Chapter 22

5K 169 3
                                    

Chapter 22

-Pink’s POV-

 

Maaga akong nagising ngayon kahit linggo since nandito sina Kuya Blue at Nika, usually kasi tanghali na akong nagigising pero dahil nga nandito sila kailangan ko silang asikasuhin. Napatingin ako sa katabi ko at nakitang tulog na tulog pa rin si Nika, isa rin ‘to eh, mga tanghali na magising. Napatingin ako kay kuya Blue na natutulog sa sahig. Napanguso na lang ako at dahan-dahang tumayo para wala akong magising sa kanilang dalawa.

Pero bago ako tuluyang lumabas napatingin ulit ako sa kanilang dalawa at may naisip ako. Lumapit ako kay Kuya Blue at umupo tsaka marahan siyang ginising.

“Hmm…” yun lang yung sinabi niya at halatang iritado.

“Kuya, lipat ka na lang sa kama dali, maglilinis ako” sabi ko at marahan siyang niyugyog gumalaw na naman siya at iritadong napakamot sa buhok niya tsaka tumayo at binitbit yung unan at nakapikit na pumunta sa kama tsaka humiga sa tabi ni Nika.  

Gusto ko sanang tumawa dahil paniguradong magfrefreak out si Nika dito, yun pa, pero pinigilan ko. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at pinicturan sila para may ebidensya bago ako lumabas ng kwarto at dun tumawa. Pero napatigil naman ako nung makita ko si Zelo na nakatingin sa akin.

“Uhm, sorry” mahinang sabi niya at inalis ang tingin sa akin.

“Ahh, hehe… good morning” sabi ko at pilit na ngumiti. Ang awkward naman kasi nung nakita niya eh, tumatawa ako ng tahimik na parang baliw. Kahiya! Napatingin naman siya sa akin at nakita kong pilit siyang ngumiti.

“Good morning din” aniya at nakita ko yung natural na ngiti niya. Napangiti na lang din ako at sabay kaming bumaba.

“Ang aga mo atang magising ngayon?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

“Magluluto kasi ako ng almusal kasi nandito sina Kuya, so ikaw? Bakit ang aga mo ata?”

“Pupunra kasi ako sa ospital,” aniya sa isang malungkot na boses, napatingin ako sa kanya at nakita ko na pilit siyang ngumiti. “Isinugod kasi si Kate” aniya at napaawang ang bibig ko dahil doon.

“Ahhh, sorry” sabi ko at tumingin siya sa akin at ginulo niya yung buhok ko kaya nabigla ako.

“You don’t need to, ganun naman talaga siya lagi. May sakit kasi siya” sabi niya at tsaka tumingin ulit ng diretso.

Hindi ko alam pero I somehow understand why he’s a little bit strange this past few days. Yung akala mo may malaki siyang problema? Which is meron naman talaga, hindi ko ineexpect na may sakit pala si Kate, the first time I saw her she seems to be so energetic, hindi mo mahahalatang may sakit siya.

“Uhm, gusto mo kumain muna? Bago ka umalis?” medyo nagdadalawang isip na tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti ako sa kanya tsaka ko hinawakan yung palapulsuhan niya. “Naku, dapat kumain ka muna ng almusal mahirap na” dugtong ko tsaka siya hinatak.

In the end hindi na rin siya nakapalag. Kaya naman tahimik lang kaming dalawa habang nagluluto, nag-insist naman kasi siyang tulungan ako at ako naman siempre hindi ako tumanggi. Napatingin ako sa kanya nung may maalala ako bigla.

“Uyy, di ba sabi mo may sasabihin ka? Mag-uusap tayo? Ano yun?” sunod-sunod na tanong ko. Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

“Ahhh, yun ba? Wag muna ngayon, sa susunod na lang” sabi niya at ibinalik din agad yung tingin sa ginagawa niya at nagpatuloy. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na rin sa ginasgawa ko.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now