Chapter 9: Sa Seminaryo

141 2 0
                                    


Ngayong Lunes.
Kung saan pupunta na ako sa Sacred Heart Seminary para sa Voc Camp. At handang handa na ako pumunta doon!
Gumisig ako ng 6AM at pumunta sa Parish Church namin, para abangan si Bro. Vincent doon. Hinintay ko siya doon sa pintuan ng Simbahan. Sa gitna ng paghihintay ko sa kanya. Nakita ko ang papalapit na naka-Short at naka-Puting T-Shirt na si Fr. Juarez, na nag-Jojoging.
Parang iniiwasan ko na mapansin niya ako. Pero baka mahalata niya iyon kung aalis ako sa kinapwepwestuhan ko.
At nang mapadaan siya sa akin. Napansin niya nga ako!

"Oh, Richmond anong ginagawa mo dito? May iniintay ka yata?"

Tanong niya sa akin.

Tumayo na lang ako at nag-mano sa kanya.

"Parang may pupuntahan ka ah?"

Tanong niya sa akin na tila napansin  niya na may pupuntahan ako.

"Ahm, Pupunta po kase ako ng Voc Camp. At hinihintay ko po si Brother Vincent para makapunta  doon."

Sabi ko. 

"Aba! Doon ba kamo sa Sacred Heart Seminary? Maganda yan Richmond may mga kasama ka ba?"

"Wala po eh, parang ako lang po."

"Sige, Ingat ka mag-enjoy ka sana doon ah."

Ilang saglit rin at dumating na ang puting sasakyan. At huminto roon mismo sa harap ng simbahan kung saan ako naghihintay. At si Brother Vincent ang nasa sasakyan. At hindi siya ang nagdridrive. Pinasakay na niya ako sa likod ng sasakyan. At may kasama pa pala sila na isang lalake sa likod, na parang kasing-edaran ko rin. May dala ring malaking backpack. At mukhang pareho rin kami ng pupuntahan. Sa pagpasok ko ng sasakyan mukhang nakakita siya ng gwapong multo! Nagkatabi kami, at iba ang titig niya sa akin. Parang hindi rin siya makapagsalita at makalapit na lang sa akin.

"Di nga?! Richmond Ricafort!"

Sabi niya ng may pag-aalinlangan.

"Sabi ko sa iyo Net eh! Ayaw mo pang maniwala sa akin!"

Sabi ni Bro. Vincent.

"Oo na Bro! Naniniwala na ako ngayon!"

Sabi ng "Net" na natutuwa.

"Richmond si Kenneth Marivelli pala yan. Sacristan yan sa Seminaryo namin. Ingat ka diyan, Siga yan eh."

May patawang pagpapakilala ni Bro. Vincent sa akin. Tapos personal kaming nagkakilala at nagkamayan.
Kahit pag sabihing "Siga" eh hiyang hiya pa rin siya sa akin. Ipinakilala rin ni Bro. Vincent ang Brother na nagmamaneho ng sasakyan, si Bro. John.
Sa gitna ng Biyahe namin, puro tanong si Kenneth tungkol sa akin. At saka rin naman tong balik ko ng ilang mga tinanong niya sa akin.
16 pa lang si Kenneth at isang graduating high school student.
Pero isang tanong niya ang napa-isip sa akin...

"Bakit ka sasama sa Voc Camp?"

"Hmm, wala lang gusto ko lang i-try."

Ang mema kong sagot sa kanya.

"Gusto mong i-try tumira sa Seminaryo."

"Parang ganun na nga siguro."

Jowa ko ang nagdala sa akin dito!

"Ikaw ba bakit ka aatend nito?"

"Kase may balak ako na mag-College sa Seminaryo pagkatapos ko ng high school. Bakit ikaw? Ayaw mo-"

Mukhang gusto nitong sabihin na magpapari ako ah...

"HINDI!, tulad nga ng sinabi ko kanina, gusto ko lang i-try-ang tumira sa seminaryo."

One Call AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora