Chapter 30: Pagdating

52 3 0
                                    

Fr. Juarez

Kinabukasan...

Maaga akong pumunta ng NAIA terminal 2 para sunduin ang pinakamamahal kong kapatid na si Teresita na galing Australia.
Pinag-aral at dinala ng isa kong tiyo si Teresita sa Australia. Kung saan rin nakatira at nakaahon ang tiyo ko na iyon, sa buhay. At mula rin noon doon na rin tumira hanggang sa nagtrabaho si Teresita.
Pero umu-uwi rin siya dito para dalawin ako...
Ah toh na! May tumatawag sa Cellphone ko. Mukhang si Teresita na yata ito...

"Hello?"

Sagot ko nang biglang...

"Kuya!!!"

...Nagulat ako at halos mabingi, dahil sa lakas ng Boses ng tumawag!
Ang kapatid ko nga talaga to si Teresita! Ang kapatid kong malaki ang bunganga!

"Kuya! Nasaan ka na ba?! Nandito na ako sa Airport ngayon?!"

Sabi niya na kina-excite ko.

"Ayos kung ganun! Nandito na rin ako sa Airport!"

Ineexcite kong sinabi...

"Ano?!!! Nasaan ka?? Di kita makita! Nilibot ko na yung buong airport!!!"

Grabeh naman, nalibot na niya agad...

"Nsaan ka ba kase nasa NAIA terminal 2 ako eh!"

"Anong... Kuya naman eh! Wala naman kase ako diyan ehh! Nasa terminal 3 ako eh!!! Ay nako!"

Sabi ni Teresita na lubos ko namang ikinagulat...

"Di nga?! Ganun ba?, Nandiyan ka na ba ngayon?"

"Nako, WALA! Ano ba Kuya! Sunduin mo na lang kami dito, ngayon na! Dali!"

May inis niyang sagot sa akin...

At dahil akala ko nandito siya nasa kabilang airport pala siya dumating. Haysst...
Inahanda ko na rin ang sarili ko para makita siya. At paghandaan ang mga dala niyang mga pasalubong!

Pagkadating sa Terminal 3...

Agad ko namang nakita doon si Teresita na hindi na halos makapakali at makapaghintay sa kinakatayuan niya. Na magarbo ang pananamit at may maraming mga bagahe...
Pag maraming bagahe, marami ring pasalubong!
Pero di siya nag-iisa dahil may kasama siya...
May kasama siya na kinagulat ko, at kinakaba at nagpabilis ng puso ko bigla.
Parte siya ng nakaraan ko...
Bakit kasama niya ang kapatid ko na may dala ring bagahe...
Ah, naalala ko na, minsan na rin siyang tinulungan at nakilala ni Teresita dahil na rin sa akin.

Agad ko na lang silang nilapitan,
At nang makita ako...

"Salamat sa Diyos nandito ka na Kuya!... Ang tagal mo kaya! Tapos, nagkamali ka pa ng terminal kung saan kami susunduin, Hmmp! Alam mo namang ang layo layo ng pinangalingan namin diba?!!!"

At iyon, bukod sa malaki ang bunganga ng kapatid ko wala pa itong preno... Hay, kaya mabuti na lang na lumaki siyang Matandang Dalaga.
Kaya naman, habang nagbubunganga siya doon kinuha ko na ang ilang mga bagahe nila at dinala sa Sasakyan...
Medyo naiilang lang ako sa kasama niya ngayon.

"Huh Pasensya na talaga Teresita, matanda na kase ang Kuyapari mo..."

Pagpapaumanhin ko sa kanya...

"Ay nako Kuya Father! Walaaa! Sabihin mo lang kase ayaw mo akong sunduin. Ayaw mo akong makasama. Ganyan ka naman eh!!"

May pagtataray niyang sinabi...

Noong bata pa kami hindi kami madalas na nagkakasundo ng kapatid kong ito. Bangkus, ay lagi pa kaming nag-aaway. Para kaming mga Aso't pusa kung mag-away. Lalo sa mga maliliit na bagay na pinapalaki pa namin...
Minsan kahit sa mga maliit naming
pag-aalitan ay mayroon akong malaking pinaghuhugutan sa kanya...
At iyon ay minsan'y ingit, inis o irita sa kanya. Dahil sa mas paborito pa nila siya kaysa sa akin.
Pero sa paglipas ng mga panahon unti unti ring nababawasan ang galit at ingit ko sa kanya, mula rin noong pumasok ako sa Seminaryo.

One Call AwayWhere stories live. Discover now