Chapter 23

4.8K 147 2
                                    

Chapter 23

-Pink’s POV-

 

Kakasimula palang ng araw ko pero pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Nahihilo ako, naiirita, naririndi at naiinis ako sa mga ‘to. Well hindi naman sa naiinis talaga ako, masaya naman akong makita silang magkakasundo agad kahit unang beses palang nilang magkita at magkakilala pero iba kasi yung ingay at kulit na taglay ng mga ‘to eh. Iniisip ko nga kung ilang capsule ng Enervon ang nalaklak ng mga ‘to kaya ganito sila ka-hyper, hindi ko kayang makipagsabayan sa energy level nila. Kaloka!

Napagpasyahan kong lumabas ng arcade at pumunta doon sa malapit na hagdan at naupo sa isang baiting doon. Feeling ko nga naging tagabantay lang ako ng mga yun dahil wala naman ako halos ginawa kundi ang samahan sila, kung bakit ba naman kasi naisipan nilang gumala ngayon. Parang nawala wala talaga ako sa mood eh.

“Andito ka lang pala, Patrick” rinig kong sabi ni Kuya Blue at naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. Tinignan ko naman siya at nakita ko na diretso lang siyang nakatingin, bumuntong hininga siya at tsaka ako inakbayan.

“Hindi wala ako dito Stitch, seryoso wala talaga…” sarkastiko kong sabi sa kanya at inirapan siya. Tumingin siya sa akin at napaatras ako nung bigla niyang guluhin yung buhok ko.

“Sino tong kaakbay ko? Hologram mo ba ‘to Pink?” sabi niya at naningkit na ang mga mata niya. “Grabe halos mamulubi na nga tayo sa mahal ng tuition fee mo, gagastos ka pa” aniya habang umiiling-iling, binatukan ko naman siya ng mahina.

“Grabe Kuya, nahiya naman yung tuition mong doble sa tuition ko at dagdag mo pa yung mga eklavu chorvang kailangan mo” sabi ko habang nakangusong nakatingin sa kanya, ginantihan naman niya ako ng ngisi. Walang duda magkapatid nga kaming dalawa.

“Kamusta naman ang buhay Maynila?” tanong niya at marahang ngumiti sa akin. “Kayo na ba ni Dylan? Nakalimutan mo na ba si Zelo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. He’s anticipating for my answer. Tumingin ako sa kanya ng seryoso at bumuntong hininga. Napayuko ako at nilaro-laro ang mga daliri ko.

“”Hindi pa kami ni Dylan, Kuya…” sabi ko at magsasalita pa sana ako nung bigla siyang magsalita.

“Hindi pa? Ibig sabihin nililigawan ka niya ngayon?” tanong niya ulit, napatingin ako sa kanya at biglang naningkit yung mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Hindi ba nagkasama na kayo ni Dylan nung isang gabi? Huwag mo sabihing wala siyang binanggit sa’yo?” pasisita ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin habang napailing.

“Yeah, he mentioned the thing that’s going on between you. Sabi niya sa akin ay hinahabol-habol mo daw siya, pinipilit mo pa nga raw siyang gawing girlfriend ka--“ hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nung magsalita ako.

“Ano?!” I exclaimed “Yun yung sinabi niya sa’yo? Shemay, hindi yun totoo! Yung Dudong na yun! Humanda sa akin yung siokoy na yun! Bwisit siya!” hindi makapaniwalang sabi ko at akmang tatayo na sana ako para sugurin at sabunutan ng bongga si Dudong nung pigilan ako ni Kuya Blue. Naniningkit ang mata kong tumingin sa kanya, lalo na nung tumawa siya. The heck?

“Nakakatawa ka, Pink” aniya at parang ewan siyang tumatawa, sinapak ko siya sa balikat at inirapan siya.

“Nakakainis ka” sabi ko naman sa kanya.

“He told me that he’s in love with you, he’s currently courting you” aniya sa isang seryosong boses at tumingin sa akin ng seryoso. “Hindi kami madalas magkasama ni Dylan but I know he’s a good guy, he can take care of you very well, halata naman iyon sa nakikita ko” sabi ni Kuya at marahang ngumiti sa akin. “It’s good to see you smile again like before, Pink. Bumalik na ang kapatid ko sa dati and I never expect this, lalo pa’t nandito ka at kasama mo yung lalaking naging dahilan kung bakit nawala ang mga ngiti mo. I miss you, Pink… namiss ka ni Kuya” sabi niya at nagulat ako nung akbayan din niya ako ulit.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now