Chapter 15

7.6K 180 4
                                    

Back to Back Update! Hihihihi. Keep Voting and Commenting guys! Di niyo alam kung gaano ako namomotivate sa mga ganun. Lol! xD Hahaha

***

Chapter 15

-Pink’s POV-

 

“Huy, bakit tulala ka diyan?” tanong ko pagkalapit ko kay Dudong at umupo sa tabi niya.

Andito kami sa classroom namin, first subject namin ngayon at Algebra pa ang subject, abala yung lahat sa pagkopya ng assignment samantalang ako ay chill na lang. Pinagawa ko kasi yung assignement ko kay Zelo kapalit ng pag-aalaga sa kanya nung may sakit siya. Aba, halos alipinin ko nga siya nung gumaling siya aba’y ayos lang sa kanya.

“Wala,” sabi ni Dudong sabay balik sa librong binabasa niya “Naisip ko lang kung masakit ba talagang magmahal. Kung kailangan bang magsacrifice lagi” aniya sabay baling ng tingin sa akin. Napataas naman ako ng kilay sa narinig ko mula sa kanya.

“Umagang-umaga yan ang pinagkakaabalahan mo? Ano ba yan Dudong, drama mo ah! Lalim ng hugot mo pre!” sabi ko at talagang nag-illustrate pa ako ng ‘malalim’.

“Ikaw ba, gaano katagal ang inabot bago mo marealize na mahal mo yung ex mo?” tanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Natigilan naman ako sa tanong niya, gaano nga ba katagal? Hmmm, di ko din alam eh, basta ang alam ko lang crush na crush ko noon si Zelo, lagi ko siyang tinitignan sa malayo at viola, mahal ko na siya!

“Ewan, depende sa’yo kung gaano katagal, pwede naman kasing kahapon crush mo lang siya tas ngayon mahal mo na siya. Alam mo yun, you can fall in love to someone in a snap, pwede ring mahal mo na pala siya pero denial ka lang. Or worst marerealize mong mahal mo siya kung kelang wala na siya sayo, kung kelang wala ka ng opportunity na iparating sa kanya yung nararamdaman mo. Pwede ring sinasabi mo lang na mahal mo siya kahit iba naman ang nararamdaman mo. You can’t really predict love.” dire-diretso kong sabi habang nakatuon ang atensyon ko sa white board.

Nakita ko naman na napatingin siya sa akin, tinignan ko na naman siya at ngumiti sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung magwagwapuhan o makukyutan ako kay Dudong sa tuwing nakikita ko siya, he’s handsome pero di ko maikakaila na mas gwapo pa rin si Zelo, pero may iba talaga sa itsura niya kapag nakikita ko siya. Parang mas nagiging gwapo siya sa paningin ko, basta may iba talaga. At ang cute niya kung ibabase mo sa ugali niya, malandi siya pero may iba din sa ugali niya, parang inosente siya sa mga bagay-bagay. Basta hindi mo alam kung ano ba talagang meron sa kanya, he’s very interesting. Hindi na ako magtataka kung bakit siya pinagkakaguluhan ng mga babae dito, at kung bakit kilala siya.

“Ahhh, ganun ba…” he said then nodded. He focused again his attention to the book that he’s reading.

Napaisip ako, possible kayang in love tong lalaking to?

“Hoy, umamin ka nga sakin Dylan Francisco, in love ka no?!” bulalas ko at napatakip pa ako ng bibig na parang gulat na gulat pa.

“Sira ka ba? Kung in love ako sapalagay mo kanino?” panghahamon niya sa akin.

“Aba ewan, malay ko ba kung sino sa mga babaeng nilalandi mo ang nakabihag diyan sa INOSENTE ehem mong puso?” nakangisi kong tugon sa kanya.

“Tss. So you think that I’m in love to someone I’m flirting ganun ba ha?” he said while raising one of his eyebrows while smirking. Aba nagtataray ang lolo niyo! But I won’t deny na ang angas niya nun. Gosh, ang gwapo po ng Dudong natin! Err, anong pinagsasabi ko eh no?

Forgetting HimOnde as histórias ganham vida. Descobre agora