Chapter 40: Isang Bisita

46 1 0
                                    

Kinabukasan...

Biglang nabali ang masarap kung tulog dahil sa may katok ng katok sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko sa orasan na magaala-10 na ng umaga.
At ng buksan ko ang pinto, si Nay Marci lang pala iyon...

"Richmond! Yung manager niyo nasa baba!" 

Sabi niya sa akin na ikina-gulat ko.
At alam kong walang iba kundi si Sir Ashton iyon!

"Ha?!!!... Ano?!... Bakit?!"

"Hindi ko alam! Basta ang alam ko kailangan mong bumaba doon."

Kaya wala akong nagawa nun kahit gusto kong matulog ulit at huwag nang magising...(Kahit hindi rin pwede) Naghilamos at nagbihis na lang ako para kitain si Sir Ashton sa ibaba ng sala namin.

Saktong bababa na ako ng hagdan nang marining ko ang boses ni Papa na pinapahanap ako kay Nay Marci.

"Sinabihan ko na siya na bumaba na."

Sabi ni Nay Marci kay Papa. Nang saktong nakita na nila akong pababa ng hagdan na may pag-aalinlangan.

"Oh! Nandito na pala siya."

Sabi ni Nay Marci.

"Mabuti naman Richmond at nandito ka na..Gusto kang kausapin ni Sir Boste." 

Sabi ni Dad.

"Alam niyo po Sr. Walter, napaka-ganda ng takbo ng career ni Richmond at pinagbubutihan niya ang mga dapat niyang gawin at nagagawa niya ang lahat para sa unti unti niyang pagsikat."

May paghihiwatig na sinabi ni Sir Ashton habang nakaupo sa Couch namin.

"Umupo ka Richmond." 

Sabi ni Dad.

Kaya umupo ako ng mas may pag-aalinlagan.

"Anong gusto niyo po sa akin Sir?"

Tanong ko.

"Bakit ganyan ka makapagsalita Richmond?"

Sabi ni Papa.

Anong masama kong sinabi dun? HAISST!

"Ang gusto ko sa'yo ay kausapin kang mabuti!" 

Sabi ni Sir Ashton.

"Napag-disisyon kong kausapin ni Sir Ashton ang isa't isa at kasama ka na doon para dito sa career mo."

Sabi ni Dad.

"Hindi kase pwede at basta basta ang ginawa mo. At malinaw na ayaw ng Papa mo sa ginagawa mo. Kaya wala kang magagawa kundi ipagpatuloy ito sa ayaw at sa gusto mo."

Sabi naman ni Sir Ashton.

Lalo pa akong nag-alinlangan at hindi ko alam ang gagawin. Paano ito?!

"Pero anong magagawa niyo kung ayaw ko talaga?"

Naglakas loob akong sinabi sa kanila.

"Hindi nga maari ang sinasabi mong iyan Richmond. Hindi pa ba malinaw ang sinabi ni Sir Boste? Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?!"

May inis na sinabi ni Papa sa akin.

"Papa nagdisisyon po ako para sa sarili ko at sinabi ko nang ayaw ko na!"

"Bakit Ayaw mo?? Diba gustong gusto mo ito? At magiging masaya ako kung ipagpapatuloy mo pa ito!"

"Ayaw ko na, kase pinili kong isuko ang sarili ko at sumunod sa Diyos! Hindi niyo ba nakikita iyon?! Alam ko pong biglaan. Dahil tinawag niya ako sa hindi inaasahang pagkakataon! Hayaan niyo po ako na sundin Siya! Sundin kung para saan ang puso ko at ang sa tingin kong kagustuhan ng Diyos sa akin."

"That's Ridiculous! Tigilan mo nga yan Richmond, ano bang pinagsasabi mo?" 

"Sinasabi ko lang po na may kalayaan akong pumili at makapagdisisyon sa sarili ko. At ang hayaan akong sumunod sa Diyos!"

"Stop It! Stop that Nonsense!"

"No Pa, listen to Me! Buksan niyo ang kalooban niyo. Buksan niyo po ang sarili niyo na totoong may Diyos! At Buhay Siya!"

"I said Stop it!"

"Richmond! Bakit hindi ka na lang sumunod sa amin. This is for your own good!"

Sabi ni Sir Ashton sa gitna ng direstyahan naming pag-uusap ni Dad.

"Pero mas pinili ko pong sumunod sa sarili ko at sumunod lang sa Diyos. Bakit hindi niyo po iyon naiiintindihan?" 

"Dahil hindi ka namin maintindihan Richmond!" 

"Hindi niyo talaga ako maiintindihan dahil hindi niyo ako pinapakingan!"

"Sino ka na ba sa tingin mo Richmond at ang lakas ng loob mong magsalita sa amin ng ganyan?" 

Singit ni Dad...

"Pa, I am who I Am and God Choose me of Who I am!"

"Hanggang kailan ka titigil sa mga pinagsasabi mo Richmond!?"

"Hindi po ako titigil, lalo na sa pagtugon ko sa tawag ng Diyos. Hanggang mayroong pagkakataon!"

Iniisip ko kung saan mapupunta ang usapan na ito.
Ramdam ko at alam ko na hindi nila ako pinapakingan. Dahil mas pinapakingan nila ang mga sarili nila. Lalo na si Papa.

"That's it!!! Ipagpapatuloy mo ang career mo Richmond at hindi mo maaring iwan ito! Hindi masusunod ang gusto mo at ang mga sinasabi mo, nd that is Final!"

Sabi ni Dad, na ikinabahala ko.
Pero iniisip ko pa rin na wala pa rin silang magagawa dahil mas susundin ko ang sarili kong kalooban. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila.
Inaasahan ko naman na kapag si Sir Ashton ang lumapit kay Papa. Alam kong talo ako. Pero patuloy kong ipaglalaban ang sa tingin kong dapat! Lalo't alam kong nandito ang Diyos para sa akin.
If God is with me Who will be Against me?!
Tapos magpaalam ni Papa kay Sir Ashton...

"Paano ba yan Richmond. Mukhang tuloy ang career mo. Hindi ka magreretire hanggang nandito ako sa tabi mo!"

Sabi pa ni Sir Ashton na nagpapahiwatig na panalo siya.

"Maaring nagawa niyo nga po. Pero minsan po ba naisip niyo na kung paano kung may humadlang sa gusto niyo at sa tingin niyong iyon ang dapat na gawin?"

Tanong ko kay Sir Ashton.

"Bata ka pa Richmond, marami ka pang hindi alam. Hindi lahat nalalaman mo na. Lalo na sa buhay mo. Hindi basta basta ikaw ang masusunod sa buhay mo. Minsan nilalagay tayo ng mismong mga sarili natin sa mas nakakabuti at nararapat, Richmond. Isipin mo itong mabuti Richmond. Ano ba ang maganda Ito o ang gusto mo?  Hindi lahat may pagkakataon na marating ang narating mo ngayon?"

Sabi ni Sir Ashton na pagkatapos ay parang masayang umalis sa bahay namin.

Ano ang gagawin ko ngayon?! Ngayon na parang wala na akong magagawa!Tulungan niyo po ako Panginoon!

Send O Lord Holy Apostles into your Church! (Italic bold)

One Call AwayWhere stories live. Discover now