." Ang tanging sambit niya. "Hinding hindi kita iiwan." Ani niya at tumango tango lang ako habang nilalasap ang napakagandang balita.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at lumabas na ng cubicle para mag ayos ng sarili. C'mon Hazel. You've been through the worst. You need to calm down in order to do things right. Remember that you're a wise woman.

Itinago ko ang memory card sa isang pouch at nakita ko namang nakaabang sa labas si Jonas. Napatitig siya sa akin at napatitig din ako sakaniya. Tinanggal ko ang kaba at galit sa mukha ko at inabot sakaniya ang pouch.

"This will be passed to the police station tomorrow. Are you really sure about this?" He asked me and I looked at him blankly before giving him a smirk.

"Of course I'm sure. They pushed me to hell, I'll bring them with me." tanging sagot ko lang at umalis na doon.

Nakita ko si Luke na nakaabang malapit lang sa may restrooms. Masama ang timpla ng mukha niya dahil siguro matagal ako sa Cr. para bang yung inis, galit at sakit na nararamdaman ko kanina ay nabawasan ng makita ko siya. Ugh, ang korni pakinggan pero ganon siguro kapag gustong gusto mo ang isang tao.

Inabot niya agad ang kamay ko at hinila ako papalapit sa katawan niya. Masikip at nabubunggo kami ng mga tao kaya mas nagkakadikit ang mga katawan namin, na dahilan kaya mas bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon.

Hell, I'm starting to like crowded places when he's this close to me.

Nakarating kami sa may labas at ngayon ay mas malinaw na ang pagkabusangot niya. Ngunit may nakahagip ng mata ko na tila nagpakaba sa akin.

It's Kobe with two girls. One in late 40's I guess and one who's younger than me. They looked sad but I felt something weird as she spotted me.

Binalewala ko nalang iyon at tumingin kay Luke. "What's with the face Mr. Perfect Luke Montesalve?" I asked him and he frowned even more. He always makes my day complete with his very manly frown.

Own You : Montesalve Brothers 2Where stories live. Discover now