Chapter 5

11K 226 9
                                    

Chapter 5

-Pink’s POV-

Maaga akong umalis ng dorm para maiwasan ko si Zelo, ayoko kasing masira yung mood ko dahil ngayon halos ang first day ko bilang college student actually iniiwasan ko naman talaga siya lagi nitong mga nakaraan. Natext ko na rin si Shanghai para maaga din siyang pumunta sa University, nakakatuwa nga kasi hindi ako magiging loner pagpasok ko dito, nakakatuwa nga kasi nagkaroon agad ako ng friend.

Andito ako ngayon sa may garden ng University, konti pa lang ang mga tao dito at mostly wala pang nag-uusap, kasalukuyan akong naglilibot-libot ngayon dito habang nainom ng Cold Milo, hindi kasi ako kumain sa dorm kanina dahil alam niyo na… so yun dito na lang ako kakain. Napapikit ako sandali at dinama yung hangin, napangiti naman ako kasi ang sarap lang sa pakiramdam dagdag mo pa na ang ganda ng view, ang dami kasing bulaklak at mga puno, ang sarap lang gawing tambayan.

Pero bakit kasi ang tagal pa ni Shang eh, kakaalis lang daw nila ng bahay nila. Medyo loner pa tuloy yung peg ko ngayon. Ipinagpatuloy ko na lang yung pag-inom ko ng cold milo ng may biglang humawak na malaking kamay sa kanang balikat ko… napaharap ako sa likod ng

“Miss may tatanong sa—“

Nanlula ako ng matapon sa damit niya yung cold milo na iniinom ko, natigilan din naman siya sa pagsasalita.

“Sht!” sigaw niya

“Oh my ghad, I’m sorry po kuya!”

Kinuha ko agad yung panyo sa bulsa ko at pinunas dun sa damit niya na mamahalin pero wala namang nangyayari, basang basa eh.

“Aish! Itigil mo nga yan Miss, wala na rin namang mangyayari eh!”

Hinawakan niya yung kamay ko na may hawak na panyo, napatingin naman ako sa kanya at kailangan ko pa talagang tumingala dahil ang tangkad niya. Halata mo na badtrip siya dahil sa nangyari.

“Sorry po talaga kuya, di ko po sinasadya, di ko naman alam na matatapon sayo yung Milo eh”

Yumuko ako nung sabihin ko yun, grabe naman kasi tong si Kuya eh!

“Oo na, tngina naman eh, walang mapapala yang sorry mo. Mabuti pa sumama ka na lang sakin, pinagtitinginan na tayo oh!”

Napatingala ako at napatingin sa paligid ko, oo nga pinagtitinginan na kami, siopao naman tong si Kuya eh minura pa ako. Walanghiya siya, pasalamat siya gwapo siya! Oo gwapo si Kuya, hawig nga niya si Park Chanyeol eh…

“San naman tayo pupunta?”

Tanong ko sa kanya, tinignan naman niya ako ng masama, grabe to nagtatanong lang naman ako eh!

“Sa impyerno, takte naman oh! Malamang tutulungan mo akong ayusin to!”

This time parang naiinis na ako sa kanya, panong hindi kami pagtitinginan eh sinisigawan niya ako, loko pala to eh!

“Sorry naman di ba? Psh”

Hinawakan niya yung wrist ko at hinatak ako paalis dito sa garden. As in hatak talaga, madayang buhay naman o! Ang tangkad tangkad niya kaya tapos ang lalaki pa ng steps niya tapos ako grabe para akong kinakaladkad!

“Kuya naman, baka pwedeng wag mo akong hatakin di ba?!”                                             

Argh! Lalo kaming pinagtitinginan ng mga tao eh, pinipilit kong matanggal yung pagkakahawak niya sakin pero walang epekto. Grabe siya! Narealize ko na nasa parking lot na pala kami nung University kaya nagulat na lang ako at nagsimulang magpanic.

Forgetting HimDär berättelser lever. Upptäck nu