Chapter 28

5.7K 152 6
                                    

Chapter 28

-Pink’s POV-

 

[Kamusta ka na, Pink?] tanong sa akin ni Kate mula sa monitor ng laptop ng isang kong pinsan.

“Ayos lang ako dito… ikaw?” tanong ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin at napansin ko ang matinding pamumutla at panghihina niya. Kahit na sa screen ko lang siya nakikita alam kong nahihirapan na siya.

[Uhm, ayos lang din naman ako dito… lumalaban. Hahaha] aniya at bahagya siyang tumawa. I smiled at her.

“Kaya mo yan, Kate… don’t give up” sabi ko sa kanya at nag-thumbs up pa. Ngumiti naman siya sa akin.

[Pagkatapos ng bagong taon, isasagawa na yung operation sa akin. I’m hoping that I will survive” aniya at pilit ulit na ngumiti. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa para sa kanya pero ayokong ipakita.

Sabi nga nila sa mga ganitong panahon, kailangan mong ipakita na matatag ka para sa isang taong nanghihina at nangangailangan ng tulong at pagdamay mo.

“Makaka-survive ka Kate! Kaya mo yan!” sabi ko sa kanya ng puno ng sigla ang boses ko. Ngumiti lang ulit siya sa akin at bumuntong hininga.

[Salamat, Pink] aniya at nakita kong may pinunasan niya yung mata niya.

“Uyy, bakit ka naman umiiyak?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at huminga ng malalim.

[I feel so guilty eh] aniya at tumigil sandali. [Hindi na kasi kayo nagkabalikan ni Zelo, I feel so guilty… pakiramdam ko ang sama ko] she said then laughed bitterly.

“Huy, wag mo ngang sabihin yan” sabi ko sa kanya. Although, aaminin ko nga kasalanan niya nga talaga kung bakit kami naghiwalay ni Zelo, pero wala na siyang kinalaman na hindi na kami nagkabalikan.

Kung mahal ko pa siya ay paniguradong nagkabalikan na kami ngayon pero hindi na kasi eh. Iba na ang nagmamay-ari ng puso ko.

[Nasaktan ko kasi siya, nahihiya akong harapin o kausapin siya] sabi niya. Bumuntong hininga ako at tsaka malumanay na tumingin sa kanya.

“Hayaan mo muna siya, Kate” I softly said and smiled at her. “Makakamove on din siya sa sakit na nararamdaman niya ngayon, isang araw makakalimutan din niya ang sakit at mahahanap niya rin ang tunay na kaligayahan niya. Balang araw makikita din niya yung babaeng bagong mamahalin niya… yung mamahalin niya ng higit pa sa akin”

[I know, pero ang hirap sa pakiramdam ng iniisip mo na ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon, ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito. Ako ang sumira sa kaligayahan ng taong mahal ko, ako ang nakakasakit sa kanya] mahinang sabi niya.

“Wag mo na munang isipin yun, Kate baka makasama sa’yo yan. Isipin mo na lang din na kaya isinakripsisyo ni Zelo yung happiness niya noon ay dahil mahalaga ka rin sa kanya. Naiintindihan ka niya… wag ka na ngang mag-isip ng kung ano diyan. Malay mo balang-araw kayo rin ang magkatuluyan, kaya magpagaling ka okay?” sabi ko sa kanya at nag-aja pose pa. Narinig ko naman yung mahinang pagtawa niya.

[Nga pala, di ba sabi mo sa akin noon plano mong sagutin yung Dylan Francisco? Ano na nangyari? Kayo na di ba? Edi masaya naging Christmas mo niyan?] sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nung marinig ko yung pangalan niya ay para akong binagsakan ng langit at lupa. Biglang naging malungkot ang aura ko.

[Huy? Anong nangyayari sa’yo? Bakit nalungkot ka ata? Care to share?] sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang nagtataka niyang mukha. Huminga ako ng malalim at napanguso.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now