22

1.3K 55 0
                                    


Sorry it took long for me to update. Anyways, enjoy!

Chapter 22

Still The Queen Bitch

Hazel

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Kinuha niya iyon at hinalikan ang likod ng palad ko.

We haven't talked about our status and I'm afraid about that. I mean, I like him. I really like him pero ayoko pang maging kami. Hindi pa ako handa.

"Luke. About being girlfriend boyfriend thingy-" Pinutol niya ako nang pisilin niya ang kamay ko. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. "It's fine angel. I know you're not ready yet. Okay na saakin yung may panghahawakan ako. It's fine that you like me. That's enough for me. Iintayin naman kita. I can wait til you're ready to enter a relationship." Dugtong pa niya na lalong nagpakilig sa akin. Nakakainis naman siya eh!

Pakiramdam ko ang pabebe ko na din. Badtrip.

"Sleep angel. You did well today. I know you're tired." Aniya at ngumiti lang ako sakaniya.

"Ah...salamat Luke." I sincerely said and went to sleep.

~

"Una ka na."

"Nope. You go first."

"Di nga, intayin kitang maka-alis tas papasok na din ako."

"No angel. I'll watch you go in to make sure you'll be safe. C'mon, go inside."

"Luke..."

"Angel..."

"Ah, pwede bang pumasok ka nalang Hazel tas umalis ka nalang din? Magsabay nalang kayo. Ang cheesy niyo tignan." Biglang may nagsalita at napalingon naman ako doon.

Nakita ko si Louraine na kasama si Yue. Si Yue yung nagsalita kanina. "You two look...different. May nangyari ba?" Inosenteng tanong ni Louraine at namula naman ako.

"Tsk, wala. Pumasok ka na nga Louraine. At ikaw Yue, bakit ka ba nandito?" Mataray na tanong ko sakaniya. Ngumisi lang siya sa akin at nangilabot naman ako. Ang weird talaga niya.

"Eh ikaw Luke, bakit ka nandito?" Pabalik niyang tanong at nagkatinginan naman kami. Napatingin sila sa kamay naming magkahawak at mabilis naman akong bumitaw doon.

"A-ano, wala lang. Tsk, bakit ba nagingielam ka?!" Pagtataray ko. Lumingon ako kay Luke at nakitang tumatawa siya ng mahina. Bigla niyang kinurot ang pisngi ko.

"Cute angel. I'll go now. Sleep well." He said and pulled my hand that made him kiss my forehead. "Dream of me." He whispered.

"Tsk. Ewan ko sayo!" Ang tanging nasabi ko nalang at tumakbo papasok. Narinig ko ang tawanan nila hanggang sa makapasok ako ng kwarto ko.

Nag-half bath lang ako at binagsak ko na ang sarili ko sa kama. Biglang may kumatok at nakita kong nakasilip si Louraine sa pinto. "What happened? Kayo na ba?" Panimulang tanong niya na lalo kong ikinamula. Ugh!

"A-ano, inaantok na ako. Good night." Tangi ko nalang sabi at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagtawa niya at nahiya naman ako sakaniya. Babawian ko din siya at si Yue sa susunod. Pasalamat lang siya at masyado akong pre-occupied ngayon.

"Hindi kita pababayaan. I'm always here."

"Hold my hand. I'll never let you go."

"I love you angel. I love you so much."

Ugh! Luke! Let me sleep!

~

Tinakpan ko ng simpleng make-up ang ilalim ng mata ko. Bwisit ka Luke. Akala ko ba kapag inlove ay lalong gumaganda? Bakit naha-haggard ako?

Own You : Montesalve Brothers 2Where stories live. Discover now