Chapter 43: "Pagsisisi"

39 1 0
                                    

...

"Bakit mo kami sinusundan ah?!"

Galit na itinanong nito kay Leomer habang hinahawakan ko siya ng mabuti para hindi makapumiglas...

"Pwedeng hayaan niyo muna akong makapagpaliwanang ng maayos. Hindi ko na kayo tatakbuhan!"

Sabi ni Leomer.

"Sige!"

Sabi ni Reyven.

Kaya hindi ko na siya hinawakan pa. Kundi hinawakan na lang namin siya sa balikat para makahanap ng lugar na pwede naming makausap siya ng maayos.
At si Leomer nga ang lalake!
Kilala nga namin siya!...
Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ganitong sitwasyon pa namin siya makikita ulit!

Sa isang kalapit na Convinient Store namin siya kinausap...

"Bakit mo kami sinusundan?!" 

Tanong ni Reyven sa kanya.

"Napag-utusan lang ako!"

Sagot ni Leomer.

"Napag-utusan nino?" 

Tanong ni Reyven.

"Nang Tatay mo!"

Sabi niya sabay tingin at tila turo niya sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba eh!"

Sabi ni Reyven...

"Bakit ka inutusan ni Dad na sundin ako sa mga pupuntahan ko?? At matagal mo na ba itong ginagawa?"

Tanong ko sa kanya ng mabuti.

"Hindi ko sana gagawin ito kung wala akong atraso sa ama mo!"

Mariin niyang sinabi sa akin.

"Anong atraso mo kay Papa?"'

"Ninakawan ko ang Papa mo isang araw.
Kinuha ko ang wallet niya sa bulsa niya ng palihim habang nasa atm siya malapit sa atin. Pero nahuli niya ako agad. At sinabi niyang ipapakulong niya ako. Pero nakiusap ako na huwag. Hinawakan niya ako ng madiin sa kamay para di niya ako takbuhan. Nagmakaawa ako sa kanya na huwag ituloy ang binabalak niya sa akin. Halos lumuhod na ako at umiyak sa kanya. Hanggang sa may ipagawa siya sa akin. At iyon ay ang sundan ka kahit saan man mangpunta. Ilang beses na kitang sinusundan. At pagkatapos sinasabi ko sa Papa mo ang lahat kung saan ka galing. May kontact din ako sa kanya. At dahil din doon kumikita ako ng pera. Pero sabi niya rin na kapag nabigo ako sa pinapagawa niyang ito, pananagutin niya ako sa nagawa ko sa kanya."

"Bakit mo ito sinabi lahat?? Bakit hindi ka nagsinungaling?" 

"Ayaw mo ba iyon?! Kaya ko lang naman nasabi iyon kase nahuli niyo na ako! Kaya sasabihin ko na lang ang totoo! At sa Totoo lang naguguluhan ako ngayon eh... Naguguluhan ako sa buhay ko ngayon! At kahit pigilan ko man o hindi ko man isipin. Natatakot ako ngayon! Natatakot ako sa mga nagawa ko at sa gulong pinasok ko!"

"Sinabi ba sa iyo ni Papa kung bakit kailangan mo akong sundin?"

"Hindi, Basta gawin ko lang raw ng maayos ang pinapagawa niya sa akin. Kung hindi mananagot ako sa kanya."

"Hanggang kailan mo ito gagawin?"

"Hindi ko alam! Kung hanggang kailan niya gusto. Hawak ako ngayon ng Papa mo! Kaya lahat ng mga ipinapagawa niya sa akin kailangan kong sundin lang iyon."

"Leomer, Hindi ka ito!" Sabi sa kanya ni Reyven.

"Lahat ay nagbabago Reyven! Ito na ako ngayon! Hindi na ito yung Leomer na nakilala niyo dati! Marami nang nagbago sa akin, ngayon"

"Leomer, Pakiusap huwag mo nang ituloy ito. Ang mga pinapagawa sa iyo ni Papa."

