Chapter 16

7.2K 184 4
                                    

Chapter 16

-Pink’s POV-

 

Hindi makapaniwala kong tinignan si Dudong, habang kinakain niya ang pagkain binigay ni Zelo. Nagulat na lang kami nung bigla niyang kunin sa desk ko yung Tupperware at sinumulang kainin yung laman neto.

“Grabe, hindi naman masarap tong pagkaing binigay sa’yo, siguro kung di lang ako gutom itatapon ko na lang tong pagkain na’to” komento niya sa pagkaing halos maubos na niya.

Napataas na lang ako ng kilay sa sinasabi niya at tsaka kumagat ulit sa cheeseburger na bigay niya. No choice naman ako dahil heto na lang yung pagkaing natitira sa’kin, at nakakahiya naman kung hindi ko kakainin dahil kanina niya pa ako tinitignan pati na rin yung pagkaing bigay niya.

“Hindi masarap eh halos maubos mo na nga yan!” singhal ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at hindi talaga ako makapaniwala na ang dami pang lamang kanin ng bibig niya, parang bata lang.

“Eh sha gutom ako eh!” sabi niya habang nandun pa rin yung laman ng bibig niya, napailing na lang at hindi mapigilang hindi matawa sa inaasal niya. Hindi ko talaga maintindihan ang isang to, minsan seryoso pero madalas parang inosenteng batang pakalat-kalat. May topak ata tong isang to eh!

“Pwede naman kasing lunukin mo muna lahat ng nasa bibig mo bago magsalita di ba?” sabi ko sa kanya sabay abot ng tubig ko sa kanya. Buti na lang pala’t may baon ako, dahil hindi na ako magtataka kung bigla na lang siyang mabulunan.

“Ibibigay mo sa’kin to girl friend?” aniya at agad na tinanggap yung bote ko na may lamang tubig “Indirect kiss to eh, kapag nagkataon ikaw ang first kiss ko” sabi niya na ikinagulat ko.

“Langya ka! Wag kang mag-alala di ko pa iniinuman yan,” sabi ko which is totoo naman, hindi ko pa nagagalaw yung tubig na yun,

“Talaga? Sayang naman” sabi niya at tsaka naghiwa ng chicken fillet, grabe hindi naman halatang gutom na gutom siya no? Ang laki kasi nung hiniwa niya eh, sugapa sa ulam yung Dudong niyo.

Inirapan ko na lang siya at kinuha yung Chuckie tsaka sinipsip.

“Girl friend?” tawag niya sa’kin kaya naman napalingon ako sa kanya at pagkabukas ko ng bibig ko para magtanong sa kanya nung bigla niyang sinubo sa’kin yung kutsarang may laman nung hiniwa niya na Chicken Fillet.

“Hayan, para matikman mo naman yung pagkaing bigay sa’yo ng ex mo” sabi niya habang nakangising nakatingin sa akin.

Nagulat ako at hindi agad nakapagreact habang nginunguya ko yung chicken. Walangya siya! Nung nalunok ko na ay agad ko siyang tinignan ng masama. Sesermunan ko pa lang sana siya nung bigla siyang nagsalita.

“Indirect kiss” he said while smiling at me sheepishly.

Lalong nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, at talagang winagayway niya pa sa harapan ko yung kutsara ah!

“Kadiri ka!” singhal ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

“Ano masarap ba yung chicken o yung indirect kiss natin?” nang-aasar na tanong niya sa’kin, kinuha ko agad yung pinakamalapit na matigas na bagay sa’kin which is yung pencil case ko at hinagis sa kanya pero wala namang effect.

“Bwisit ka!” singhal ko sa kanya, naiinis talaga ako sa kanya grabe!

***

Tuluyan na talaga akong nainis kay Dudong, inaasar niya talaga ako kanina pa hanggang sa mga klase namin kaya hindi ako nakapag-focus sa pakikinig. Grabe, gusto ko talagang hambalusin yung lalaking yun! Puro na lang indirect kiss yung naririnig ko! Nakakarindi grabe!

Forgetting HimWhere stories live. Discover now