Chapter 26

4.1K 144 7
                                    

Chapter 26

-Pink’s POV-

 

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa amin ni Dylan ngayon. Gusto kong umiyak dahil sa nangyayari kasi hindi ko na maintindihan. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan at kung ano ba yung sinasabi niya nung isang araw? I tried to call him for many times pero hindi niya ako sinasagot. Tinext ko na rin siya pero walang reply. Chinat ko na rin pero wala pa rin talaga! Lagi niya akong iniiwasan ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa totoo lang na-frufrustrate ako.

Ang sakit kasi eh, ang sakit ng iniiwasan ako ngayon ng taong alam kong nagpapahalaga sa akin at yung taong mahal ko. Masakit kasi malalim na yung nararamdaman ko para sa kanya tsaka pa nangyari ang ganito. Hindi ko kaya yung malamig na ipinapakita niya sa akin… sa amin nila Shang. I miss my Dudong, yung taong mahal ko.

“Kamusta last exam?” tanong ni Shang na bumasag sa katahimikan sa table naming tatlo. Tumingin kami sa kanya ni Zed.

“Ayos lang girl” sabi ni Zed sabay inom ulit ng milk tea niya. Tumango na lang rin ako at inilugmok ang ulo ko sa table dahil sa totoo lang gusto ko na talagang umiyak.

“Ang exam ayos pero ang love life back to zero” I heard Shang said. I bit my lower lip and start to sobbed. Hindi ko talaga kaya.

“Eh tangina naman kasi ng gagong Dylan na yun” malutong na sabi ni Zed. Nagulat naman ako kasi naging boses lalaki siya kaya napatingin ako sa kanya.

“Grabe Zed, nakakatakot kang magalit” sabi ko sa kanya.

“Aba girl, dehado ka na eh! Nakakainis naman kasi yung lalaking yun! Ayaw ka man lang pakinggan?! Sinubukan mo na siyang kausapin, sinubukan na naming kausapin pero tangina nun ayaw talaga. Bwiset yun! Naku buti na lang pala di mo yun sinagot agad! Walanghiya siya! Sasabunutan ko siya” nanggagalaiting sabi ni Zed at nakakuyom talaga yung kamay niya.

“Girl huwag mong dibdibin, may likod ka pa!” sabi ni Shang. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila.

“Pink, siguro hayaan mo na lang muna siya. Sarado pa utak nung lalaking yun eh, ang gago din talaga nun. Naku kung may ganyang ugali pala yung lalaking yun dapat lang talaga na hindi mo na siya sagutin. Maybe subukan mo ulit next week na kausapin siya…” sabi ni Shang. I looked at her. Magsasalita na sana ako nung biglang mag-vibrate yung phone ko, sa pag-aakalang si Dylan yung nagtext ay agad kong kinuha iyon at binuksan pero nalungkot ako ng makita ko yung text ni Kuya Blue.

From: Kuya

Uuwi ka na talaga bukas? Pinadala na ni Mama yung pamasahe mo. See you tomorrow Patrick!

Ibinaba ko yung phone ko at sumalubong sa akin yung mga tingin nila Shang at Zed. Umiling ako at napapikit sila siguro dahil sa inis.

“Si Kuya Blue yung nagtext, sinabi niya napadala na ni Mama yung pamasahe ko pauwi ng Tarlac bukas” sabi ko sa kanila. Halos mapatalon naman ako sa gulat nung pinandilatan nila akong dalawa ng mata.

“Uuwi ka na?!” sigaw nilang pareho. Buti na lang pala kami lang ang tao dito. Nakakahiya talaga ‘tong mga ‘to.

“Uhh, oo…” sabi ko sa kanila.

“Paano yung grade consultation ha? Tsaka yung Christmas gala natin?” ramdam ko yung pangongonsensya nila sa akin.

“Hayaan mo na yun, napasa ko naman na lahat ng requirements” sabi ko at kinuha ko yung backpack ko at kinuha doon yung regalo ko sa dalawang ‘to.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now