Chapter 4

10.9K 220 7
                                    

Chapter 4

-Pink’s POV-

“Girl! Hindi talaga ako makapaniwala, siya talaga yun! Tinawag niya ako sa pangalan ko girl! Anong gagawin ko?! Girl, ayoko pa siyang makita, hindi pa ako handing makita siya girl, akala ko okay na pero hindi pa girl! Ottoke?!”

Hindi talaga ako mapakali ngayon, hindi pwedeng mangyari to, hindi pwedeng nasa iisang bahay lang ng lalaking yun! Mamamatay ako!

[Huy Pink Ramirez, kumalma ka nga diyan?! Ano ba kasing nangyayari?]

Oo nga pala, kausap ko ngayon si Nika sa phone, grabe kanina hindi ko alam kung anong irereact ko pagkakita ko kay Zelo kanina, bigla na lang akong napatakbo papasok sa kwarto at hanggang ngayon hindi pa ako nalabas. Maiiyak na ako ngayon, hayun na eh, willing na nga akong magbagong buhay eh., willing na akong kalimutan siya eh! Tapos makikita ko yung gwapo niyang pagmumukha sa pamamahay na to?! Jongina lang.

“Girl! Dito din nakatira si Zelo! I kennot! Mamamatay na ako girl!”

Pagkasabi ko nun natahimik sa kabilang linya na siyang ipinagtaka ko naman, anong nangyari sa babaeng yun?

“Huy? Nika?”

[WHAAAAAAAT?!!!!!!!!!!!!!!]

Bigla kong nalayo yung phone sa tenga ko, ang puchu naman nito bigla ba namang sumigaw. Niloudspeaker ko na lang tuloy yung phone ko.

[ANONG SABI MO HA?! MAGKASAMA KAYO NG PANGET MONG EX BOYFRIEND DIYAN SA DORM MO?! OH MY GHAD GIRL! CONDOLENCE!]

Napapikit na lang ako sa lakas ng boses niya, nakakarindi hindi ko maimagine kung kasama ko pa siya ngayon baka binabalibag na niya ako if ever.

“Anong gagawin ko?”

Mahina kong sabi sa kanya, nakakaiyak naman kasi talaga tong sitwasyon ko ngayon, sinabi ko na sa sarili ko eh, heto na magmomove-on na talaga ako, tapos heto? Heto lang ang mapapala ko? Biglang andito siya ngayon kasama ko sa iisang bahay? Ang puchu lang di ba?

[Sabihin mo kaya sa Mama mo? Para makalipat ka ng ibang dorm diyan? O di kaya gumawa ka ng paraan para mapaalis mo siya? Argh!]

Mahahalata mo na iritado na siya sa tono ng pananalita niya, ako naman dapat sa mga sandaling to nagpapanic na pero parang gusto kong maiyak, gusto kong maiyak kasi parang ang loser loser ko, parang pianapatunayan ko sa sarili ko na wala akong pinanghahawakang salita, parang pakiramdam ko sinusubok ako ng tadhana kung ano ang kaya ko at kung hanggang saan ko kayang panghawakan yung mga salitang binitawan ko tapos ano, heto ibinalandra lang siya sa harap ko parang back to zero ulit? Magdudusa na naman ako? Ako na naman ang magmumukhang tanga?

Yes, I’m blaming myself for all of these, kasalanan ko kasi to eh kung hindi ako nagtiwala masyado sa pagmamahal na yan at kung hindi ko pinanghawakan noon yung mga sinabi niya, edi sana hindi ako naghihirap ng ganito ngayon, hindi ako nagmumukhang tanga sa tuwing nakakaharap ko siya, hindi sana ganito yung reaction ko ngayong nalaman kong magkasama kami sa dorm, I’m so stupid, kahit saang anggulo ko naman tignan halatang ako na lang naman yung naapektuha eh. Naaawa ako para sa sarili ko, I keep on telling to myself na magmomove on na ako, magbabagong buhay na ako, kakalimutan ko na siya, bibitawan ko na lahat ng tungkol sa kanya, pero heto ngayong kaharap ko na siya parang kinain ko lahat ng sinabi ko. O di ba? Napakapathetic ko na tao. Tapos ngayon gusto ko ibang tao pa yung gumawa ng paraan para sa akin?

[Yah! Pink?! Anong nangyayari sayo diyan?!]

Natauhan ako ng bigla kong narinig na nagsalita si Nika, sa sandaling pag-iisip ko may narealize ako, I need to do something on my own, yung hindi ako aasa sa iba, yung haharapin ko yung problema ko ng buo at haharapin ito hanggang kaya ko. Siguro nga this is a challenge for me, and I don’t know what will happen in the future pero challenge accepted.

Forgetting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon