Chapter 25: Mga Katanungan

48 1 0
                                    

"Pinarurusahan yata ako ng Diyos. Dahil umiiwas ako sa mga pinaparamdam niya sa Akin. Galit yata siya sa akin. Pero bakit niya ako dinala dito? Bakit niligtas niya pa ako mula sa aksidenteng iyon?" 

Desperado kong sinabi...

"Dahil mahal ka ng Diyos, Richmond. Hindi Siya galit sayo. Dahil kung ganun nga, bakit ka Niya Tinatawag? Bakit may gusto siyang sabihin sayo? Bakit patuloy siyang lumalapit sa Iyo?! Kailangan mo lang makining sa Kanya at hayaan siya na pumasok sa buhay mo."

Sabi ni Bro. Aries sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanila ang tradhedyang nangyari sa amin.

"Bro, pwede pong mahiram ang cellphone ninyo, meron lang po akong tatawagan saglit?"

Pakiusap ko kay Bro. Aries.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at ibinigay niya sa akin.
Pagkakuha ko ng cp ni Bro. Aries agad kong tinype ang number ni Anne para tawagan siya.

"Hello, Anne?"

"Hello? Ri-Richmond? Ikaw nga ba talaga toh?"

Sabi ni Anne...

"Ahm, Anne... Oo ako nga toh."

"Talaga po??, Anong nangyari sa inyo? Nasaan ka ngayon?" 

Tila nag-aalalang sinabi ni Anne.

"Huwag kang mag-aalala ligtas at nasa maayos na kalagayan naman ako. Nandito ako sa Baguio. Mahabang kwento kung paano ako nakaligtas mula sa aksidente, pero di ka pa alam sa ngayon kung nasaan sila, kase nahiwalay ako sa kanila..."

"Alam mo bang di ako makapakali kakaisip sa inyo. Matapos kong malaman ang nangyari sa inyo, sa balita ngayong umaga..."

"Ok ako, Anne huwag mo na kong masyadong isipin pa..."

"Papaanong di kita iisipin, baka ano na ang nangyari sa inyo. Si Alvin, yung kapatid ko, nasaan na siya? Ano nang kalagayan niya ngayon?"

"To be honest, Anne wala pa akong alam, maske sa iba ko pang mga kasamahan di ko pa alam kung ano ang nangyari sa kanila..."

"Nasaan ka ba kase ngayon, sabihin mo sa akin. Para malaman ko..."

"Actually, nasa loob ako ng isang monasteryo. Isang pari ang nakakita at ang nagdala sa akin dito."

At parang di na sumasagot si Anne. Napansin kong alalang alala talaga siya. At parang natataranta, parang wala siyang magawa sa nangyari sa amin. Di ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat lahat. Lalo't nawalay ako sa mga kasamahan ko ring naaksidente.

Maya maya lang nawala na si Anne sa linya... At parang may nangyaring di maganda sa kanya habang kinakausap ko siya sa cellphone.

"Salamat po Bro. Aries..."

Sabi ko pagbalik ko sa kanya ng Cellphone niya.

"Huwag mo na kong tawaging 'brother', Aries na lang... Handa ka na ba?"

"Para saan po?"

"Ni-rereport ka na kase namin sa mga awtoridad para madala ka sa ospital. At baka sakaling makita mo ang mga kasamahan mo doon. Mag-ready ka na lang anytime na may dumating para kunin ka." 

"Opo Brother, este Aries..."

Biglang pumasok si Fr. Abe kasama si Bro. Adryl  na may bitbit na tray ng pagkain.

"Hijo kumain ka muna, importanteng may laman ang tiyan mo bago ka kunin dito ng mga manghahatid sa'yo. Pinaalam ka na pala namin sa mga pulis, at sinabi kong nakita kita at nandito ka sa aming monasteryo. Kaya kahit anong oras mula ngayon ay darating sila dito."

Sabi ni Fr. Abe. At lalabas na sana siya...

"Father, Salamat po sa tulong ninyo. Sa lahat lahat po... Pasensya na rin po sa mga inasal ko kanina."

"Ayos lang yun anak, naintindihan kong di mo mapigilan ang sarii mo sa mga oras na yun dahil sa nangyari sayo."

Sabi ni Fr. Abe na nakangiti ng unti sa akin.

Tila gusto pa akong bantayan ni Bro... este ni Aries. Kaya...

