Chapter 20: Change is Coming

76 2 0
                                    


Kinabukasan...

Nagpagupit ako ng buhok, pina-trim ko at pinalagyan ko pa ng style sa gilid. At pina-highligh ko yung buhok ko ng light brown. Dahil ako na lang ang walang kulay ang buhok sa amin. Si Xander dilaw ang buhok, blue naman kay Reyven, green kay Matthew at pula kay Alvin. Bumili rin ako ng bagong damit na isusuot ko sa debut ni Alexa mamaya. Sinadya ko ang sarili ko na Magpagwapo at magpaka-angas. Baka sa paraan na ito, sinubukan kong baguhin ang sarili ko. At maipakita ko na Ito Ako!

Sa debut ni Alexa...

Ininmbitahan rin sila Mama at Dad. Sa isang napaka-magarbong Venue ginanap ang debut ni Alexa. Imbitado si Anne pati ang best friend nilang si Luz, At ang pamilya nila. Pati ang buong FIVEtastics. Pati na rin ang mga pamilya namin.

Maraming mga bisita si Alexa, pati mga handa. At napakaganda niya, at sa suot niyang magandang gown. Mukhang ginastusan talaga nila ang party na ito para kay Alexa. Lalo't malaki rin ang naitulong ni Xander dito. Mula nang maging Boyfriend ni Alexa si Xander naging maunlad rin ang buhay nito. At nagkaroon sila ng negosyo sa Pag-Proproduction.

Imbitado rin si Sir Ashton, (Patay!) Kaya medyo tinago-taguan ko siya...
Napansin ng mga kasamahan ko ang pagbabagong anyo ko.

"Aba! Ayos ang Gupit mo Richmond ah!?"

Sabi ni Xander.

"Wow, Rich Astig!!! Lumelevel up ka ah!"

Sabi pa ni Alvin sabay inapiran pa ako...

"Para ba toh sa soon na paglabas natin sa isang Teleserye sa TV?!"

Tanong sa akin ni Matthew.

"Offcourse! At diba nga sabi ni Direck dapat astigin at maangas ako para fit sa Role ko?!"

Sabi ko sa kanila.

Sabay, nakita ko sila Anne, Alexa at si Luz na nag-uusap.
Doon ako lumapit kay Alexa para ibigay ang personal na regalo ko sa kanya. Pumunta rin si Xander, at niyakap siya ng mahigpit ni Alexa at nagpasalamat sa lahat na dahil sa kanya nagkaroon siya ng ganitong debut. Tapos nun pinapunta na ako sa mesa namin.

"Grabeh Xander ang laki yata ng ginastos mo dito!"

Pagkamaghang sinabi ni Alvin.

"Hindi naman, tumulong rin naman ang family ni Alexa at syempre gusto kong maging espesyal ang araw na ito kay Alexa."

Sabi ni Xander.

"At hindi pa dito nagtatapos ang regalo ko para kay Alexa, meron pa. Nandito si JK!, nasa likod siya."

Dagdag pa niya.

"Ano?!!! Si JK?!"

Gulat na sinabi ni Alvin.

"Maayos naman siyang kausap eh saka tropa kaya kami nun."

Sabi pa ni Xander.

"Edi kayo na ang mag-tropa!"

Sabi ni Matthew.

"Pag nag-debut ako Alvin gusto ko nandoon naman si Darren Espanto ah?! Mas gwapo kase yun at magaling kumanta kaysa kay JK na yan!"

Pagmamalambing na sinabi ni Luz kay Alvin.

"Oh sige! Kausapin ko siya. Pa-picture ako mamaya kay JK bro ah!"

Sabi ni Alvin kanila Luz at kay Xander.

"Ikaw Anne, sinong gusto mo sa debut mo? Next year na iyon diba?"

Sabi ko naman kay Anne.

"Basta't nandoon ka at nandoon kayo. Kuntento na ako sa mga FIVEtastics sa debut ko."

One Call AwayWhere stories live. Discover now