Chapter 11: Bon Fire

82 1 0
                                    

Malakas at mabilis kumain si Kenneth ng Pansit. Habang ako mabagal. Dahil iniisip ko pa rin ang pagkatalo sa laro kanina.

"Nice game kuya!"

Sabi sa akin ng tumabing lalake sa akin na kumakain rin.
At hindi lang yun ang unang beses na lumapit siya sa akin. Kase ka-groupo ko siya at siya rin ang nag-abot ng Cellphone ko kanina. At isa rin siya sa mga nakalaban namin sa laro.

"Ano nga ulit pangalan mo kuya?"

Tanong niya sa akin.

Nagulat ako na hindi niya ako kilala.

"Alam mo naman kung ano eh."

Sabi ko sa kanya.

Sabay may tumabi sa kanyang isang lalake na kumakain rin.

"Hindi eh! Ikaw kilala mo ba siya?"

Sabi niya sa akin tapos tinanong niya rin yun sa katabi niya.

"Hindi rin eh! Pero bakit maraming nakakakilala at lumalapit sa iyo? Para kang Artista?"

Sabi ng lalaking katabi ng lalaking katabi ko.

"Ako si Richmond, Richmond Alvarez Ricafort. Hindi niyo talaga ako kilala?"

Sabi ko sa kanila.

"Hmmm... Parang naririning ko yung pangalan mo?"

Sabi ng isa.

Baka nga hindi nila ako kilala...

"Ahm, Miyembro ako ng FIVEtastics."

Sabi ko sa kanila.

"Hmm... Parang naririning ko yun minsan."

Sabi ng katabi ko.

"Hindi kase ako masyadong nanonood ng TV o nag-cocomputer ehh."

Sabi ng katabi niya.

"Ah, ganun ba?"

Sabi ko sa kanya.

"Ano ba mga pangalan niyo?"

Sabi ko sabay tingin sa mga ID nila.

"Ako si Kevin, Kevin Mendez po kuya! Taga-Antipolo."

Pakilala niya sa akin.

"Ako, si Arnold Romancon taga-Baguio!"

Pakilala rin ng katabi niya.

"Ah, Ako ulit si Richmond Ricafort, Rich for short. 18 na ako at second year College na ako. At taga-Parañaque City lang. At yun miyebro nga ako ng isa sa mga sikat na boy group ngayon ang FIVEtastics.
Nice to meet you, sa inyong dalawa!"

Pagpapakilala ko sa kanila.

Biglang inannounce ng isang brother na dalian ang pagkain at mag-shoshower na. Kaya hindi ko na pa binagalan ang pagkain ko at binilisan ko na agad.

Pagkatapos kumain...

Pumunta na ako sa kwarto namin para kunin yung mga gagamitin namin na panligo at damit.
Saka pumunta na ng CR para mag-showers.
Pagkadating ko sa CR...
Puno na lahat ng Shower yung iba naghihintay para maka-shower.
Tapos pinapauna pa nila ako.
At nang may isang tapos nang mag-shower. Pinapasok na nila ako doon. Kahit may naghihintay sa puwesto na yun. Ako na raw muna ang mauna.
Edi pumasok na ako at nag-shower na.

Pagkatapos...

Bumaba na kami sa ibaba at misa raw ang susunod, sinamahan ako ni Kenneth. Papunta na kami sa Chapel pero tumawag sa akin si Nay Marci...

"Nay Marci bakit po?"

Sagot ko.

"Ahm, pinapatawag lang kase ako ng mga magulang mo sa'yo para kamustahin ka? Ano ayos ka lang ba diyan?"

One Call AwayWhere stories live. Discover now