Chapter 18

7K 155 21
                                    

Sorry guys sa late update. Busy po akech :'( Sana maintindihan niyo. 

***

Chapter 18

-Pink’s POV-

 

“Huy girlfriend nag-almusal ka na ba?” masiglang tanong sa akin ni Dudong habang naglalakad kami.

Bakit ang saya-saya ng mood ng lalaking ito nung mga nagdaang araw? Samantalang ako sobrang sama ng aura ko? Argh! Kainis! Matanong ko kaya ‘tong Dudong na ‘to kung anong kinakain o tini-take niyang vitamins at ganito siya kasigla?

“Hindi pa ako nag-aalmusal. Bakit ililibre mo ba ako?” I asked him at napatingin sa kanya na naghahamon.

Ngumiti naman siya sa akin at tsaka ako inakbayan at inilapit pa lalo sa kanya. Pilit ko namang tinatanggal yung pagkaka-akbay niya dahil pinatitinginan kami ng mga tao. Grabe! Wala bang hiya sa balat tong lalaking to?

“Kiss mo ko girlfriend libre kita!” halos pasigaw niya na sabi kaya naman nanlaki ang mga mata ko at bigla siyang sinikuhan. Langyang ‘to! Naghahanap ata ‘to ng issue eh!

“Aray naman girlfriend! Ang aga-aga sinasaktan mo ko” sabi niya at nag-pout pa ang loko. Langya talaga tong lalaking to eh!

“Hoy tigilan mo yang kalandian mo ha?” saway ko sa kanya at pinakita ko pa yung kamao ko. “Nakikita mo ‘to? Tatama sa mukha mo ‘to kapag hindi ka pa tumgil” sabi ko at sinamaan siya ng tingin at ibinalik ko na lang yung tingin ko sa daan.

I sighed and rolled my eyes. Grabe, alam niyo yung feeling na kahit gusto kong magtaray at magmaldita sa lalaking ‘to ay hindi ko magawa? Parang gusto ko pang ngumiti sa inaasta niya eh! Kakaloka talaga!

“Girlfriend naman, ano bang meron sa’yo at ang sungit mo nitong mga nakaraang araw? Paano na lang natin magagawa yung project natin kung ganyan ka kasungit?” aniya at nagpacute pa ang mokong.

“Wala! Wala ka na dun!” singhal ko sa kanya.

Sa totoo lang ang dahilan talaga kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kahayupang ginawa sa akin nung Zelo na yun! Bwisit talaga yun! Ang kapal ng mukha niyang halikan ako! Okay, hindi naman sa hindi niya pa ako nahalikan pero putek wala ng kami! At yung mga sinabi niya? Bwisit na yun! Pakiramdam ko he’s making me fall on a trap. Na once I fall into that trap ay hindi ko na alam kung paano pa makakalabas doon. And I don’t want to fall into that trap! Yung hinayupak na yun! Basta dahil sa kanya bwisit na bwisit ako! Idagdag mo pa na lagi niya akong kinakausap at lagi ko pa siyang nakikita sa bahay? Argh! I’m fighting the urge to kill him. Mamaya niyan sugurin ako ni Kate at patayin pa ako.

“Ouch naman girlfriend ah? Ano ba ang dapat kong gawin para naman hindi ka na magtaray?” tanong niya sa akin.

“Ilibre mo ako” I joked.

“Sige ba! Basta after nito hindi ka na magtataray ha?”

“Te-- teka, nagbibiro lang ako”

“Hindi basta kapag nilibre na kita hindi mo ako tatarayan. Sayang tong gagawin natin eh, minsan na nga lang kita masolo sa mga lakad, magtataray ka pa” seryosong sabi niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay rumagasa na naman ang abnormal na tibok ng puso. Shet?

Para mabalewala ang nararamdaman ko ay hinampas ko siya sa braso ng malakas. Umiiral na naman ata ang kalandian ng isang to eh!

“Tigilan mo ko Dudong ha? Kundi bubugbugin talaga kita!” pagbabanta ko sa kanya.

Forgetting HimWhere stories live. Discover now