Chapter 19

5.6K 178 17
                                    

Chapter 19

-Pink’s POV-

 

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon, pakiramdam ko nabibingi ako at lumilipad sa kung saang parte ng universe.

“Yung story ko, yung story nating dalawa”

 

“Ayyy tokwa’t baboy!” I hissed when I suddenly loss my balance. Akala ko babagsak na ako pero nayakap ako ni Dudong mula sa likod kaya hindi yun natuloy.

At nung marealize ko yung nangyari, bigla na lang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Umayos ako ng tayo at hinawakan yung bakal na nakita ko agad. Napapaface palm na ako sa isip ko dahil sa nangyayari sa akin. Gosh! Lecheng story yan! Parang ayokong mabasa o malaman man lang yung kwentong yun!

“Ano ba yan girlfriend mag-iingat ka naman” bulong niya sa akin dahilan para kilabutan ako “Paano na lang kung tuluyan kang bumagsak? Masasaktan ka lang. Buti na lang nasa tabi mo ako at handa kang saluin at protektahan” I closed my eyes and bit my lower lip to hide the tension that I feel.

Bakit parang double meaning ata yung sinabi niya sa akin?

“Leche ka” bulong ko sa kanya pabalik. He just chuckled.

“Bakit ka namumula girlfriend?” nang-aasar na tanong niya. Inirapan ko siya ng bongga.

“Kasi ang pangit mo!” nanggigigil na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

“Maganda ka sa paningin ko, girlfriend” he said and he smiled lazily.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, aangal na sana ako nung bumukas yung pinto ng LRT. Hinawakan ulit ni Dudong ang kamay ko at mahinang hinatak palabas sa LRT. Napatingin na naman ako sa kamay naming magkahawak. Bumalik na naman yung kakaibang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim. Sumusunod lang ako sa kanya, hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero I trust him, alam kong hindi niya ako pababayaan. I sighed once again. Napatingin ako sa gilid and smiled exasperatedly.

I already spent almost eight months for trying to forget my ex-boyfriend. Hindi ko alam kung ano ng nangyari doon, I keep on trying but I don’t know kung ano ng narating ng pagsubok kong iyon. But then, heto ako ngayon, kasama ko si Dylan Neil Francisco, and I’m currently experiencing the same intense feeling that I felt before nung kami pa ni Zelo.

This familiar heartbeat, this familiar feeling, hindi ako tanga para hindi marealize kung anong nangyayari sa akin.

 

“Huy girlfriend? Bakit mukhang wala ka sa sarili mo?”

I was back to my senses nung magsalita si Dudong, napatingin ako sa paligid at doon ko narealize na parang nasa isang station ulit kami. I blinked and looked at him again, he sighed and he held my hand and putted something on it. Tinignan ko iyon at ticket din ito na kapareho nung nasa LRT kanina.

“Ano bang nangyayari sa’yo? Kanina ang taray mo at ang sungit pa, tapos ngayon para kang lutang?” aniya at napakamot siya ng ulo

“Kasalanan mo ‘to” I said in a low tone. Kumunot naman yung noo niya.

“Anong ginawa ko?” tanong niya.

Ginagawa mong abnormal yung tibok ng puso ko gago ka!

Forgetting HimWhere stories live. Discover now