Chapter 8

9.1K 196 21
                                    

Thank you po for reading and supporting <3 

*** 

Chapter 8

-Pink’s POV-

Nagsimula na ang klase namin, actually third subject na namin to at as usual puro introduction lang naman at pag-eexplain ng syllabus, at kung tinatanong niyo kung kamusta yung tatlo kong kasama (Dylan, Zed and Shanghai), hayun humiwalay ako sa kanila. Sinadya kong maupo at makisama dito sa iba pa naming mga kablock, hindi ko rin alam kung bakit eh, siguro dahil sa badtrip ako kay Dudong (mula nung KFC incident) ayoko lang pati sina Shanghai madamay sa pagkairita ko sa lalaking yun. At kung kamusta naman kami ni Zelo? Siyempre hindi kami nagkabalikan, for me civil lang ang set-up namin ngayon or ako lang yung may gusto ng isang civil relationship between us, napapansin ko kasi na may mga times na parang gusto niya akong kausapin pero umiiwas ako.

Hayyyy, may nararamdaman pa rin naman kasi ako para sa kanya eh, so masisisi niyo ba ako? Gusto ko nang mag-fade tong nararamdaman ko para sa kanya, gusto ko na siyang makalimutan. Kaya gagawin ko yung mga bagay na sapalagay ko makakatulong para makamove-on na ako, parang nagiging desperate na ako eh, ayoko na kasing makaramdam ng pain kapag nakikita ko siya, ayokong magmukhang tanga dahil lang sa kanya. Basta… nakakapagod na talaga.

Napairap na lang ako at nagfocus na lang ulit sa prof, basta ngayon ang isa sa mga main goal ko ay ang mag-aral ng mabuti at magkaroon ng magandang career sa future.

After ng mahabang pasyon este introduction ng prof namin sa Filipino eh nagpadismiss na siya at dahil nga sa iniiwasan ko sila ngayon, agad akong lumabas ng classroom at sinalpakan ng earphones ang tenga ko, nakita ko naman yung mga messages nila sakin, loko tong mga to nagkaklase nagtetext, mga BI. Dumiretso ako sa caf para bumili ng makakain kasi nakakaramdam na ako ng gutom.

“Why are you ignoring us,” halos mapatalon ako sa gulat nung bigla akong hinawakan ni Shang at Zed sa may balikat “You don’t even reply to our messages!” sabi ni Shang.

Pagkakuha ko nung binili kong cheeseburger at chuckie ay napatingin ako sa likod nila para tignan kung kasama nila si Dudong pero mukhang wala naman kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanila at nakita ko na inaantay nila yung explanation ko.

“Kasi nababadtrip ako kay Du—Dylan,” simula ko sabay buntong hininga “Sorry kung hindi ko kayo kinausap mula nung isang araw pa kasi argh, ayoko lang talaga kayong madamay sa pagkainir ng ulo ko sa lalaking yun, sorry talaga” ani ko sabay yuko.

Oo nung isang araw ko pa sila hindi kinakausap, biruin niyo nakatagal ng ganun, ewan feeling ko talaga mula nung maghiwalay kami ni Zelo may nag-iiba na sa ugali ko which is not healthy for me, ayokong maging ganito pero hindi ko maiwasan.

“Sabi na eh, buti na lang pala tinawag si Dylan nung mga kaschoolmates niya dati at yun iniwan namin siya, kasalanan niya pala eh! Langya yun!” sabi ni Shang.

Umupo naman kami sa isang table dun ko na sinimulang ilabas yung sama ng loob ko dahil sa nangyari, may one hour pa naman kami bago ang next subject go lang.

“Kasi naman guys, alam mo yung parang wala siyang pakiramdam, feeling ko napakainsensitive niya grabe!” halos isigaw ko na, heto na naglalabas na naman ako ng sama ng loob sa kanya, nakapaglabas na rin naman ako ng sama ng loob kagabi kay Nika eh. Basta hayun, sambit lang ako ng sambit ng mga hinanakit ko sa kanila tungkol kay Dylan, ang panget kasi nung lalaking yun eh. Mukhang gago! 

“Uhm, Pink totoo ba na ex-boyfriend mo yung Zelo na nakasama natin sa KFC last Saturday?” napatigil kami pareho ni Shang sa tanong ni Zed, napatingin sa akin si Shanghai at halatang nagulat siya sa tanong ni Zed. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanila na ex ko siya.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now