Pakikiusap ko sa kanya.

"Ano ba pang magagawa ko? Alam mo na eh! Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon!"

Sabi niya sa akin. Na sa tingin kong nangangamba siya.

"Ako bahala sa iyo." 

Kampante kong Sinabi sa kanya.

"Bahala na! Bahala na kung ano man ang mangyayari sa akin! Kahit pilit kong itakas ang sarili ko dito sa sitwasyon na ito. Parang wala na talaga akong magagawa pa."

Sabi niya na sobrang nangangamba at nag-aalala.

"Magtiwala ka lang Leomer. Maaayos rin ang lahat!"

Sabi ko naman sa kanya.

"Leomer, bakit ka nagkakaganito, hindi ka naman ganito nung maging classmates tayo sa School."

Sabi ni Reyven...
Huh? Naging magkaklase sila??

"Pero noon yun Reyven. At hindi na ito ang Leomer na nakilala niyo ni Matthew. Ang Leomer na niloko at pinaasa niyo. At higit sa lahat ang minaliit niyo... Alam mo siguro isa kayo sa mga may dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Dahil sa inyo, napuno ako ng galit sa sarili ko. At nagbago ang lahat simula sa pagiging maayos, at simpleng estudyanteng nakilala at nakasama mo noon. Ngayon ay naging pariwala at nasiraan na ng buong pagkatao."

"Pero hindi iyan magyayari sa iyo kung hindi mo pinigilan ang sarili mo na maging ganyan ka. Hinyaan mo ang sarili mo na lamunin ka ng galit at masira ang buong pagkatao mo. Ikaw rin ang gunagawa ng sarili mong buhay Leomer. Kaya huwag kang magturo ng iba, dahil sa mga nangyayari sa iyo ngayon."

"Alam mong gusto kong maging artista noon. Tulad mo Richmond, ako sana ang sisikat kung hindi lang ako sinamatalahan nila at ng kapatid ko. Maayos na sana ang lahat ng sinira niyo ang pagkatao ko... Pero ngayon dahil sa mga nalaman ko, sinayag mo lang ang lahat Richmond, sinayag mo lang ang buhay mo."

"Hindi ko sinasayag ang buhay ko. Sa tingin ko nga mas ginagawa kong makahulugan ang buhay ko sa pagsunod ko sa Diyos."

"Pagsunod sa Diyos? Ang tulad mo ay maglilingkod sa Diyos? Bakit pa?... Eh yung kapatid ko nga na susunod rin daw sa Diyos eh siya pang nag-agaw ng taong mahal ko."

"What the... Hindi ka talaga gusto ni Joana Leomer! Si Aries ang tunay niyang Mahal at hindi ikaw. Pinipilit mo lang ang sarili mo na mahalin siya, pero sa totoo lang hindi ka niya mahal!"

"TAMA NA YAN!... Hindi ko alam ang ganitong bagay na namamagitan sa inyo ni Reyven, pati ni Bro. Aries. Mabait na tao ang pagkakakilala ko sa kapatid mo Leomer. Bakit hindi ka matulad sa kanya..."

Singit ko sa kanila dahil tila umiinit na ang usapang ito nila Reyven at ni Leomer.

"Huwag na huwag mong sasabihing dapat akong maging katulad sa taong tulad niya! Mas gugustuhin ko pa ang ganito kaysa sa maging tulad niya na mag-aagaw ng lahat!"

"Walang inagaw sayo si Aries! Sa pagkakaalala ko. Tinalikuran kami ni Aries, pati si Joana para ibigay ang sarili niya sa Diyos. Oo, guilty ako na minsan ko kayong minaliit, at niloko. Hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa inyo ng kapatid ko. Pero, may mga bagay talaga na hindi talaga para sayo."

Pagkatapos magsalita ni Reyven, tumayo si Leomer at umalis na sa harapan namin.
Naiwan kami ni Reyven, na naghihinayag sa mga nangyayari ngayon kay Leomer.

One Call AwayWhere stories live. Discover now