Epilogue

7.6K 143 6
                                    

A/N: Please do read my note after this. Thankies!

 

Epilogue

 

Five months later…

 

-Pink’s POV-

 

“Ang daya niyo!” bulyaw sa amin ni Zed. Ngumisi lang kami sa kanya habang siya naman eh halos magwala na sa harapan nung ipinakita namin yung EAF namin ni Shang sa kanya. Bwahahaha! 

“Okay lang yan, hindi naman tayo magkakalayo! Huwag kang OA Zed, magkatabi lang room natin!” singhal sa kanya ni Shang. Napangiti na lang ako at tumango.

“Kaasar kayo!” umirap sa amin si Zed.

“Hoy wag kang maarte! Balita ko may mga pogi daw sa block niyo!” sabi ko sa kanya at bigla ba naman siyang tumingin sa akin habang nagniningning ang mga mata. Heto talaga, makarinig lang gwapo eh!

“Hoy Pink, sigurado ka ba diyan?” nangiting tanong niya sa akin. Marahan naman akong tumango at siniko ako ni Shang, alam niya kasing imbento ko lang yun.

Hindi ko naman kasi alam kung may gwapo ba talaga sa bagong block ni Zed, pero malay natin di ba? Sabi nila, pinagpala daw ang aming paaralan dahil naglipana ang mga gwapo sa paligid. Aba maswerte ‘tong baklang ‘to kapag may gwapo dun, masosolo niya kasi hindi niya ka-block si Shang. Wala siyang kaagaw! Kapag pa naman nagsama ‘tong dalawang ‘to madalas puro gwapo usapan.

“Aba siguraduhin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na sulutin sa’yo si Dylan lalo pa ngayong magkakahiwalay na kayo!” singhal niya sa akin. Napairap naman ako sa kawalan, simula kasi nung maging kami ni Dylan eh lagi niya na lang sinasabi na susulutin daw niya si Dudong pero hanggang ngayon hanggang salita lang siya.

Siempre mahal rin naman ako ng baklang yan kaya di niya magagawa sa akin yun! At subukan lang niya dahil ibibigay ko talaga sa kanya ang makulit na si Dudong. Joke!

Ngayon kasi ang enrollment namin para sa first term ng next school year, biruin niyo second year college na kami. Sa kabutihang palad eh magka-block ulit kami ni Shang this term samantalang nahiwalay naman sa amin si Zed. Pero alam ko naman na kahit na magkakahiwalay kami ay magkakasama pa rin kami at tsaka ang OA talaga ni Zed, magkatabi lang naman talaga yung mga room namin at halos pareho lang ng schedule.

“Tumahimik ka na nga, ang ingay mo talaga” saway ni Shanghai sa kanya, napatahimik naman si Zed at sinamaan na lang ng tingin si Shang. Lihim na lang akong ngumiti. Bigla kaming napalingon na tatlo nung marinig naming may tumikhim mula sa likod namin. Napangiti kami nung makita namin si Michael at Zelo na magkasama.

“Hello, girls” sabi ni Michael sabay kindat sa amin. Si Zed ay biglang humawak sa braso ko at marahan akong niyugyog. Ang landi talaga ng baklang ‘to kahit kailan!

“Hi” tipid na bati ni Zelo at tsaka ako binalingan.

“Tapos ka na bang mag-enroll?” he asked. I nodded.

Sa limang buwan na nagdaan ay masasabi kong naka-move on na rin sa akin si Zelo. At siempre doon pa rin ako sa apartment nila nag-stay. Tinulungan nga niya akong ayusin yung mga gamit ko kahapon eh, actually madalas niya akong tulungan. Friends na rin kami ngayon, at madalas niya akong kwentuhan tungkol sa kanila ni Kate. Friends na rin kasi sila nung babaeng yun at madalas silang mag-usap sa chat, Skype o ano pang social network na pwede nilang gamitin sa pag-uusap dahil hanggang ngayon ay nasa kabilang mundo pa si Kate. Successful ang naging operation sa kanya at fully recovered na siya, doon na lang daw muna sila mananatili ng pamilya niya for personal matters. Actually lagi rin naman akong kinakausap ni Kate, masasabi ko na close friend ko na siya, kaya nga alam ko na rin ang mga kaganapan sa buhay niya.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now