Chapter 25

4.8K 144 11
                                    

Chapter 25

-Pink's POV-

 

Muli na naman akong napabuntong hininga habang tahimik na pinagmamasdan ang mga estudyanteng nasa paligid ko. May mga nagkukwentuhan, nagtatawanan, may mga nag-aaral, kumakain at natutulog pero baka tulad ko meron din sa kanila ang may mabigat na iniisip sa mga sandaling ito.

Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nandito sa lugar na 'to pero parang ayoko na ring umalis. Ewan ko ba pero gusto ko ngayong mag-isa muna. I want to think, alone. Gusto ko maging sigurado sa desisyon na napili ko. Ayokong magsisi, ayokong magkamali... whatever my decision is, may isa talagang masasaktan. It's really inevitable.

"I hope everything will be okay..." mahinang bulong ko. And for the nth time, I sighed again.

Isinandal ko sa puno yung likod ko at nilagay yung earphone sa magkabilang tenga ko. Nagsimula akong mag-play ng music habang nag-rereview para sa finals namin. Heto talaga yung nakakainis eh, wrong timing nung problema ko. Finals namin ngayon tapos nanghihimasok ang love life, bastusan lang? Pero yun bahala na!

"Pink... girlfriend ko uyyyy!" rinig kong sabi sa akin. Naramdaman ko rin na may umaalog sa akin kaya unti-unti kong dinilat yung mga mata ko.

Agad akong napatayo dahil narealize ko na nakatulog pala ako. Napatingin naman ako sa katabi ko na gumising sa akin at nakita ko na nakakunot yung noo niya.

"Bakit ako nakatulog?" tanong ko. Shemay! Alam ko nagbabasa talaga ako ng handouts eh tapos hala? Pataaaay!

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Anong ginagawa mo dito sa lugar na 'to? Ten minutes nalang start na ng next subject ah? Tss. Paano kung hindi kita nakita?" seryosong tanong niya sa akin habang nailing. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Nagulat naman ako nung hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya.

"Buti nalang pala konektado yung mga puso natin at hinahanap-hanap ka rin ng utak at buong pagkatao ko kaya nakita kita" aniya at ngumisi siya habang ako naman ay naniningkit ang matang tumingin sa kanya. Ang korny niya as always!

"Weh?" sabi ko at madaling inayos yung mga handouts. Bago magkalimutan! Lagot ako nito! Exam namin sa Philosophy eh! Tapos di ako nakapag-aral kasi nakatulog ako! Patay ka na nito Pink!

"Tss. Ang hard mo naman sakin Pink" malungkot na wika niya at napanguso pa. Sus!

"Ewan ko sa'yo! Hala?! Di pa ako nakakapag-aral! Patay na ako nito!" sabi ko at madaling inayos yung mga gamit ko. Tinulungan naman niya ako at nagmamadali na kaming pumunta sa next subject habang ako at natatarantang nag-rereview. Kainis naman oh!

"Kaya mo na yan Pink! Di mo na kailangang mag-aral. Teka nasa akin yung cellphone mo nakuha doon sa tabi mo--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nung magsalita ako.

"Sa'yo na muna!" sabi ko habang tutok na tutok sa pagfafast review. Yari talaga ako nito eh!

"Huh? Okay..." aniya at pumasok na kami sa room na sakto namang dating ng prof. Psh! Alphabetical pa man din  ang seating arrangement dito kapag exam. Wala akong makokopyahan! Joke!

***

Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos ko na rin yung exam na yun. Jusko! Puro essay naman eh! Nakakatamad pa naman magsulat ng mahahabang essay, lalo na kapag walang laman yung utak mo. Kakastress. Buti nalang kamo at last subject na yun kaya dumiretso na ako sa pag-uwi, nagpaalam lang ako kina Shang at umalis na. Si Dudong di ko naman nakita kasi idol yung lalaking yun, wala pang isang oras tapos na niya yung exam o di ba? Angas niya lang di ba?

Forgetting HimWhere stories live. Discover now