Chapter 3

13.1K 217 16
                                    

***

Moving on is a choice...

***

Chapter 3

-Pink-

Pinikit ko yung mata ko habang nakahiga sa kama, napagod talaga ako sa byahe kanina tapos ang dami ko pang dalang bagahe! Feeling ko nga pinalayas na ako sa amin eh, hayyyy buhay. Unti-unti ko nang nararamdaman na isa na akong college student. Dapat daw ay maging independent na ako kaya’t kailagan ko na daw kumilos mag-isa lalo pa’t ako na lang mag-isa at wala sila Mi dito para alagaan ako, wag din daw akong aanga-anga lalo na daw at nandito ako sa Manila, lagi daw akong mag-ingat at magmasid sa paligid at marami pa silang bilin. Feeling ko mahihirapan talaga akong mag-adjust, lalo na sa paggising ng maaga.

Inayos ko yung higa ko tapos niyakap yung unan na nahawakan ko. Naalala ko yung isa pang bilin sa akin ni Mi bago ako sumibak mula probinsya papunta dito.

‘Huwag puro move-on lang ang atupagin anak, tandaan mo enjoyin mo lang ang buhay mo, minsan talaga kailangan nating masaktan dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon masaya tayo at yung gusto lang natin ang nasusunod. Tandaan mo nak na hindi lahat ng gusto mo mangyayari. May mga bagay na kailangan na nating bitawan kung alam mong nakakasakit na ito sayo. Tanggapin mo na lang yung realidad na may mga bagay na itinadhanang dumaan sa buhay mo pero hindi ito permanenteng mananatili sayo. Moving on is a choice’

I smiled bitterly, he’s not mine anymore. Masaya na siya sa buhay niya samantalang ikaw nagdudusa pa rin ng dahil sa kanya, siya wala na siyang pakialam sayo pero ikaw siya pa rin ang laman ng isip at puso mo. Dapat maging mutual yung nararamdaman namin para sa isa’t isa kung hindi na niya ako mahal then fine, edi hindi. Naalala ko nung huli ko siyang nakita kasama nung isang girl sa mall mga three weeks ago, grabe nagmukha lang akong tanga nun that time, bigla daw bang umiyak. Nakakaawa lang. Kaya kailangan ko ng magmove-on eh, malay ko kung si Kim Jongin pala yung nakatadhana para sa akin pero hindi ko lang napansin kasi puro ako Zelo, o di ba mukhang tanga lang.

“You can do this Pink!”

Dinilat ko yung mata ko at umupo sa kama at tsaka kinuha yung cellphone ko tsaka nag-online sa Twitter at pinost yung kuha kong picture ng room ko sa Dorm kanina.

Twitter Post:

[Picture]

-First day sa dorm today! Excited na sa Orientation sa Saturday-

Okay, so parang online diary ko na tong twitter, lahat ng kaechosan ko sa buhay nilalabas ko diyan, lalo na yung mga hinanakit ko sa break-up namin noon. Pero ngayon parang puro tungkol sa KPop lang yung napopost ko, naimpluwensyahan talaga ako ni Nika eh.

Pagkatapos kong magtwitter at iopen ang FB, chineck ko yung mga nagtext sakin dahil sa tinatamad akong tignan kanina. Mostly si Kuya Blue, Mi at Nika lang yung nagtext. Plano ko sana silang replyan pero narealize ko, wala nga pala akong load, mamaya na lang siguro. Ipinatong na ulit yung phone ko sa table at tsaka tumayo at pumunta sa mga bagahe ko para ayusin.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now