Chapter 49: Fiat Voluntas Tua

64 1 0
                                    

Mag-aalas Singko na ng umaga, ng maidala si Richmond sa pinakamalapit na Ospital.
At sinusubukan siyang I-Revive...

Walang tigil sa kaiiyak si Anne pati ang Ina ni Richmond habang nakikita si Richmond sa kalagayan nito...

Maya maya lang... Pumunta muna sila sa Chapel ng Ospital para manalangin...

"Panginoon, Iligtas niyo po si Richmond... Maawa po kayo sa Kanya... Alam ko pong may misyon pa po siya dito kaya niyo po siya Tinawag... Huwag naman po sanang  ninyo siyang pababayaan...Napagkait niyo na po sya sa Akin nang Tinawag niyo siya. Huwag nyo naman po sana siyang mas ipagkait sa Akin sa ganito."

May hinagpis na idinisal ni Anne...

Samantala...

Dinala naman sa prisinto sila Sr. Ashton, Si Leomer at si Peter.

At dahil nawawala nga at pinaghahanap sila Leomer at si Peter ng kani-kanilang mga magulang. Napagbigay alam na ito ng mga sa mga magulang nila... Kaya agad rin naman nilang tinawagan ang mga magulang nila Leomer at ni Peter... At pagkalipas lang ng ilang sandali nakarating rin sa prisinto sina Bro. Aries kasama ang ina niyang si Olivia para kay Leomer. At si Geronima naman na kasama si Fr. Juarez para kay Peter.
At nang makita na nila Sila agad nila itong niyakap, Iniyakan at kinausap...

Kay Leomer kinausap siyang mabuti ni Bro. Aries...

"Ano bang ginawa mo?!... Hindi mo ba alam na pinapahamak mo ang sarili mo sa mga ginawa mo?!..."

May inis na sabi ni Aries sa kapatid niya.

Pero nanatiling tahimik si Leomer...
At dahil nalaman na rin naman ni Aries kung bakit nasa prisinto ang kapatid niya...

"Anong bang gusto nyo kay Richmond...?" 

Tanong ni Aries kay Leomer...

"Dahil sa Kanya kung bakit ako nawala... Kung bakit ako naging pariwala... Ninakawan ko ang Dad niya isang araw ng di ko alam. Kaya para hindi niya ako maipakulong may pinagawa siya sa akin... Gusto niyang sundin ko si Richmond sa mga ginagawa niya. Kaya sinunod ko yun... Pero nabigo rin Ako kinalaunan ng mahuli ako ni Richmond na sinusundan ko siya at iniutos ito ng Dad niya sa Akin... At dahil sa takot kong maipakulong ng Dad niya hindi na Ako umuwi sa inyo... Kaya... Kaya naging palaboy laboy ako at nasama sa mga sindikato... Hanggang sa mahanap Ako ni Boss, Ashton... Hinanap niya rin si Peter... Hinanap niya kami para panghigantihan si Richmond pati na rin ang pamilya niya... Dahil sinira nila ang mga buhay namin!"

"Hindi niyo dapat sisihin si Richmond sa mga nangyari sa Inyo! Hindi niya kasalanan ang mga nangyari sa mga buhay niyo!... Dahil ang dapat niyong sisihin kung bakit nasira ang mga buhay niyo ay ang mga sarili niyo!... Hindi si Richmond! Wala Siyang ginawang kasalanan! Pero dahil sa ginawa niyo sa Kanya, Nasaan siya ngayon?... Hindi dapat siya ang mapahamak para sa mga kagagawan niyo at sa mga nangyari sa Buhay niyo, Kundi Kayo!"

Samantala...

Agad naman nilapitan ni Geronima at ni Fr. Juarez si Peter. At kinausap rin...

"Anak!...Ano bang ginawa mo?... Bakit ka nandito?!... Matagal na kitang hinahanap, Tapos dito pa kita makikita!... Ano bang ginawa mo ah?!... At nasaan na ang kapatid mo?!..."

Emosyonal na sinabi ni Geronima nang makita niya si Peter ang anak niya na nakaposas...

"Bakit niyo pa Ako binalikan?... Kala ko di na kayo babalik?... Kala ko iniwan niyo na kami?!... Kala ko kinalimutan niyo na kami. Kaya kinalimutan ka na rin namin sa loob ng mahabang panahong Wala ka sa piling namin!"

Sabi naman ni Peter sa Ina niya...

"Peter, Huwag kang magsalita ng ganyan sa Nanay mo... Mahal na mahal ka niya ng kapatid mo. At hinahanap ka niya mula nung malaman namin na Wala na kayo sa Ospital kung nasaan ang kapatid mong si Andrew!"

One Call AwayWhere stories live. Discover now