Chapter 4: Viral

143 2 1
                                    

Nakalipas na ang buong tanghali at walang reply sa akin si Anne mula sa Si-nend ko na mga messages sa kanya.
Maliban sa "👍" kada message ko ay ganun ang nirereply niya sa akin.

Walang akong gagawin sa araw na ito, kahit lunes na lunes. Bukod sa bakasyon na saksakan ng boring!
Bakit di ko kaya tawagan ang manager namin na si Sr. Ashton?
Para sabihin ang tungkol sa sinabi ni Papa kagabi. At malakas pa rin laban ko na hinding hindi magyayari ang mga sinabing yun ni Papa. Hindi yun pwedeng magyari!

"Hello Sir Ashton?"

Sabi ko.

"Oh! Napatawag ka Richmond! May gusto ka bang sabihin sa akin. Lalo na yung nagyari kagabi?!"

Nagulat ako sa sinabi niya dahil alam na niya ang nagyari kagabi! At hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon! Kaya tuloy hindi ako nakapagsalita sa kanya...

"Ah, Alam niyo na po pala..."

Sabi ko na lang ng mahina...

"Oo! Iyan oh! Nasa Social Media! Na napaaway si Alvin sa Bar na pinutahan niyo kagabi! Usap usapan kayo ngayon sa Net!"

Galit na sinabi niya sa akin, na ikanagulat ko.

"Ah... Eh... Ganun po ba, Ayos! Hehe."

"Anong Ayos doon?! Dinumihan niyo ang pangalan ng Grupo niyo! Tinawagan ko na sina Xander, Matthew, Si Reyven at si Alvin pero hindi sila sumasagot! Tatawagan na sana kita eh! Kaso naunahan mo ko!"

"Chill lang po kayo Sir, Hehe..."

"Chill?! Paano ako magiging Chill kung umagang umaga pa lang ito na ang bumungad sa akin!"

Bakit kase kagigising lang Nag-cecellphone agad kayo...

"Ano?!!!"

"Anong ano po?"

"Anong paliwanang ang gagawin niyo sa akin tungkol dito?!"

"Ahm, dahil nga po sa nagyari kagabi. Pinagalitan po ako ni Papa-"

"Buti nga yun sa iyo!"

"Wait lang Sir! Patapusin niyo muna ako! Kase, sabi ni Papa, papaalisin niya na ako sa FIVEtastic dahil sa nagawa ko kagabi."

"Buti rin yan! Huh?! Ano?!, Paalisin ka niya sa FIVEtastics?!"

Yun nawala bigla ang pagka-beastmode niya!

"Opo, Sir tulungan niyo po ako ohh... Na Huwag akong maalis sa FIVEtastics! At alam ko naman po na hindi pwede iyon!"

Paghihingi ko ng tulong sa kanya.

"Oh, Sige sige! Gagawan ko yan ng paraan! Makikipag-usap ako sa Dad mo, ASAP!"

"Sige po, Sir! Thank you po, Bye."

Pumunta ako sa kusina.
Kung nasaan lungaan ng mga tsismosang mga kasambahay namin. Minsan. Nang kukumpulan ang mga tatlong kasambahay namin doon. Isa sa kanila ang may hawak ng Cellphone. At doon nila pinapanood ang video namin. Kung saan naririning ko pa doon ang mga boses namin. At ang boses kong inaawat si Alvin. At pinag-uusapan nila iyon. Puro di magaganda ang mga sinasabi nila sa amin.
Nag Viral na nga talaga ang Video namin! Pumunta ako sa sala. At binuksan ang Cellphone ko at nag- open ng FB. At nakita ko nga ang video namin doon. Kung saan napa away si Alvin kagabi sa bar na pinuntahan namin. Hiyang hiya ako ng makita ko yun.
Biglang nag-videocall sa akin ang best friend kong si Ben. At sinagot ko naman siya.

"Richmond!"

"Oo alam ko na sasabihin mo... Richmond nasa bar ka ba? Richmond nakainom ka ba? Richmond bakit kayo napaaway?!"

One Call AwayWhere stories live. Discover now