Chapter 24

5.5K 152 17
                                    

Chapter 24

-Pink’s POV-

 

“Grabe! Sasabog na yung utak ko sa dami ng exam natin! Malapit na talaga finals!” halos takpan ko na yung tenga ko nung sabihin iyon ng malakas ni Shang. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

Ang OA talaga nila minsan, magrereklamo sila sa hirap daw ng exam chuchu pero ang tataas naman ng exam nila! Grabe talaga! Di daw sila nag-aaral, pakain ko sa kanila ‘tong notebook ko eh! Lalo na yung si Dudong? Aba sarap bigyan ng sapak!

“Ewan ko sa inyo,” sabi ko at inirapan sila. Nagfocus na lang ako sa pagbabasa ng handouts, may quiz kasi kami bukas at hindi ko pa tapos basahin yung handouts na kailangang aralin, grabe nahiya naman yung forty pages di ba?

“Oy bruha tumahimik ka nga diyan, kita namang seryoso ‘tong si Patrick” sabi naman ni Zed.

“Grabe ka Zed! Makabruha naman ‘tong baklang ‘to” singhal sa kanya ni Shang. Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi ko tuloy alam kung matatapos ko ba ‘tong binabasa ko eh. Ang iingay nila! Buti na lang din at wala dito ang isa pang maingay… siempre kilala niyo naman kung sino yun si Dudong lang naman.

Grabe! Mula nung malaman nilang Patrick ang tawag sa akin ni Kuya, ginaya na rin nila. Abnormal talaga sila minsan kaya nahahawa na rin ako. Nga pala higit dalawang linggo na rin ang lumipas mula nung umalis sina Kuya at Nika. Nakakatuwa nga kasi naging close agad sila sa isa’t isa nina Shang. Hindi naman kasi sila mahirap kaibiganin, you know birds with the same feather flocks together. At hayun, puro bonding at gala lang naman yung ginawa nung dalawang yun dito, siempre kasama kami. Di naman pwedeng silang dalawa lang dahil hindi maayos ang sitwasyon nila. You know… LQ.

“Ang ingay niyong dalawa alam niyo yun?” sabi ko sa dalawang nagbabangayan na sa harapan ko. Buti na lang din at hindi kami sa library nag-aral. Kundi sinipa na kami palabas ng mga bantay dun.

“Ang seryoso mo naman masyado” sabi naman nila sa akin.

“Hindi kasi ako kasing talino niyong dalawa… sorry ha” medyo sarcastic na sabi ko sa kanila.

“Asus, di daw matalino pero ang tataas ng grade ng midterms” sarcastic naman na sabi ni Zed sa akin. Umirap pa ang bruha!

“Nag-aaral kasi ako” sabi ko. “Nahiya naman kasi yung tuition fee natin, nandito naman ako para mag-aral” dagdag ko pa.

“Ayyy, ako nandito para humanap ng Fafa” medyo malanding sabi ni Zed. Inirapan ko nga ulit.

“Sus, si Dudong lang naman sinundan mo” sabi ko sa kanya. Napatawa naman si Shang at binigyan ng sympathy tap si Zed sa likod.

“Sabi sa’yo wag mong kakausapin yan kapag seryoso eh” sabi pa ni Shanghai.

“Loka ‘to! Mamaya makarating ‘to kay Dylan baby eh! Sasakalin talaga kitang bruha ka!” naniningkit na matang sabi sa akin ni Zed.

“Ewan ko talaga sa inyo, ang gugulo niyo…”

“Edi umalis ka! Lumipat ka ng pwesto! Pero dahil mahal mo kami hindi mo kami maiiwan kahit magulo kami. Accept the reality, Pink parte na kami ng lamang loob mo” sabi naman ni Shanghai. Loko talaga ‘tong mga ‘to

“Aba nangonsensya pa kayo” tipid na sabi ko sa kanila.

“Uyy nga pala, kelan mo ba sasagutin si Dylan? Grabe ang tagal na nung nanliligaw sa’yo ah?” biglang pag-iiba ni Zed ng usapan. Naningkit ang mata kong tumitig sa kanya.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon