Chapter 21

5.8K 177 3
                                    

Chapter 21

-Pink’s POV-

 

“Wala na akong first kiss, girlfriend. Kinuha mo na” sabi ni Dudong kaya napatingin ako sa kanya at malakas siyang hinampas sa balikat. Tumawa naman siya.

“Tumahimik ka nga!” singhal ko sa kanya. Kaasar! Panigurado akong namumula na naman ang mukha ko lalo na kapag naaalala ko yung argh! Shems!

“Kinikilig ako ngayon,” aniya at bigla akong inakbayan na pilit ko naman tinatanggal “Ganun pala talaga ang feeling kapag nahahalikan mo yung taong mahal mo ‘no? Ang saya sa pakiramdam” dugtong pa niya. Napapikit na lang ako at bumuntong hininga.

“Bakit mo ko mahal?” bigla kong natanong sa kanya, tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Hinapit na pa ako lalo palapit sa kanya at biglang hinarap sa kanya, inilagay niya yung ulo ko sa may kaliwang banda ng dibdib niya.

“Sa totoo lang wala naman akong sapat na rason kung bakit mahal kita, ang alam ko lang unang beses pa lang kitang nakita na-attract na ako sa’yo at ngayon ikaw na ang tinitibok ng puso ko” pagkasabi niya nun ay naramdaman kong niyakap niya ako at gamit ang isa niyang kamay ay marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

“Can you hear it, Pink? Ngayon ang lakas ng tibok ng puso ko, nakaka-abnormal at dahil yan sa’yo” malumanay na sabi niya. Tama nga siya, naririnig ko yung tibok ng puso niya. Malakas, mabilis at nakakabingi, ganyan ang naririnig ko ngayon. Humiwalay ako sa kanya at tinignan siya, nakangiti na siya sa akin ngayon.

“Dylan…” sabi ko, lalo lang lumawak yung ngiti niya at ginulo niya yung buhok ko.

“Mahal kita Pink sagad, at aantayin ko ring sabihin mo sakin yan pabalik” he said smiling.

Sa totoo lang, alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa kanya, higit pa sa pagkakagusto pero I don’t want to say it to him, gusto kong manigurado muna sa nararamdaman ko. Gusto ko na once na masabi ko na ang nararamdaman ko, siya na talaga ang alam kong mahal ko. Yung wala ng lugar ang nakaraan sa puso ko. Because if I enter a relationship again, I’m willing to take risk everything without having doubts, gusto kong tulad pa rin ng dati na handa akong gawin ang lahat para sa relationship namin. Na titignan ko yung future namin na hindi magdadalawang isip o matatakot na baka masaktan na naman ako. Ganun naman kasi talaga di ba? Minsan hindi talaga natin maiiwasang masaktan sa isang bagay, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na tayo susugal sa iisang bagay. Hindi naman maiiwasang mabigo minsan pero hindi mo naman dapat ikulong yung sarili mo sa pagkabigong iyon. You need to step out and try again. At iyon ang gagawin ko ngayon.

“Thank you, Dylan. Happy birthday ulit” mahinang sabi ko sa kanya at ngumiti. Tumango naman siya at bahagyang ngumiti.

Andito na kami ngayon sa tapat ng dorm ko, hinatid niya kasi ako pauwi. Pinagmasdan ko si Dudong sandali bago tumalikod sa kanya at tsaka pinihit yung pinto na hindi naman naka-lock. Bago ko tuluyang itulak yung pinto para bumukas ay nilingon ko ulit siya at ngumiti.

“Thank you ulit, Dudong…” I smiled.

Nasasanay na talaga akong tawagin siyang Dudong, pakiramdam ko nga hindi makokompleto ang araw ko kung hindi ko siya matatawag na Dudong.

“Good night…” dugtong ko. Ngumiti naman siya at inangat yung kanang kamay niya at marahang kumaway dahilan para lumawak yung ngiti ko at kinawayan din siya.

“Good night--“ aniya pero hindi ko na narinig yung sinasabi niya nung mapalingon ako sa may pinto nung may humatak dito para tuluyang bumukas. Nanlaki yung mata ko nung makita ko kung sino yung humatak nung pinto.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now