Chapter 19:ID

91 1 0
                                    

Tulad rin sa amin, malaki rin ang bahay nila Anne. Kaya umakyat sa second floor yung mga kasamahan ko kung saan meron ding sala. Maglalaro raw sila roon ng NBA. Iniwan nila kami sa isa pang sala sa ground floor.  Pinag-usapan namin ang lahat ng nagyari sa Voc Camp. Kilala niya Sila Bro. Aries, Bro. Christopher, Bro. Vince, Bro. Adryl, Bro. Angus, Bro. Tom, Fr. Kendel at si Fr. Wilfred.

"Buti naman at naging masaya ka doon?!"

Tanong sa akin ni Anne.

"Hindi lang masaya, Astig pa! Marami akong hindi malilimutan doon. Lahat ng mga karanasan, mga natutunan ko at pati na rin yung mga nakilala ko doon na mga bagong kaibigan. Di ko aakalain na magiging ganun pala kasaya doon."

Sabi ko.

"Sabi ko sayo masaya yun eh! Hindi rin ako nagkamali sa pagpili ng papupuntahin doon. Akalain mo sa lahat ng mga nainbinta ko doon ikaw lang ang pumayag at natuloy!"

"Oo nga eh kung wala lang kase akong atraso sayo eh."

"Wow ah! Pero, bukod doon wala ka bang naramdaman? ahm, wala bang pumapasok sa isip mo na iba?"

Ano itong sinasabi niya?
Bakit parang alam niya...
Siguro nagtatanong lang naman siya. Pero bakit naitanong niya yung ganyang klaseng tanong?

"Ahm, Anong ibig mong sabihin?"

Balik ko na lang ng tanong sa kanya.

"Tulad ng ano- kung na-homesick ka ba o nahirapan ka bang mag-adjust?" 

Huh, yun lang pala.

"Medyo naninibago rin syempre. Pero hindi rin naman nag-tagal kase naka-adjust din naman ako agad. At ok na ok  naman doon."

Hayyss...
Parang may tinatago ako sa kanya na wala. Ewan hindi ko na maintindihan. Nakapasok lang ako sa lugar na iyon. Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ako.

Pakiramdam ko nga parang naka-attatch  na ako doon eh. Parang bago tuloy sa akin ang lahat. Pakiramdam ko para akong nangibang bansa at bumalik dito ✈ Ay ewan! Pero lilipas rin ang mga araw. At hindi na ganito ang mararamdaman ko!

"I Love you"

Sabi ko kay Anne.
Dahil siya ang pinakamamahal kong babae sa lahat!
Ang makakasama ko habang buhay...  Ang buhay ko.
At ang pinangakuan ko ng aking pag-ibig. Sa kanya ko lang ibibigay ang lahat.
Siya ang buong buhay ko. Sa kanya ko lang ipaparamdam ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay nang buong puso!

"I love you too, Richmond."

Hindi ko na alam kung anong nagyayari sa akin. Gusto ko siyang halikan dahil mahal na mahal ko siya.
At yun ang ginawa namin.
Patunay yun na nagmamahalan kami ng tunay. At paghahawakan namin yun hanggang sa huli. Dahil siya at siya lang ang mamahalin ko nang tunay at wagas.

***

Medyo papalapit na ang gabi.
Kaya nauna na akong umuwi sa mga kasamahan ko. Gusto ko lang na magpakita sa bahay agad para malaman nila na nakalabas na ako ng seminaryo.

Napadaan ako sa Simbahan...
Tumigil muna ako kase gayon ko lang namalayan na suot ko pa rin hanggang ngayon ang ID ko sa Voc Camp. Inalis ko yun at bahagya akong lumapit sa Simbahan. Di ko maitangi sa sarili ko na mayroon talagang bumabagabag sa akin. At iba itong nararamdaman ko. At sa tingin ko may kinalaman Ka doon. Oo Siya ang Diyos. Alam kong Siya ang may kagagawan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Ang Diyos, rin siguro ang naglagay sa akin sa mga sitwasyon na ito. Mga sitwasyon na hindi ko alam kung bakit naging sangkot ako  sa mga iyon. Bakit kailangan ko pang dumaan sa ganito. At bakit ganito, ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko may nangyayaring kakaiba sa akin.
Kaya habang hawak yung ID.
Sinabi ko...

One Call AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora