Chapter 46: "Pasukan"

49 2 0
                                    


Mama, Papa,...

Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga inasal ko. Inasal ko dahil gusto ko lamang iaalay ang sarili ko sa Diyos. Pero alam kong hindi kayo makakapayag dito. Dahil ibang bagay ang gusto niyo sa akin.
‎Naiintindihan ko naman po kayo. Pero po ngayon, sa tingin ko po kailangan kong gawin ito. Gawin kong ano ang sa tingin kong dapat gawin ko na. Baka pa siguro mahuli ang lahat. At bago po lumalala ang mga sitwasyon. Ma, Pa, sorry po ulit kung nagawa ko ito. Nagawa ko ito dahil mahal ko ang Diyos. Pero mahal ko rin kayo. At hindi ko pa rin kayo makakalimutan, ipagdarasal ko po pa rin kayo. Ipagdarasal ko rin na sana dumating ang araw na matanggap na ninyo ang disisyon ko. Pero siguro nga ganito kung mahal mo talaga ang Diyos. Gagawin mo ang lahat para sumunod sa kanya. Akala ko noon masaya na ako sa pag-aartista. Pero hindi pa pala. May isang bagay pa palang naghihintay sa akin. Don't worry Mama Papa we will see each other again. But thia time I must leave you and leave our house to Follow Him. I hope you will forgive and understand me. I love you mama and papa.

Richmond

...

Anne, sana nababasa mo itong sulat ko ngayon. Sinulat ko ito nung gabing aalis na ako sa amin para tumuloy ng seminaryo. Oo tumakas ako sa amin, pumasok nga talaga ako ng seminaryo. Pero kahit gagawin ko ito, gusto ko pa rin malaman kung gaano pa rin kita kamahal magpahanggang sa ngayon. Alam kong hindi tayo nakapag-paalam ng maayos sa isa't isa. At alam ko rin na hindi naging maayos ang pagtatapos natin ng sa atin. Pero sana, dumating pa rin ang araw na magkita tayo. At muling magkausap, at magkalinawan. Kaya sana, huwag kang sumuko, Anne. Alam kong galit ka sa akin at nasaktan kita ng sobra pero sana mapatawad mo pa rin ako. Sana mapatawad mo ako kapag muli tayong mahkita. At kung magyari man yun sana handa na ang mga sarili natin. Handa na nating harapin at tanggapin itong lahat. Yung sitwasyon natin. Yung tinatahak ko ngayon. Yung ginagawa ko sa buhay ko.
Mahal, ipagdarasal pa rin kita. At hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga pinagsamahan natin ng dalawang taon. Salamat sa lahat, salamat na nakilala at minahal kita. At naging parte ka ng buhay ko. Pero hanggang dito na lang muna, mahal. Dahil tutuloy na ako. At sana dumating pa rin ang araw na magkaayos tayo at magkasama bilang mga kaibigan o maske kapatid pa tulad nang dati. For the last time... I love you, Anne.

Rich

...

Richmond A. Ricafort
May 31 at 2:30AM
Mahirap mag-panggap na masaya kung nasa sitwasyon na lungkot na lungkot ka sa mga kaibigan mo na nawala na sa landas. Sabihin na lang natin sa buhay kabanalan, kapag nakikita mo sila ngingiti nalang upang hindi makita na malungkot. Kung maaari lang bumalik sa nakaraan upang bumalik ang aking saya pero hindi na pwede kung mauulit man hindi na tulad ng dati.  Sabi nga ng ilan “Ang tunay na kasiyahan ay makikita sa langit o sa buhay Kabanalan. " Isa lang naman akong tao na ang plano sa buhay ay tumugon sa tawag ng Diyos at panumbalikin ang mga naliligaw ng landas halimbawa na lang mga kaibigan kong hindi nakikita at nakakasama, pero paano ko ito sisimulan? Marahil isa akong tao na naghahanap din ng pansamantalang kasiyahan at luho sa mundong ito upang mabalewala ang plano ko noon sa buhay? Anong mangyayari kung tuluyan maligaw ang mga ito? At sabi nga din ng ilan “Kayo ang gagawa ng landas niyo. " Ito ba marahil ang dahilan o may kadahilanan?

...

THIRD PERSON

May 31 araw ng pasukan sa Sacred Heart Seminary ng mga bagong semenarista.

At kabilang doon si Richmond Alvarez Ricafort isang dating Heartthrob, kinahuhumalingan ng lahat. Kinababaliwan ng mga kababaihan at ng hindi medyo babae.
Talented, Mayaman, isang ideal na boyfriend, Sikat at nag-iisang anak.
Pero sa araw na ito ay sisimulan niyang mamuhay bilang isang taong naghahangad ng isang kakaibang buhay.
Buhay na sabihin nating hindi ganun kadali... Nagnanais ng buhay para paglingkuran ang Diyos. At tinatahawak ang buhay para sumunod sa mga yapak ni Kristo.

One Call AwayWhere stories live. Discover now