Chapter 32: Birthday ni Anne

81 2 0
                                    

I dedicate this to decemberbackto (IG) ;)

Anne

Kinabukasan...

Isang napaka-exciting na araw ang naghihintay sa akin ngayon! At hindi lang pala sa akin. Pati na rin sa Boyfie ko pala! Sa aming dalawa! Monthsary namin tapos Birthday ko pa! Kaya gusto ko talaga ang Monthsary namin kapag May, dahil doble dobleng celebration!

Sa tingin ko magiging masaya nanaman ang araw ko. At dahil gusto kong laging pinapaalala si Richmond sa mga Monthsary namin. Lalo kapag na-eexcite ako. Mine-message ko siya sa messenger ng umagang umagang iyon! Sinadya kong maaga magising dahil excited nga ako! At ganun ako kapag excited!

"Good morming Rich boyfie ko, Happy Monthsary!"

Pagka-send ko nun...Tinawag na ako ni Mommy para mag-almusal na. Kaya bumaba na ako agad sa kanila ng may ngiti at excitement. At dumeretsyo sa mesa namin para kumain.At pagkadating ng pagkadating ko, nandoon silang lahat! Sabay sabay nila akong binati ng...

"Happy Birthday Anne!"

"Wow, Thank you! Na-surprised naman ako sa inyo, Haha..."

Sabi ko sa kanila.

Saka umupo na sa mesa para makakain na ng masarap na Almusal. Nandoon ang pancake na paborito ko! Tapos may Pritong itlog pa, Sinangang, At beans;
Napakasarap ng lahat ng ulam kaya kumain na kami. Kaso pinaalala ni Dad sa amin na magdasal muna.

Kaya iyon ang ginawa namin...

Nagpasalamat si Dad sa lahat ng pagkain... Nagpasalamat rin siya para rin sa akin. At ngayon na birthday ko... Personal ko doong ipinagdasal kaming dalawa ni Richmond. Lalo't alam ko na may mga problema siya ngayon sa career niya.

Tapos nun...
Kumain na kami ng sabay sabay... Kasama sila Mommy at si Dad pinakain niya na rin kasabay namin ang mga kasambahay namin...
Ganun kase kabait ang mga parents ko. 

Kaya, Mahal na mahal ko sila dahil mabait sila at maalalahanin sa ibang  tao. At lahat ay itinuturi nilang pamilya. Maging si Richmond, at ang iba ko pang mga kaibigan. At kahit sabihin nang mayaman kami, hindi pa rin sila nakakalimot sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Lalo na, rin ang maalala si Lord.

"Oh anak, diba monthsary niyo rin ni Richmond ngayon? Magdadate ba kayo ngayon?"

Tanong ni Mama sa akin.

"Syempre naman po Ma! Hindi mawawala iyon noh, saka si Richmond pa!"

Masaya kong sinabi sa kanila.

"Pero paalala ko lang sa iyo Anak ah, na maraming ginagawa si Richmond ngayon, Kaya, Don't excpect too much of him."

Tila paalala naman sa akin ni Dad.

Tumahimik na lang ako at kumain. Kaya ko namang intindihin si Richmond dahil iniintindi niya naman rin ako. Pero ngayong araw lang yata ako naging ganito kasaya at ka-excited! Dahil noong lumipas ang mga araw naging abala nga si Richmond sa lahat. At sa tingin ko ngayong araw na ito kami mag-bobonding ulit. Na halos araw araw pa naming ginagawa dati.
Pero maiintindihan ko naman kung bakit minsan ay kailangan naming hindi magkita o magsama ng ilang araw dahil sa mga responsibilities niya sa career at trabaho niya.

Ilang saglit lang at pumunta dito si Alvin, na bihis na bihis at may pupuntuhan nanaman. Ilang araw ko na siyang nakikitang ganun palagi.

Umupo rin siya kasama namin para kumain. At bukod sa porma niya na napapansin ko. Pansin ko rin na ilang araw na siyang mukhang beastmode at haggard na haggard. Akala mo eh matanda na itong kapatid ko sa itsura niya!
Iniisip ko na baka ganito rin lagi si Richmond...

One Call AwayWhere stories live. Discover now