Chapter 14: Sa Chapel

69 2 0
                                    

Hawak ko ang bola ng basketball at saglit ko muna itong inilapag sa lapag para maka-punas muna ako ng pawis ko.

"Uy Richmond!  Ang galing mo! Congrats ah!"

Bati sa akin ng mga kasamahan ko.

"Ang lupet mo talaga Richmond!" 

Papuri naman sa akin ni Bro. Gus.

"Picture muna picture!"

Aya ni Bro. Lawrence.

Pagkatapos...

Nasaan yung bola na nilapag ko...At nakita ko ang bola na gumugulong papunta sa Chapel.
Agad ko yung tinakbo para kunin.

Nang makarating na ako.
Dahan dahan kong kinuha ang bola mula sa lapag. At bigla kong naalala ang Papa ko. Noong bata pa ako ay nakikipaglaro siya sa akin ng basketball at parang isang beses lang yun nangyari.

Tapos, ang mga kasamahan ko sa FIVEtastics tuwing freetime namin ay lagi kaming naglalaro ng basketball.Huh, nakakamiss naman sila...

Ang mga magulang ko, ang kaibigan ko at ang mga kinaabalahan ko, si Anne. Pagkatayo ko bigla akong napaharap sa sa bukas na pintuan ng chapel. Biglang lumakas ang hangin at bigla na lang akong kinilabutan at nilamig.

Pero mas napukaw ng attensyon ko ang biglang pagtunog ng bell ng Chapel. At pakiramdam ko pinapasok ako sa loob ng chapel.

Dahan dahan akong pumasok sa chapel at umupo sa kauna unahang hilera ng mga pew. Patuloy pa rin ang pagtunog ng kampana. Habang unti unting nawawala ang liwanang ng araw. At nakadama ako ng kakaibang pakiramdam habang nakatitig ako sa Altar.

At mas bigla na lang akong kinilabutan. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito, Anong meron?
At dineretsyo ko na lang ang tingin ko sa Altar...
Sa Krus...
Sa Tabernacle...
Sa banal na Sacramento...
Kay Hesus...

Naisipan kong lumuhod
At ipikit ang mga mata at yumuko...

Nararamdaman ko na parang kinakausap ako ng Panginoon. Hindi ko man direktang alam kung ano gusto niyang sabihin. Bigla na lang bumilis ang tibok ng Puso ko. Wala akong naiisip na dasalin, sa halip...

"Panginoon, narito po ako, hahayaan ko po kayang magsalita sa akin at makikining po ako. Panginoon, Ano ba ang gusto niyong sabihin sa akin?"

At parang nakikinig Siya sa akin. At Pakiramdam ko parang nandito Siya! Hindi ko matangal ang pakiramdam na nandito Siya kasama ko! At mas maramdaman pa na nandito nga talaga Siya!
Kung sana lamang makita ko Siya, mahawakan, at maka-usap.
Parang hindi ko alam kung nasa sarili ko pa ba ako.
Parang lubos kung nadarama ang Presensya Niya!

Binalikan ko ang mga araw na nasa Koa pa ako sa aming parokya. Sa mga araw na parang masaya ko pang kasama ang pamilya ko. Noong mga araw nang makilala ko si Ben na gustong magpari. Tapos si Anne, na minahal ko. Hanggang sa nung araw na nag-date kaming dalawa sa park kung saan niya ko sinagot. Tapos nung mapasama ako sa FIVEtastics. At madiskobre ang mga kakayahan ko. At makitang nagpapasaya ako ng mga tao. At maraming humahanga sa akin. Ang pagsikat ko na parang isang malaking misteryo kung bakit narating ko yun. Ang mga kaibigang nakilala ko dahil doon. Mga taong naging malapit na sa akin at tinuri ko nang mga kapatid.

Hanggang sa napadpad ako sa lugar na ito. Sa Seminaryo. Kung saan hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasaya at ganito kakaiba ang pakiramdam ko dito. Pati ang pagkatao ko. Sino ba talaga Ako? Ano ba ang gusto ng Diyos sa akin? Saan niya nga ba ako Tinatawag?  Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit maraming tanong ang bumabalot sa isip ko? Bakit ako nagiging ligalig kapag may mga pagkakataon na kapag may nakikilala akong mga Pari, Semenarista at gustong mag-pari? Bakit nga ba sila nandito? Bakit nga ba ako nandito? Ano ba ang gusto Niyang mangyari sa buhay ko?...

One Call AwayWhere stories live. Discover now