Chapter 18: Ang Paglisan

64 2 0
                                    

Richmond

Kinabukasan...

Nagising ako agad, tapos naligo at nagligpit na ng mga gamit.
Pagkatapos nun, pumunta kami ng chapel para sa aming huling Misa dito. Pero sa may part ng communion bigla na lang akong nanalangin ng kahit wala akong pinapanalangin. Basta! nararamdaman ko na kailangan kong magdasal ng mabuti.
Huh! Gusto ko nang iwasan ito!
Ang ganitong pakiramdam!
Pinipilit ko na maalis na tong pakiramdam na ito.
Pero mukhang hindi ko ito maiiwasaan. Ugh! Kailangan ko itong pigilan. Hindi! Mawawala rin ito! Hindi ito ang dapat na maramdaman ko! ‎Kailangan ko tong iwasan! ‎Alam kong magagawa ko! Kaya kong magawa yun!

Pagkatapos ng huling breakfast namin dito...

Lahat ay nasa harapan na ng seminaryo dala ang kanilang mga gamit. Kada dalawang sasakyan ay ihahatid ng mga brother sa Terminal ng Bus para ihantid ang mga Applicants.
May ibang medyo malapit lang tulad ni Kuya Albert na taga Tagaytay lang... Nag-usap usap muna kami habang naghihintay ng pagkakataong maihatid.

"Magkikita pa ba kaya tayo?"

Tanong ko sa kanila.

"Hmm, Siguro kung lahat tayo nanaising pumasok dito."

Sabi ni Kevin.

"Ako may possibilidad na magkikita tayo. kababayan lang kita eh!"

Masayang sinabi ni Kenneth.

"Makikita ka pa namin Richmond. Kaso di nga lang sa personal, kase sa TV lang o sa Internet. Kami nga lang ang hindi mo makikita. Pero dipende pa rin yun."

Sabi ni Kuya Albert.

"Hindi ko kayo makakalimutan lalo na ang mga araw ko dito pati itong lugar na ito!"

Hindi ko nga makakalimutan ang lugar na ito pati ang mga araw na nanatili ako rito. Pati na rin yung mga karanasan ko rito.
Ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko dito ang dapat kung kalimutan!

"Magpapahatid ba kayo Richmond?" 

Tanong sa akin ni Bro. Aries.

"Hindi na po siguro kaya na pong umuwi mag-isa."

"Ah sige Richmond..."

"Richmond!" tawag ni Bro. Adryl sa akin.

"Masaya ako na nakilala kita ng lubusan at dito pa sa loob ng seminaryo namin..."

"Richmond may..." -Bro. Adryl

"Sana nagustuhan mo itong..."

"Richmond, Aries may mga..."

"...Seminaryo namin at..."

"Aries! Richmond!!!..."

"Ano?!!!"

"May mga nag-aabang kay Richmond sa labas, nagpapakilalang tito niya!"

Sabi ni Bro. Adryl na ikinagulat ko.

Bakit naman ako susunduin ng tito ko.  Eh nasa Hawaii naman yung isa kong tito habang yung isa naman nasa Cebu. At paano niya nalaman na nandito ako?
Sa bagay kumalat rin naman na pumunta ako dito. 
Pero sige, dahil nandoon na rin naman sila. Sinukbit ko na ang bag ko at nagpaalam na ako sa kanila, bigla pa nila akong niyakap.

"Alam kong magkikita pa tayong lahat"

Sabi ko sa kanila.

"Syempre naman may Facebook naman eh! Iaccept mo ang friend request ko Richmond Ricafort ah!"

Sabi ni Kenneth.

"Lagi kitang panonorin at pakikingan ko yung mga kanta niyo!"

Sabi pa ni Kuya Albert.

One Call AwayWhere stories live. Discover now