Chapter 6

9.7K 209 9
                                    

Chapter 6

-Pink’s POV-

Kakapasok lang namin nitong si Dudong sa auditorium kung saan gaganapin ang Orientation, ginala ko agad yung tingin ko sa buong lugar para mahanap si Shang, para na rin makalayo dito sa lalaking to. Hindi ko kasi gusto yung tingin ng mga tao samin eh, feeling ko binibigyan nila kami ng malisya, heto naman kasing lalaking to eh, ang clingy masyado.

“Pinkkkkkkk!!!”

Napatingin ako agad dun sa tumawag sa pangalan ko at agad kong nakita si Shanghai, napatakbo ito papunta sa lugar ko habang kumakaway, ngumiti ako sa kanya at kumaway rin. Hayyyy, sa wakas feeling ko makakalayo na rin ako sa Dylan/Dudong na to.

“Uy grabe kanina pa kita hinahanap, sabi mo maaga kang nandito nagmadali tuloy ako…”

Pailing na sinabi niya sa akin, nakonsensiya tuloy ako kasalanan kasi nitong Dudong na to kung bakit eh. Napatingin naman siya sa bandang likod ko.

“May kasama ka pala? Boyfriend mo?”

Nagtatakang tanong niya sa akin, magsasalita pa lang sana ako nung bigla akong akbayan ng lalaking to. Argh, clingy niya talaga eh no, pinipilit ko namang tanggalin yung pagkaka-abay niya sa akin, ang awkward sa pakiramdam eh, pero hinihigpitan niya pa lalo yung pagkakaakbay niya sa balikat ko kaya hindi ko matanggal.

“Hi Miss, oo tama ka Boy friend niya ako”

Natigilan ako sa sinabi niya, ano daw? Pakshet to ah?! Napatingin naman ako sa reaction ni Shang at nakita ko na nagulat din siya, nagulat din kaya ako sa sinabi nitong Dudong na to. (Okay, tatawagin ko na lang siyang Dudong since mas bagay sa kanya yun, parang pang-maangas kasi yung Dylan eh).

“Anong—“ sasagot pa lang sana ako ng magsalita tong Dudong na to.

“Boy friend niya ako as in lalaking kaibigan, ikaw ba? Girl friend ka niya?”

Napaanga na lang ako sa sinabi niya. Masyado siyang madaming alam, medyo natanga ako dun ah?

“Ha? Ahhh, oo girl friend niya ako”

Ilang na sagot ni Shang pero parang ngumingiti ito, tinanggal naman ni Dudong yung pagkakaakbay niya which is good kasi kung hindi niya pa tatanggalin baka masapok ko na siya. Nakakairita na kasi yung paghawak-hawak niya eh.

“I’m Dylan Francisco nga pala, and you are?”

“Shanghai Castro, nice meeting you”

Tapos naghand shake sila, pinagmamasdan ko lang silang dalawa at may narealize ako, ang unfair bakit sa kanila ang tino ng introduction nila sa isa’t isa samantalang yung samin hindi? Nakangiti si Dudong sa kanya at base sa obserbasyon ko mas mukhang friendly yung aura niya ngayon kesa nung samin kanina, leche siya. They’re both smiling at each other, madaya talaga siguro kung ganyang ugali ang nakita ko kay Dudong kanina baka naging crush ko na siya, pero good thing na rin at nakita ko agad yung panget na ugali niya. Haha. Ang plastic pala nitong Dudong na to eh.

“Plastic” pabulong ko na sabi na pakiramdam ko ay hindi nakaligtas sa pandinig nila dahil agad silang napatingin sakin. Napabitaw sila sa isa’t isa.

“Sinong plastic?” tanong ni Dudong. Psh. Tatanong pa eh halata naman na siya yung tinutukoy ko.

Tinignan ko siya at ngumiti nang sarkatisko, napansin ko naman na nakatingin lang sa amin si Shanghai at napapangiti. Uhhh, I guess may mali sa kanya ngayon, as far as I know there’s nothing funny in our situation right now, not unless she has a mental disorder, pero mukhang wala naman.

“Sino pa ba, edi ikaw”

“Talaga? Ahhhh, dahil ba sa kanina? Of course girl friend magagalit ako kasi tinapunan mo ako ng Milo, umagang-umaga yun agad ang bubungad sakin, of course I’ll be mad. But you should be thankful because I forgive you”

Forgetting HimWhere stories live. Discover now