Chapter 33: The Discernment

68 2 0
                                    

Richmond

Bakit?!

Bakit hindi ko magawa na iwan siya? Kaya ko pa yatang isuko ang lahat pero si Anne? Si Anne!
Mukhang hindi ko siya kayang isuko ng basta basta! Mukhang hindi ko alam kong Paano?
Ano ba ang gusto ng Diyos sa akin? Huh... Hindi ko alam... I Think God want More...

Umagang umagang iyon ng may tumunong at may tumatawag sa Cellphone ko...
Si Daphne lang pala iyon...

"Hello?"

"Richmond!"

"Daphne, Napatawag ka, bakit?"

"Pwede bang mag-usap tayo ngayon??"

"Bakit??"

"Basta! Gusto kitang maka-usap ngayon!"

"Oh, Sige saan tayo magkikita?"

"Ano ang pinakamalapit na resturant sa inyo?"

"Sige, sasabihin ko na lang sayo kung saan yung pinakamalapit na resturant dito sa amin..."

... Kikitain ako ni Daphne ngayon.
Sa isang Resturant diyan, malapit Huh!... Pinagbigyan ko na lamang si Daphne para malinaw ko na sa kanya lahat. At para maging malinaw na rin pati sa sarili at kalooban ko.
Nanalangin ako sa Panginoon na gabayan nawa ako sa kahit ano mang mga gagawin at sa pagdidisisyon ko...

Nang tanghaling iyon...
Pumunta agad ako sa pinagkasundo naming lugar na kikitaan namin ni Daphne. Pagdating ko hinintay ko pa siya ng ilang saglit. Hanggang sa dumating siya. At agad na naming sinimulan ang pag-uusap namin doon.

"Richmond, grabeh parang lumalakas ka ngayon..."

Sabi ni Daphne sa akin habang hinahawakan ang braso at kamay ko...

"...At parang nagiging masaya ka naman sa gitna ng mga pinagdadaanan nating mga problema dito?! May balak ka pa ba sa project natin? Ilang linggo na ang nakalipas mula ng sabihin mong pag-iisipan mo!"

Dagdag pa niya.

". Daphne sa Katunayan kase..."

... At tila biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari ilang linggo na ang nakalipas...

FLASHBACK...

Pinakaisupan ako ni Sr. Ashton na pumunta sa kina-Woworkshop namin sa QC. Dahil nagpatawag siya ng isang meeting sa lahat ng mga stuff at mga kasama sa project naming mga FIVEtastics.

Pagkarating ko roon nandoon ang halos lahat ng mga stuff, mula sa mga Productions at iba pa. Naroon rin ang director, si Sr. Ashton, si Daphne at si Alvin. Naabutan ko silang nagsisimula nang mag-usap. At hindi maayos ang namataan kong pag-uusap doon. Halos nagkakataasan na ng boses. Na para bang nasa bundok ang kausap ng halos nahati na kabilang panig. At halos hindi na pag-uusap iyon kung hindi isa nang debate!
Pinagtatalunan nila ang gagawin naming project. At ang lahat doon ay hindi nagkakasundo sa pinag-uusapn nila.

Tahimik lang kaming tatlo roon nila Daphne at ni Alvin. Na halos na isang sulok lang kami doon.
Habang si Sr. Ashton ay malakas na nakikipagtalo rin sa kanilang lahat.
May isang panig kase na nagsasabing baguhin na lamang ang mga cast sa teleserye dahil sa nangyari.
Pero may umaapela dito. At mas lalo si Sir Ashton na dinipensahan kaming lahat laban sa mga hindi sumasang-ayon sa pakikibahagi namin sa project.
Naguguluhan na ang director, dahil hindi niya alam kung sino ang susundin at kung ano ang dapat gawin. Maging kami ay hindi rin maiwasang maguluhan sa nangyayari. Dahil sa pagkakanya- kanya ng mga nandoon.
Lumalim pa ng lumalim ang usapan at halos nag-aaway na ang mga nandoon. Sa tingin ko iyon na yata ang pinaka-magulong meeting na dinaluhan ko.
Si Sir Ashton ay lalo pang napapaaway, lalo na noong halos kalahati ng mga nandoon ay sumasang-ayon na, palitan kami. Maging kami ay nangangamba at napapa-isip na rin dahil doon.
Hanggang sa...

One Call AwayWhere stories live. Discover now