Chapter 34: Persistence

46 1 0
                                    


Pinalipas ko muna ang mga araw para mapag-isa. Doon naglaan ako ng oras na ayusin at tignan ang sarili ko.
Naglalaan ako ng maraming oras para sa sarili ko. Para malaman ko kung ano ba talaga ang dapat kung gawin.
Para kausapin rin ang Diyos sa kung paano ito sisimulan...

Lagi akong kinokontact at mine-message ni Sr. Ashton sa Internet at sa Cellphone ko. Si Anne ay sinusubukang makipag-ayos sa akin pero hindi ko muna pinapansin. Maging ang kapatid niyang si Alvin ay ipinapamukha sa akin at inaaway ako sa kanyang mga salita dahil sa mga ginagawa namin at dahil sa nagawa ko bigla kay Anne. Pati ang mga magulang ko ay napapaisip na rin sa akin. Maging si Nay Marci na pilit na pinapasabi sa akin ang lahat. Pero kailangan ko muna ng oras. Oras para mag-isip at magnilay pa ang lahat. Kailangan ko rin ng malaking space para sa lahat ng gumugulo sa akin.
Nang walang dapat makahadlang sa pagninilay ko. Hanggang sa maramdaman ko ay nagkaroon na ako ng lakas loob.

Isang Araw...
Bumalik ako sa kina-woworkshopan namin. Ipinaalam ko rin kanila Alvin at kay Daphne na pupunta ako doon.
At nandoon nga sila Sr. Ashton, Si Daphne, at si Alvin.  Hindi ako kinikibuan nila Daphne pati ni Alvin. Pero alam kong  galit sila sa akin. Lalo't si Sr Ashton na binulyawan pa ako.

Hanggang sa sinabi ko sa kanila,
ang pagreretiro ko.
‎Pagreretiro ko mula sa trabahong ito!
Isang hakbang para isuko na pati ito, alang alang sa pinili kong pagsunod at pagtugon sa tawag ng Diyos.
Nagulat silang lahat na nandoon at lalo pang nagalit sa akin si Sr. Ashton na may tanong na Bakit?
Kinausap ako ni Sir Ashton ng pribado nang sabihin ko sa kanila ang pagreretiro ko...

"Ano ito Richmond?! Anong ibig sabihin nito?!"

May galit niyang itanong sa akin.

"I have already made my choice. May balak po akong sumunod sa Diyos. At ang isuko na ang lahat ng ito. Alam kong hindi niyo ito maiintindihan."

Sagot ko sa kanya ng buong lakas loob.

"Talagang hindi! Ano ba kase itong pinagsasabi mo?!"

"Ang sinasabi ko lang po ay nakapili na ako na baguhin ang buhay ko ngayon. At pinili ko ang buhay kasama ang Panginoon nang buong sarili ko."

"Are you out of your mind?! Basta basta mo na lang isusuko itong lahat dahil diyan?!, Isa itong kabaliwan!"

"Maybe I'm out of my Mind sir. But if only kung nauunawaan niyo ang lahat lahat... Pero walang sino man yata ang makakaunawa sa Diyos pag siya ang gumalaw sa buhay ng bawat isa sa atin."

"I hate this Conversation! Hindi ka ito Richmond! Imulat mo ang sarili mo! Huwag mong isipin ang mga bagay na ito!Nasisiraan ka na ba ng bait?!"

"Seryoso po ako dito!.At Ito na po ako ngayon. Final na po ang desisyon ko, iusuko ko na po ang pagiging Sikat! Maraming salamat po sa lahat ng mga ipinakita nito sa buhay ko, at dahil po iyon sa inyo. Pero napagtanto ko na may iba pang bagay na gusto ako dalhin ng Diyos. Sana maunawaan niyo po iyon."

"I am not Agree with it! Hindi ako pipirma at lalo't hindi ko ito hahayaan!"

"Pero ito po ang kagustuhan ko. Kahit hadlangan niyo po iyon. Wala na pong makakapang bago nun."

Sobra talagang nagagalit si Sir Ashton sa akin. Tinangap ko lahat ng mga masasakit na salita na galing sa kanya. Tiniis ko iyon at hinayaan ko na lang ang lahat sa Diyos. Alam kong ginagabayan niya ako ngayon...
At kahit ano pang gawing pagtutol dito ni Sir Ashton hindi na ito mababago pa. Kahit ikagalit pa niya at ikagalit pa ng iba. Paano kung ginagawa ko ito bilang pagsunod ko sa Diyos??
May mga tumangap at hindi ng pagretiro ko. Pero wala na akong pake sa mangyayari pa sa ginawa ko! Kahit ikasira nito ang lahat ng nasimulan ko! Wala na akong pake! Ang mahalaga alam kong kasama ko ang Diyos. At alam ko na susunod lang ako sa Kanya.