"Kain tayo, Aries..."

"Sige lang, mas kailangan mo yan para lumakas ka..."

"Anong ginagawa niyo pala dito?"

Tanong ko, nang bigla akong mapaisip kung bakit nandito silang dalawa ni Adryl.

"May a-attendnan kase kaming First Profession dito ng ilan sa mga kaibigan naming mga friar."

"Ah... Anong oras po ba magsisimula yun baka naging abala ako sa bagay na yun dito."

"Ano ba Richmond huwag mong isipan yan. Natural nakita ka nilang sugatan kaya nanaisin talaga nilang tulungan ka dito. At huwag ka ring mag-alala dahil maya maya pa naman magsisimula ang profession. Although may mga bisita nang nagsisidatingan na ngayon. Kung gusto mo mamaya manood ka ng seremonyang gagawin, kung sakaling wala pa ang mga manghahatid sa'yo dito.
Pero pagkatapos mong kumain, mag-ayos ayos ka na lang muna ng sarili mo kahit kunti."

"Opo, Aries..."

Medyo desperado pa rin ako sa ngayon.
At na-coconfuse ng unti dahil sa nangyari...
Di ko alam kung ano ang gagawin ko... Kaya itinoun ko muna ang sarili ko sa paghahanda at sa paghihintay para sa mga maghahatid sa akin dito.

Maya maya...

Ipinahiram ako ni Aries ng damit mula sa mga damit na baon niya papunta dito.
Sinamahan niya akong maglibot sa paligid ng maliit na monasteryo na ito. Para kahit papaano daw ay maibalik ang diwa ko. Naeepektohan pa rin kase ako ng aksidenteng nangyari sa akin. Huh...
Sa Chapel nila doon, ay parang nagkakagulo ang mga "Friar" dahil nga raw sa may First Profession doon. Ewan ko kung ano yun. Pero, hinihikayat ako ni Aries na manood kahit saglit, habang naghihintay sa mga pulis na hahatid sa akin.

Biglang dumutong ang bell habang nakikisalamuha kami ni Aries sa ilang mga friar doon. Na nakahabit ng brown, at may puting lubid sa mga bewang nila. Sila raw ang mga Franciscans of the Holy Cross.
Ang bell ay hudyat na ng simula ng misa para sa First Profession...

Habang nagaganap ang misa, pakiramdam ko nandito nanaman siya. Itong feeling na ulit na ito na parang masarap at nakaka-goosebumps.

Yung parehong pakiramdam na nangyari sa akin sa Chapel ng Seminaryo nila Aries. Hay ano ba nanaman ito Lord?
Nangungulit ka ba nanaman ba?
Nangungulit ka ba habang nanonood ako ng First Profession na ito?
At nasasaksihan ko ang panunumpang ginagawa ng mga friar na ito sa harapan ninyo?
Ano ba kase ang gusto niyong ipahiwatig?
Na maging katulad ako sa kanila?

Iiwan ko ba ang lahat lahat para lang dito? Ito ba ang gusto niyo? Ang paglingkuran at sumunod sa inyo?
Kahit natatakot ako... Natatakot na tumungon sa panawagan ninyo. Paano kung di ko kaya? Paano kung ayaw naman nila? Maraming mga hadlang at pipigil sa akin. Lalo na sa kalagayan ko... Lalo na at tinatahak ko ang pag-aartista.

Tinatawag niyo ba ako para tahakin ang daan na iba? Sa daang di pangkaraniwan sa iba. Itong daan nila. Itong daan para sumunod sa inyo? 
Pa...Paano toh? Paano ko sisimulan?
Naguguluhan Ako?!

"Richmond?..."

Biglang nagpalakpakan matapos nang isuot ng mga na-professed ang kanilang mga habit.

"Richmond?..."

O Panginoon, paano po ba?
Paano po bang sumunod sa inyo tulad nila?...

"Richmond!..."

Napalingon ako kay Aries...

"Nariyan na yung pulis para kunin ka mula dito. Kailangan na muna nating umalis Richmond."

Kasama siya?!...

"Sasama po kayo?"

"Oo..."

"Pero paano itong first profession niyo?"

"Ayos lang mukhang nakita ko naman din ang lahat lahat. Kaya tara sumunod ka na sa akin..."

One Call AwayWhere stories live. Discover now