Chapter 27

4.5K 156 7
                                    

Hello! Hahahaha. Natuwa kasi ako sa comment mo xD Hahaha~ <3 

***

Chapter 27

-Pink’s POV-

 

“Ayos ka lang ba Pink?” tumabi sa akin si Kuya Blue. Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga tsaka marahang tumango.

“Ayos lang ako,” sabi ko sa kanya at dumiretso ulit ng tingin. “Nagugutom lang siguro ako” dugtong ko pa. Totoo naman kasi yun, nagugutom na ako.

“Di pa kasi tapos magluto sina Lola, sigurado ka bang ayos ka lang? Aba Pink Ramirez huwag mo sabihing magmumukmok ka pa rin dito, tumulong ka kaya dun hayaan mo na muna yung gagong Dylan na yun” aniya at inirapan ko siya.

“Aba Kuya magsalita ka akala mo hindi ka rin gago ah?” pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin at bigla kong nasapo yung ulo ko nung bigla niya akong binatukan.

“Aray ko naman Kuya!” singhal ko sa kanya at binatukan ko rin siya pero mahina lang.

“Ikaw kasi!” sabi niya at inirapan din ako, inirapan ko rin naman siya. “Maayos naman na yung akin, eh yung sa’yo? Di pa nga nagsisimula, sira na” aniya at ngumisi. Gusto kong alisin yang ngisi niya sa mukha niya. Leche ‘to! Pasalamat nga siya mahal siya ni Nika eh.

“Magpapasko, wasak ang puso mo” nang-aasar na sabi niya. Bwisit ‘to!

“Kapal ng mukha mo” singhal ko sa kanya.

Sa totoo lang, naiinggit ako sa kanila. Ang ayos na kasi ng kanila, samantalang ako wala pa ring nangyayari, heart broken pa rin ako. Saklap lang. Kanina nga nagpaload si Kuya Blue, take note sobrang tamad niyang magpaload, talagang pipilitin pa yan, tapos tinawagan niya si Nika at nag-usap sila for 3 hours! Aba matinde! Tapos mamaya mag-uusap pa daw sila pagsapit ng 25, umaariba ang best friend ko.

Sina Zelo at Kate naman yun may kanya-kanya na silang path. Pero umaasa pa rin ako na sana maging sila, kahit alam kong malabo. But I hope they find their happiness. They both deserve it, we all deserve it.

“Tss. Hayaan mo na yung makapal na mukhang iyon, tumulong ka na lang muna kina Lola sa kusina” sabi niya at tumayo.

“Eh bakit ikaw?” sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at naglakad na papasok ng bahay. Kapal talaga ng kulugo ng walanghiyang yun! Ako inuutusan tapos siya tambay? Ano siya sinuswerte?!

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at nagpasyang tumulong kina Mama na magluto. Wala rin naman kasi akong gagawin. Tsaka para madivert na rin yung atensyon ko mula sa kakaisip sa hinayupak na Dylan Francisco na yun! Bwisit yun! Kapal ng mukha niyang iinvade yung utak at puso ko tapos iiwanan lang ako dahil sa maling akala niya? Kapal niya! Bwisit siya!

Andito kami sa bahay ng Lola namin sa may Bulacan, dito kasi kami magpapaskong mag-anak dahil taga-dito yung iba naming kamag-anak. May reunion chenelyn kasi kami dito every Christmas. Si Papa naman nakausap na namin kanina, grabe namimiss na rin namin siya. OFW kasi siya at sa Canada siya nagtatrabaho.

Kahit papaano ay masaya naman ako dahil nakakabonding ko yung mga pinsan ko at yung kapatid ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang maisip si Dudong, bigla na lang akong maiiyak kapag naaalala ko siya. Ang sakit kasi talaga eh! Buti na lang kakampi ko yung mga pinsan ko at minumura nila yung lalaking yun para sa akin. Hindi rin naman ako makahingi ng update dahil una, wala akong phone, iniwan ko kasi sa bahay namin yung cellphone ko. Pangalawa, dineactivate ko lahat ng accounts ko. Sinusubukan ko kasi talagang kalimutan kahit saglit lang yung nangyayari sa akin… sa amin ni Dylan.

Forgetting HimOn viuen les histories. Descobreix ara