Kinalaunan...

Pagkauwi ko sa bahay namin, nalaman na pala ni Papa ang lahat mula kay Sr. Ashton kung ano ang napag-usapan namin.

"Bakit mo iyon ginawa Richmond?" 

Masinsinang itinanong sa akin ni Dad habang kumakain kami nun ng hapunan.

"Dahil, nakapag-disisyon na po ako sa kung ano ang dapat ko talagang gawin."

"Pero, bakit mo ito dapat gawin? May hindi ka ba nasasabi sa amin Richmond?" 

Tanong sa akin ni Mama.

"Ma, Pa,.. Alam kong magugulat kayo sa sasabihin ko. At alam ko pong hindi kayo maniniwala dito. Gusto ko pong iaalay ang sarili ko sa Diyos!"

"Ano?!"

Sabi ni Dad na may pagkabigla.

"Ano ang ibig mong sabihin anak?"

Sabi naman ni Mama

Alam kong hindi nila iyon mauunawaan. Lalo't ngayon ko pa lang ito sinabi sa kanila. Lakas loob ko pa ring sinabi sa kanila ang lahat ng ibig kong sabihin. Kahit alam kong mahihirapan silang paniwalaan ako...

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak?"

Tanong ni Mama sa akin.

"Richmond, Hindi ka dapat basta basta mag-iisip ng ganyan. May kailangan pa tayong pag-usapan nila Sir Ashton. At tigilan mo nga iyan Richmond! Ano bang alam mo tungkol sa Buhay, Sa Diyos, at kung ano ano pa! Hindi nakakatulong ang mga iyon! Dapat naka-focus ka sa kung ano ang realidad! Kung ano ka ngayon! Doon mo ibigay ang atensyon mo! Hindi sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay!"

Sabi naman ni Papa.

"Pero Pa, iyon po ang realidad. Kailangan niyo pong buksan ang isipan niyo."

"Tumigil ka Richmond! Walang magandang idudulot sayo ang pag-iisip ng mga ganyang bagay! Sa mga walang kabuluhang mga bagay!"

Sabi niya.

"Pero Pa..."

"Walang pero pero, sinusunod lang namin kung ano ang mas nakakabuti sa iyo anak, at ito ang nakakabuti at para sa iyo!"

Sabi ni Dad.

Pero paano kung nakakabuti na sundin ang tawag ng Diyos? Tumahimik na lang ako at dinalangin na sana makita niya rin ang lahat.

Tapos nun...
Kinausap ako ni Nay Marci at tinanong ang mga napag-usapan namin ng mga magulang ko sa mesa.
Bahagya niya kaseng narining iyon lahat. At gusto niya akong bigyan ng payo...

"Ano ba ang nangyayari Richmond? Bakit parang iba ka?"

Tanong ni Nay Marci sa akin.

"Hindi po ako nagbago, at wala rin pong nangyayari sa akin. Nagkaroon lang ako ng maraming iniisip tungkol sa buhay ko. Marami akong mga realizations na sadya yatang ipinapakita at ipinapadama ng Diyos sa akin."

"Ano ba kase iyon Richmond? Alam mo pag nagsasalita ka ng ganyan hindi na kita maintindihan?"

"Nay Marci gusto kong ibigay ang sarili ko sa Panginoon. Dahil nararamdaman ko iyon. At gusto kong tumungon sa kung ano man iyon."

"Ano ang ibig mong sabihin?? Gusto mo bang magpari, o ano?!"

Medyo itinango ko na lang ang ulo ko.

"Kung iyon talaga ang gusto niya, susunod ako..."

"Pero hindi pa rin natin masasabi. Hindi madali ang sumunod sa Diyos. Lalo na ang pagpapari. May kasabihan na Manny were Called, but few were Choosen. Kaya hindi pa rin natin malalaman kung para saan ka talaga. Pero sa kabilang banda baka tinawag ka nga ng Diyos para sumunod sa kanya."

Sabi ni Nay Marci sa akin.

Tama si Nay Marci. Buti na lang at parang may nakakaintindi sa mga nangyayari sa akin. Kaya patuloy pa rin ang akong mananalangin at patuloy akong susunod sa Diyos at sa nararamdaman ko.
Pero sa ngayon marami pa akong dapat gawin para unti unting matupad ang nais kong pagsunod sa Diyos. At tumungon sa nararamdaman tawag na tutugunin ko sa Kanya.

...

Shalom!

One Call AwayWhere stories live. Discover now