Chapter 10

7.7K 178 1
                                    

Chapter 10

-Pink’s POV-

Andito kami ngayon sa open ground ng University, siempre magreregister kami para sa sasalihan naming mga org. Actually ako okay na, since Community Service lang naman yung org na sinalihan ko. Pero hetong sina Shang at Zed hindi pa, pareho kasi silang sumali sa Music na organization kaya may audition eklavecheness pang nalalaman, and ako heto no choice but to wait for them.

“Para po sa lahat ng sumali sa Music and Dance Org, please proceed to the auditorium for the audition. Thank you guys!” rinig kong sigaw nung nasa Music and Dance Org, tumayo na sina Shang siempre sinundan ko na rin sila. No choice na talaga ako. Nagsimula na kaming maglakad paakyat at siyempre may mga nakakasabay din kami, pero feeling ko yung iba manunuod lang naman.

“You know what, one of my block mates from architecture na so gwapo will be joining daw the Music Org, that’s why I’m here gosh! I’m gonna watch him perform talaga!” rinig kong sabi nung isang conyo girl na sosyal tignan sa friend niya.  

Psh, so much conyo, inalis ko na lang ang atensyon ko sa kanya at kinalabit si Shang, napalingon siya sa akin at nagtatakang tinignan ako.

“Si Dylan?” tanong ko, napatigil kami sa paglalakad at pareho silang napatingin sa akin ni Zed.

“Bati na kayo?” sabay pa nilang tanong sa akin.

Oo nga pala, hindi ko pala nasabi sa kanila na nagkausap na kami ni Dudong kahapon, siempre wala akong load kahapon at hindi rin ako nagbukas ng kahit anong social networking site.

“Nagkausap na kami kahapon then humingi siya ng sorry,” napahinto ako sandali, kasi someone caught my attention pero binalik ko rin agad yung tingin ko sa kanila at ngumiti “Okay na kami” after kong sabihin yun ay ibinalik ko yung tingin ko dun kay Michael na naglalakad na ngayon papunta sa amin.

“Hi guys!” nakangiti niyang sambit ng makarating siya sa tapat namin. Napatingin sa kanya sina Shang at siyempre binat din siya.

“You’ll also joining the audition?” tanong sa kanya ni Zed, napatingin kami sa kanya at umiling siya “Nope, wala akong talent sa mga ganito. Hahahahaha. Panunuorin ko lang si Zelo, he’ll be joining kasi eh” sabi niya sabay tingin sa akin.

Oo nga pala, bakit hindi ko naisip yun? He can sing and play musical instruments nga pala.

“Ohhhhh,” rinig kong sabi nila Shang at napatingin din sila sa akin. At alam ko yung meaning ng mga tingin nilang yan, I sighed at napataas ang kilay ko dahil sa tingin sa akin ni Michael.

“Bakit?” tanong ko sa kanya, he smiled and looked at me “Mag-aaudition ka rin ba Pink?”

“Nope, sasamahan ko lang sila. Silang dalawa ang mag-aaudition” sabi ko habang nailing “Teka si Dylan asan? Hindi ko pa kasi siya nakikita eh” I asked him.

“Miss mo?” nakangising tanong niya, inirapan ko na lang siya at binaling yung tingin ko kina Shang. “Tara na nga guys” at nagsimula na akong maglakad paalis, ramdam ko naman na sumunod sila sa akin.

“Tss. Nagiging mataray ka na ngayon Pink,” napatingin kay Michael na nasa tabi ko “Umalis siya ng maaga sa condo eh, di ko alam kung saan pumunta”

“Okay” tipid kong sagot.

Nakapasok na kami sa loob ng auditorium at ang dami ng tao, buti na lang at may nahanap kaming magandang pwesto. Umupo na kami roon at mukhang nagsimula na ang audition.

“Girl parang bigla akong kinabahan,” baling sakin ni Shang “Pang-banyo lang kasi yung boses ko eh” napatingin ako sa kanya at nakanguso na siya. Baliw to!

Forgetting HimWhere stories live. Discover now