Chapter 14

6.6K 188 6
                                    

Yey! Hindi ako makapaniwala na 12K reads na tong story na to, sobrang bilis niyang dumami ngayon. Hehehe. Thank you for this! Sana suportahan niyo 'naman' si Zelo. Lol! Hahahaha. So yun! Thank you ulit! 

***

Chapter 14

-Pink’s POV-

 

“Ginagago mo ba ako ah?” mataray na tanong ko kay Zelo habang nakataas ang isang kilay kong tinitignan siya.

Tama ba namang magsabi ng ganyang banat? Eh kung banatan ko kaya siya diyan! Kainis! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya, nakakagago lang, jusmiyo kung wala nga lang sakit tong lalaking to eh binuhos ko na yung palanggana ng tubig na dala ko. Ano to pa-fall?

“Hindi kita ginagago,” sabi niya habang patuloy na kumakain ng lugaw “Gago lang talaga ako” dugtong niya at malungkot na ngumiti habang nakatitig dun sa lugaw.

Hindi na ako nagsalita, wala rin naman akong sasabihin at natatakot ako na baka may mali akong masabi para maungkat yung hiwalayan namin months ago. I still prefer our set-up right now. No hard feelings involved just a civil relationship.

“Alam mo epekto lang yan ng lagnat mo, ipahinga mo yan at ng gumaling ka para bumalik ka na sa katinuan” sabi ko at tsaka lumapit sa kanya at hinipo yung noo niya para pakiramdaman kung mataas pa ba yung lagnat niya. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi na siya umangal.

“Hayan bumababa na yung lagnat mo” sabi ko nung makalayo ako sa kanya.

“Salamat sa pag-aasikaso sa akin, nagambala pa tuloy kita” sabi nito habang nakatingin sa akin habang nakangiti pero bakas ang pagiging malungkot.

“Sus, may kapalit yun no, hindi ako magbabayad ng renta for two months!” I joked and fake a laugh. Pero hindi pa rin natinag yung expression na pinapakita niya.

I don’t want to see that kind of expression from him, it makes me feel guilty for no apparent reason.

“Ahhh, okay” he said still wearing that sad pain expression from his face.

Hindi ba siya nakakaintindi ng joke?

“I’m just joking,” I said, napayuko naman siya at parang pasan niya ang problema ng daigdig.

“Sorry…”

“Masyado kang seryoso, and that’s not healthy” sabi ko at tsaka ngumisi sa kanya.

“I know, and I prefer being like this kesa lokohin ko pa ang sarili ko” baling niya sa akin sabay ngiti ng malungkot.

Nung nakita ko yung ngiti niyang iyon ay parang may kung anong tumusok sa puso ko para makaramdam ng sakit. It’s not really easy to forget him. It’s not simple to forget someone you love for years. Pero siguro, paunti-unti, kakayanin, tama si Dylan, I should first learn to accept the whole thing. Na wala na talaga.

“Kung yan ang gusto mo then go, diyan ka komportable eh. Hay nako, kumain ka na lang diyan at magpahinga, mamaya siguro tawagin na lang natin si Kate para naman mabantayan ka niya” sabi ko habang inaayos yung mga gamit na dinala ko sa kwarto niya para madala ko na pagbaba ko.

“Wag na, kaya ko naman ang sarili ko. Ayoko naman ng gambalain pa siya, I know she’s also having a hard time right now, wag mo na siyang tawagan” sabi niya sa akin.

Tumango na lang ako at sinimulang bitbitin yung mga dadalhin ko pababa.

“Ahhh, okay” I said trying to keep my cool. Hindi ko alam kung bakit parang affected ako sa sinabi niya. Siguro ay dahil sa ayaw niyang mag-alala yung girlfriend niya sa kanya at ako naman itong todong nag-aalala sa kanya dahil sa sakit niya ngayon.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now