Chapter 1

26.5K 356 27
                                    

Hi! :)) Congrats nga pala... xD Hahaha! ^_^v 

*** 

Madali lang talagang makalimot, yun ay kung handa kang pakawalan lahat at ihanda ang puso mo na kalimutan siya. 

--- Puchu Advice 

***

Chapter 1: Siya na Naman!

-Pink-

How can you forget someone who gave you so much to remember?

 

Kung pwede nga lang sanang ang paglimot sa ex mo ay tulad na lang ng pagkalimot mo gumawa ng assignment o di kaya ng mga natutunan mo sa klase. Siguro madali na lang ang magmove on…

Eh kaso! Parang ang pagmomove on ay tulad ng pagdidiet. Kahit anong pilit mong pigilin ay hindi mo pa rin maiiwasang hindi matempt, hindi mo maiiwasang hindi ito alalahanin.

.

.

.

.

Ang dali lang sabihing magmove on no? Pero ang hirap hirap namang gawin! Lalo na kung lagi mong inaalala yung mga memories niyong dalawa, yung mga alaala na masasaya at mahal niyo ang isa’t isa.

At mas mahirap magmove on kung mahal na mahal mo pa siya to the nth point! Yung siya yung laging inaalala ng isip mo at hinahanap ng puso mo…

At ang ang pinakamasakit ay yung umaasa ka pa rin sa kanya hanggang ngayon!

*sighs*

So heto nanaman ako nakatulala sa kawalan at nagdadrama. Siyempre iniisip ko nanaman yung taong mahal na mahal ko! Di ko naman itinatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Umaasa na kasi ako na kami talaga ang para sa isa’t isa pero nagkamali ako. Umasa ako at nasaktan…

He broke up with me sa mismong prom namin na Valentines day pa man din. He made me remember that day at its worst! That day he broke the promise he made nung maging kami…

Argh! Nararamdaman ko nanaman na maiiyak ako. Nakakainis naman e! Kung pwede nga lang sanang iumpog tong ulo ko sa pader para makalimot e ginawa ko na! Pero ako pa rin yung malulugi pag ginawa ko yun kasi masasaktan nanaman ako… at siya nanaman ang dahilan.

Kung pwede nga lang sanang piliin yung mga memories na naalala natin. Pipiliin ko na ilet go yung three years na alaala na nabuild ko kasama siya. Para walang sakit at emote-emote.

Nakakapagod na kasi e…

And without knowing, umiiyak nanaman ako, tinakpan ko na lang ng unan yung mukha ko.

Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Kung bakit kasi hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sa Zelo Castillo na yan! Kung bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan?! Kung bakit ba kasi ang hirap niyang alisin sa puso ko e!

I aggressively wipe my tears. Ayoko na ng ganito! Ayoko na siyang iyakan! Ayoko na siyang mahalin! I’m so freaking tired!

*Toktoktok*

Naalis ko yung takip ko sa mukha nung kumatok yung pinto………

Huh? Kumatok yung pinto?! Kelan pa kumatok yung pinto?

>_<

Kita mo!!! Ng dahil sayong pesteng Zelo ka! Nabobobo ako!~

“Pink!!! Hapon na a! Baka makalimutan mo na magkikita kayo ni Nika ngayon!”

Argh! Kahit kelan talaga panira ng drama tong si Kuya Blue :3

Kahit wala ako sa mood at medyo nag-eemote pa ako, bumangon na ako. Baka mamaya malaman nanaman nila iniiyakan ko pa rin yung lalaking yun hanggang ngayon papagalitan nanaman nila ako tapos maririnig ko nanaman yung famous line niya… :/

Kasalanan ko ba kung tandang-tanda ko pa kung paano ako hiniwalayan nung lalaking yun?! Eh apat na buwan pa lang ang nakalipas simula nung mangyari yun!

“Oo na! Heto na po!”    pasigaw kong sagot kay Kuya.

.

.

.

.

.

.

.

.

I’m Pink Ramirez, 17 years old at incoming first year Tourism student. Simple lang akong tao na hindi ko na kailangan bigyan ng mahabang description ang sarili ko. Masaya naman ako sa buhay ko, sa piling ng pamilya ko. I do still have my best friend… ang nagbibigay lang talaga ng sakit ay yung pagkawala ng lalaking mahal ko…

Pero gaya nga ng sabi ng mga matatanda, bata pa ako at marami pang pwedeng mangyari. Who knows baka magkabalikan pa kami…  

Ouch </3

Nakakabangag talaga ang pag-ibig no?

*** 

Pink on the Side Guys! :)) 

Forgetting HimOù les histoires vivent. Découvrez maintenant