Chapter 39: Awa at Pagkakataon

41 0 0
                                    


"Bakit ganun? Hindi na ba talaga maiiwasan na may magalit sa akin dahil lang sa sinunod ko Siya?"

Tanong ko kay Reyven habang bumibili kami sa isang Burger Shop.

"Baka, kasama iyon sa mga plano ng Diyos. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na lahat ay may dahilan."

Sagot ni Reyven sa akin.

"Mas mabuti siguro kung dalawin natin si Matthew ngayon."

Alok ko kay Reyven.

Pumayag si Reyven sa naisip kong alok at pinuntahan namin ang ospital kung saan naka-konfine si Matthew.
At nanatili pa rin siyang binabantayan at walang malay. At patuloy na ginagamot. At ginagastusan ng kanilang amain...

"Siguro, pati ang nangyari sa atin ay may dahilan. Lalo na sa nangyari ngayon kay Matthew."

Sabi ni Reyven habang pinagmamasdan namin ang nakahingang si Matthew sa loob ng kwarto niya sa Ospital.

Nakikita kong nagpapakatatag at lumalaban si Matthew sa kalagayan niya. At sana nga bumangon na siya diyan. Hindi ko ring maiwasan na isipin ang kalagayan niya. Kami ayos na. Pero siya at ni Andrew hindi pa.

Siguro nga may dahilan. At darating rin ang araw na malalampasan na itong lahat. At magiging maayos na ulit ang lahat. Dahil alam kong may dahilan pa ang Diyos para maalis sila sa sitwasyong ito. At may pag-asa ako na magkakatotoo iyon!

Habang pinagmamasdan namin si Matthew. Marami kaming biglang naalala sa kanya. Tulad na lamang nang biruin namin silang mga patay na habang natutulong silang dalawa ni Reyven doon sa pinag-woworkshopan namin.
Masayang kasama si Matthew, kahit may pagka-maseryoso at may pagkamisteryoso minsan.
Gusto niya na kailangan maging professional ka sa lahat ng bagay. Dapat lagi kaming seryoso sa mga ginagawa namin.  Noong pumasok ako sa FIVEtastics. Siya ang tumulong at ang nagturo sa akin nang tamang kilos at postura sa mga gagawin namin. Tulad sa pag-sayaw at sa pag-kanta kahit sa pag-porma. Tinuruan niya pa nga akong lumakad ng maangas at kung paano magkakaroon ng dating sa mga tao. Kahit hindi ako sanay noon. Kaya ngayon, kalimitan akong napapagkamalang astigin, "Bad boy", Gangster, At iba pa. Kahit hindi naman...
‎Kung titignan...
‎ Siya ang may dahilan para magkaroon ako ng patutunguhan dito.

"Maraming naitulong sa atin si Matthew. Siya nga lagi ang nagcocompose ng mga kanta natin."

Sabi ko.

"He is the only Brother I had. Parang hindi ako kumpleto pag wala siya. Parang kulang ako pag wala ang kapatid ko."

Sabi ni Reyven.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo."

"Tama ka, iba ang pakiramdam pag nakikita mo ang pinakamamahal mong kapatid dito. Iba! Parang ngayon ko lang nakikita ang realidad. Dati kase yung buhay parang wala lang. Parang enjoy lang lahat wala kang iisipin hanggang sa ito."

"Kung alam ko lang ang pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid."

"Ano ba Richmond, kapatid ang turing namin sa iyo ni Matthew. Lalo na sa FIVEtastics." 

"Pero paano na yan ngayon? Wala nang FIVEtastics!"

"Hindi na mahalaga iyon para sa akin. Ang nagkakakilala at ang nagtuturingan tayong magkakapatid dahil doon ay sapat na sa akin."

Tila may pagkamasayang sinabi ni Reyven hanggang sa pumasok sa kwarto si Tito Henry...

"Nandito pala kayo..."

Sabi niya habang nilapitan namin siya para alalayan siya.

"Anong ginagawa mo dito Richmond?"

Tanong niya.

One Call AwayWhere stories live. Discover now